440 Nakakagulat na Balita

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Matapos ang ilang saglit ng pag-alis ni Ye Wan Wan pagkatapos niyang bigyan ng gamot si Si Ye Han, muling nag-ring ulit ang phone niya.

Ilang segundo na hindi kumikibo si Si Ye Han bago niya sagutin ang tawag. "Hello."

"Okay lang ako, mahina lang ang signal ngayon."

Pagkatapos makinig sa kausap niya sa kabilang linya ng tawag, muling nagsalita si Si Ye Han: "Pasensya na pero nagkaroon ng aksidente. Kailangan naming ipagpaliban muna ang negosasyon ng isang buwan."

"Oo."

"Kukunin ng Si Corporation ang responsibilidad sa kahit anong magiging resulta at sa mga masasayang na pera."

...

Malalim na gabi, sa isang mamahaling manor sa Imperial City:

"Ah ----- ah ah ah… masakit! MASAKIT! Sobrang sakit! Dahan-dahan lang! Pinapatay niyo ba ako?"

Sa sobrang sakit, patuloy pa rin na umuungol at sumisigaw ang isang lalaki. Malakas at maririnig ang kanyang sigaw kaya kinakabahan ang ilang mga katulong sa kanya, hindi nila sinusubukang mag-ingay sa oras na iyon.

Sa isang kwarto, isang lalaki na may malambot na balat ang nakahiga sa kama. Malala ang pagkabugbog sa likod nkya dahil makikita na nakatuklap ang kanyang balat at halos makita ang kanyang laman loob na basang basa ng dugo.

"Kamusta na ang kondisyon ng anak ko, Doc?" Madilim ang emosyon ni Si Ming Li nang balisa siyang nagtanong.

Nag-bribe siya ng mga tao sa Prosecution Hall pero hindi nila ito masyadong pinahalata, nag-pigil sila ng halos dalawa hanggang tatlong antas ng kanilang lakas para harapin ang kanilang parusa.

Nag-aalangan na sumagot ang doktor, "Ang mga sugat… sa likod ni young master Yi Jie ay hindi masyadong malala. Gagaling rin ang mga sugat niya sa tamang oras. Gayunpaman, ang buto sa kanang tadyang niya ay malaki ang pinsala, ikinalulungkot kong sabihin na…"

"Na ano?" Tiningnan siya ni Si Ming Li.

Humugot ng lakas ng loob ang doktor at sinabi, "Kinakatakot kong sabihin na… permanente na ang pagka-pilay niya… maapektuhan nito ang kanyang paglalakad…"

"Anong sinabi mo? Buong buhay na siyang magiging pilya?!" Hinampas ni Si Ming Li ang lamesa at bigla siyang napatayo sa sobrang gulat.

Ibig sabihin ba nito na magiging pilay na si Yi Jie?

"Yung pokpok na Ye na yun! Sisiguraduhin na pahihirapan ko muna siya bago mawalan siya ng hininga at mamatay siya!!!" umangal si Si Ming Li.

"Ano? Anong sinabi mo? Gunggong ka! Anong sinasabi mo na may pilay ang binti ko? Ibig sabihin ba na magiging pilay na ako?" nagsimulang sumigaw-sigaw si Si Yie Jie habang nakahiga siya sa kama.

"Young master Yi Jie, 'wag kang gumagalaw ng biglaan. Kakatahi lang nga mga sugat mo, 'wag kang gumalaw!" Mabilis siyang pinahinto ng doktor.

"Sige, pwede ka nang umalis doc!" Nandilim ang mukha ni Si Ming Li.

"Opo… opo…" mabilis na umalis sa bahay ang doktor at ang mga alalay niya.

"Papa, sinong pokpok ang tinutukoy mo? Yun ba yung jowa ni Si Ye Han? Wawarakin ko yung dalawang binti niya! Kailangan ko siyang pahirapan hanggang sa mamatay siya! Yung p***! Pa, bakit mo hinayaan na matalo ka ng isang babae at magkaganito pa ako?!"

Nagwala at sumisigaw-sigaw na parang baliw si Si Yi Jie sa sobrang galit nang malaman niyang may pinsala at pilay na ang kanyang binti.

"Tama na! Isara mo na ang bibig mo!" Galit na tiningnan ni Si Ming Li ang panganay niyang anak.

Akalain mo na ang panganay na lalaki niyang anak ay naging pilay dahil lang sa isang babae. Paano niya matatanggap ang pangyayaring iyon?

At kung matanggap niya iyon, ano pang magagawa niya?

Pagkatapos masira ang plano nilang pumatay, nawalan na sila ng tsansang ipagpatuloy ang plano nila sa oportunidad na ito. Malamang na lalong magiging strikto ang seguridad ng Si family at lubusan nilang iimbestigahan ang insidenteng ito.

Kailangan nilang maging mapagmasid at maingat sa mga kilos nila sa susunod, para mapigilan nila ang posibilidad na mahuli sila.

Basta't nasa mataas pa rin na posisyon si Si Ye Han, hindi nila pwedeng mahawakan ang kahit isang hibla ng buhok ng babaeng iyon!

Dumiling ang itsura ni Si Ming Li. Sa oras na iyon, biglang may kumatok sa pintuan.

"Pasok!" Iritableng sinabi ni Si Ming Li.

Isa sa mga pinagkakatiwalaang ahente ni Si Ming Li ang tumulak ng pintuan at natutuwa niyang sinabi, "Master, may nalaman akong nakakagulat na balita galing sa lumang residensya ng Si family! Tungkol ito kay Si Ye Han!"

"Nakakagulat balita? Anong nakakabiglang balita?" Patagilid siyang tiningnan ni Si Ming Li.

Humakbang papalapit ang ahente, bumaba ang kanyang boses at natutuwa noyang sinabi, "Nakakuha ako ng balita galing sa ating espiya na may malalang sakit na si Si Ye Han. Hindi na tatagal ang buhay niya ng anim na buwan!"

avataravatar
Next chapter