841 Nakakabusog sa mga mata

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

May maikling itim na buhok si Luo Chen, masidhing mga kilay at may malamig na aura sa kanyang manipis na labi. Nakasuot siya ng vintage western suit na may malaking coat sa ibabaw nito. Sa kanyang nababagay na suot, nagmukhang mahaba ang kanyang binti, at may krus na tattoo siya sa gilid ng kanyang leeg. Sa kanyang kamay, may hawak siyang vintage totem na baril.

Agad naisip ng mga tao agad ang mga istilo nila Gong Xu at Luo Chen… isang bampira at isang mangangaso.

"Wow… ang ganda…"

"At may sarili pa silang istilo!"

"Nakakabusog sa mata, ano?!"

Nagiging hayop ang mga tao sa nakikita at muli may kaguluhan na naganap sa studio.

Ang photographer, na si Xiao Yu Tong, ay tinignan silang dalawa at tumawa. "Parang biglang maganda ideya ang pagsamahin ang dalawang lalaki sa cover - doble ang ganda sa mata! Handa na ba ang dalawang gwapong lalaki? Kung wala ng isyu, pwede na tayong mag-umpisa sa shoot."

Lumapit si Gong Xu kay Xiao Yu at bumulong, "Ateng maganda, gawin mo akong mas gwapo, okay~ kailangan mas gwapo ako sa lalaking iyon!"

Tumawa si Xiao Yu Tong, "'Wag kang mag-alala, gwapo ka sa kahit anong anggulo!"

"Si ateng maganda, maganda ang panlasa~" tumingin pa si Gong Xu kay Luo Chen para pukawin ito.

Gaya ng dati, hindi siya pinansin ni Luo Chen. "Tanga."

"Sh*t! Sinong tinatawag mong tanga, huh? Subukan mong sabihin ulit 'yon! Ye-ge ge, personal na naman akong inaatake ng lalaking ito…"

"'Wag kayong magulo, magtrabaho ng maigi."

"Ye-ge ge, biased ka!"

Pinanood ni Xiao Yu Yong na mag-usap ang dalawa at bahagyang nagulat - mukhang hindi tulad ng sinasabi ng mga tsismis ang relasyon nila Luo Chen at Gong Xu, eh?

Kahit na nagsusuwatan sila, parang nagbibiruan lang ang mga ito at hindi tulad ng sinasabi ng mga tsismis - hindi sila magkalaban na parang tubig at apoy.

Sa una, plano niyang tignan muna ang mangyayari at magplano mula roon, pero nang makita niya ang dalawang tao ngayon, bigla siyang nagkaroon ng inspirasyon at hinila ang dalawa para pag-usapan ang epektong gusto niya.

Matapos makinig sa mga sinabi ni Xiao Yu Tong, mabilis na napunta sa karakter ang dalawa at inumpisahan ang shoot.

Una, magkatalikurang tumayo ang dalawa - sa kanan, nakakasindak na ngumiti si Gong Xu. Kiniling niya ang ulo niya patungo sa kamara at ginamit ang kanyang daliri para pahiran ang "dugo" sa kanyang labi. Sa kaliwa naman, bahagyang nakapikit ang mga mata ni Luo Chen. Humahangin sa likod ng kanyang amerikana ang wind blower at my misteryosong hangin sa kanyang krus na tattoo sa leeg.

Matapang ang isa habang tahimik naman ang isa; masama ang isa habang ang isa naman ay makatarungan; madilim ang isa habang maliwanag naman ang isa.

Sa magkasamang nakatayo ang dalawa, nakagawa ito ng napakagandang epekto sa paningin!

Nalulugod si Xiao Yu Tong at tinuro sila. "Galing! Isa pa - ngayon naman, Gong Xu, higa ka sa sahig. Kailangan medyo nakatingala ka at arogante ang ngiti mo. Luo Chen, hablutin mo 'yung kwelyo ni Gong Xu at tutukan mo ng baril sa puso niya…"

Sa gilid, pinanood ni Ye Wan Wan ang shoot at nakahinga ng maluwag. Mas maganda ang epekto sa inaasahan niya.

Naniniwala siya sa photographer tulad ni Xiao Yu Tong, mailalabas niya ang epekto ng mga istilong hinanda niya at tulad ng inaasahan, buong pwersa ang pagkamalikahain ni Xiao Yu Tong.

Ang mahusay na cover shoots ay hindi nagiging gwapo o maganda ang tao pero ang maayos na paglabas ng tema; tulad ng mga pelikula, may istorya rin ang magazine shoots.

Maya maya, natapos na ang unang set ng mga shot.

Kumpara sa unang set na mahiwaga, mas makatotohanan at pambahay ang ikalawang set.

Nasa studio ang ikalawang set na nakaayos na parang isang kwarto.

Nakasuot ng maayos na itim na suit si Luo Chen at isang pares ng gold-rimmed spectacles habang nakasuot naman ng kaibig-ibig na velvet na pajamas si Gong Xu.

avataravatar
Next chapter