401 Nakakagulat na boses

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Ang clown na si Jason at ang iba pang miyembro ng Murderous Blood Gang ay kalmado at naka ayos sa gitna ng kaguluhan at may nakakakilabot na ngiti sa kanilang mga mukha, nag nagdudulot ng kakaibang pakiramdam ng mga guwardiya.

Habang nakikita ang dalawang taong naglalaban, ang maliit na clown ay masimpatyang nagsabi, "Tsk tsk, masyadong walang alam… hinahanap niya talaga ang kahinaan ni Eugene..."

Sa isang iglap, Si Song Jing at Eugene ay nakagawa na ng 100 atake sa isa't isa.

Subalit, Si Liu Ying at ang iba ay walang kahit kaunting saya sa kanilang mga puso; Sa halip, namutla ang kanilang mga mukha.

Ang bastos ay parang nakikipag biruan lang sa isang daga ng buong oras na iyon - ang mga kuko niya na kasing talas ng bakal ay nagiwan ng mga sugat kay Song Jin sa bawat atake.

Bawat sugat ay bumaon ng malalim sa kanyang laman, sumaksak patungo sa puso niya. Bagamat ang mga sugat niya ay hindi delikado, nakaramdam siya ng matinding dalamhati, isang masamang kapalaran na mas malala pa sa kamatayan...

Sa ilang maikling minuto, si Song Jing ay naging isang duguang nilalang!

Ang dugo ay hindi makikita sa kanyang itim na damit, ngunit sa ilalim ng kanyang mga paa, kahit saan siya tumapak, mayroong bakas ng dugo...

Ang tila naghatid sa kanila sa mas malalang desperasyon at pagdududa ay ang bastos na lalaking ito ay nakagawa na siya ng 100 atake kay Song Jing, ngunit hindi pa niya naipapakita ang kanyang tunay na lakas.

Nandilim na ang buong mukha ni Liu Ying. Sinubukan niyang tumayo, ngunit dahil sa sobrang sakit, napayuko siya, tumutulo ang malamig na pawis sa kanyang noo habang mabilis na ang kanyang paghinga. "Dali! Tigil, si Song Jing! Itong siraulong ito ay nakikipaglokohan lang sayo!"

Subalit, sa sandaling sinabi ni Liu Ying iyon isang nakakatindig balahibong tunong ang umalingawngaw.

Nakatarak na parang espadang kamay ni Eugene sa tiyan ni Song Jing. Ang sakit ay sobra sobra na halos mahimatay na siya matapos ang pangyayari, tumayo siya ulit, umagos ang dugo. Sumugod siya paharap, pagewang gewang...

Pero sa mga sandaling ito, si Song Jing ay parang palaso na patapos na sa kanyang paglipad - halos kaunti pa lang ang kinilos niya bago siya sadyang atakihin ulit sa kanyang tiyan...

''Tama na!" Ang parehong kamao ni Liu Ying ay halos durog na at ang mga mata niya ay namumula na.

Ang mga mata ng guwardiya ay namumula na din. Sumigaw sila at handa ng sumugod.

"Wag… huwag kayong lalapit..." Alam ni Song Jing na kahit pa lumapit ang iba, mamatay lamang sila ng mabilisan; gusto pang niyang patagalin ang kahihinatnatan nito, kung kaya ay ginamit niya ang kanyang lakas at tumalon papunta kay Eugene.

Ayaw nang maglaro ni Eugene ng habulan, kung kaya sa bawat atakeng ginawa niya ay sobrang madugo at nakakakilabot. Wala ng matinong parte sa katawan ni Song Jing ang naiwan...

"Ay… hangang dito lang siya sa lebel na ito? Nakakatamad..."

Mahinang sabi ni Eugene habang may kislap ng katamaran na makikita sa kanyang mga mata. Sa parehong panahon, itinusok niya ang kaliwang tagiliran ng dibdib ni Song Jing, para bang tatagos na ito sa puso ni Song Jing makalipas ang isang segundo.

"Ka… kapitan… patawad..." Tumingin si Song Jin patungo sa kanyang kapitan at ang mga minamahal niyang kakampi ng isang huling beses, puno ng pagsisisi ang kanyang mga mata.

Ang mga mabibigat na ulap sa kalangitan ay lumalapit ng marahas. Ang hangin ay puno ng amoy ng dugo at may nakakamatay na katahimikan sa mata ng lahat...

Sa saglit na iyon, isang nakakaakit at nakakahalinang boses ng babae ang umalingawngaw sa hangin --

"Lalaking naka itim, atakihin ang kanyang LU 1, LU 2, ST 13… [1]"

Hilong hilo na si Song Jing, subalit meron pa siyang katiting na kalinawan, hindi siya makakapayag na mamatay na lang siya ng ganito.

Ng marinig niya nag mga salitang ito, ginamit niya ang kahuli hulihang lakas niya. Hindi siya nagpigil at mabilis niyang inataki ang tatlong acupuncture points na binanggit ng misteryosong babae...

"Ah--" Isang sigaw ng sakit.

Hindi ito nanggaling kay Song Jing ngunit sa bibig ng bastos, Eugene..

Para bang tinamaan siya ng sobrang lakas na atake - hinawakan niya ang kanyang balikat at umatras ng kaunti. At matapos ang lahat, nakailag si Song Jing sa isang delikadong atake.

avataravatar
Next chapter