95 Nakakabakla ang kaniyang kagwapuhan!

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Sino ito?" Tanong ng lalaking nakapanloob lang na tshirt at malaking boxers, agad na binuksan ang pintuan na parang inaantok pa.

Matapos niyang makita na si Si Xia pala ang tao na nasa pintuan, bigla itong napahinto at sinabi, "Oh, Si xia…"

Kahit normal lang sa dormitoryo ng lalaki na dumaan sa ibang kwarto, isang pangarap na para sa mga babae na makaharap siya at matinding kalaban naman ng mga lalaki. Bagamat, parang isang diyosa malinaw naman na si Cheng Xue ay hindi basta galing sa simpleng pamilya, siya ay malinaw na galing sa kakaibang mundo na walang katulad sa kanila. Maliban doon, Tahimiklang itong si Si Xia; Madalang ito makisama sa kanila, kaya hindi niya masabi kung bakit pupunta ito sa kaniya sa kalagitnaan ng gabi.

Kaya hindi niya maiwasang hindi magulat nang makita niya ito ng ganitong oras, "May kaiangan kaba?'

"Hinahanap ko si Ling Dong," Tugon ni Si Xia.

"Oh, Hinahanap mo si Dong ge. Kababalik niya lang, kaso nga lang…" Napa kamot ng ulo ang lalaki, na para bang naiinis, "Mali yung dating mo, wala sa ayos ang kondisyon ni Dong ge ngayon…"

"Wala sa ayos?

"Pasok ka, at nang maiintindihan mo!" Huminga ng malalim ang lalaki at binuksan ang pintuan.

Nang pag pasok ni Si Xia sa loob, ang matapang na amoy ng alak ang sumalubong sa kanya.

Matapos maka pasok ni Si Xia, agad agad na isinara ng lalaki ang pintuan, dahil sa takot na baka kumalat ang amoy at maamoy pa ito ng inspektor.

Nakita niyang naka upo sa sahig si Ling Dong na para bang nasa putikan, tila bang lasing na lasing ito at binabanggit ang pangalan ni Ye Wanwan.

"Wanwan… Wanwan… Bakit mo ba ako trinatong ganito… Bakit hindi ko agad nalaman ng mas maaga…"

Unang tingin palang sa kaniyang kondisyon, malalaman na agad na ito ay heartbroken.

"Anong nangyari?" nang tumingin si Si Xia sa tatlong lalaking nasa loob ng kwarto.

Ang tatlong lalaki ay nagkatinginan, At ang lalaking nag bukas ng pinto ang lumapit nagtatakang sabi, "nakipag kita si Dong ge sa kasintahan ni Ye Wanwan ngayong gabi! Talaga bang may kasintahan na si Ye Wanwan! Naniniwala ka ba dito?"

"Talaga ba?" bahagyang kumislap ang mga mata ni Si Xia.

"Totoo! Iniisip nga namin nong una na baka nag sisinungaling lang si Ye Wanwan na siya ay may kasintahan para lang lubayan na ito ni Dong ge. Sinabi pa niya na ang kaniyang kasintahan ay napaka gwapo, ng walang tigil! Sino ang maniniwala sa kanya? Sino bang makakapag hula na talaga ngang nakipagkita si Dong ge nung lumabas siya!"

"Hindi lang daw sila nagkita-- ayon kay Dong ge, Ang kagwapuhan ng lalaki ay maka basag langit, kumpara sayo, Si Xia, Siya ay…" huminto ang lalaki at huminga ng malalim.

"Oh, Mas gwapo kesa sa akin, Tama ba?" Mahinahong sabi ni Si Xia.

Nangamot ng ilong ang lalaki at nahihiyang sumagot, " Gayon pa man, yun lang ang sinabi ni Dong ge. Sa tingin namin kaya lang naman nito nasabi iyon dahil siya ay lasing!"

"Paano naman mang yari na may sobrang gwapo at bulag lalaki sa mundong ito na mag kakagusto kay Ye Wanwan?"

"Tama, ano ngayon kung totoo nang may kasintahan na si Ye Wanwan? May pagkakataon pa naman si Dong ge upang maagaw ito?"

Habang nang uusap ang mga lalaki, Si Ling Dong na lasing sa gilid, winagayway niya ang bote ng alak at sumigaw sa galit, "Letse...Gwapo… Nababakla ako sa sobra niyang kagwapuhan… Para namang kaya ko siyang labanan…"

Ang tatlong lalaki sa tabi: "..."

Anong ibig mong sabihin na nababakla ka sa sobra niyang kagwapuhan?!

Dong ge,kumalma ka nga saglit, Dong ge!

Nang mga sandaling iyon, tumingin si Si Xia kay Ling Dong, Lumapit ito sa kaniya at lumampasay sa sahig. At ibinigay niya ang kaniyang telepono, "Siya ba nag nakita mo ngayong gabi?"

Hilong tumingin si Ling Dong sa telepono ni Si Xia. Kalaunan, ang kaniyang lasing niyang itsura ay bigla na lang naging mahinahon at nang siya ay umupo, bigla na lang itong nanginig, "Ikaw… Bakit meron kang litrato ng kasintahan ni Ye Wanwan?"

Nang ito ay marinig niya, agad agad ipinikit ni Si Xia ang kaniyang mga mata at tanging kadiliman lamang ang kaniyang nakikita.

Si Ye Han…

Siya nga iyon…

Ang babae sa Jin Garden ay si Ye Wanwan, Kaklase niya iyon sa parehong paaralan at klase, nang hindi niya alam!

avataravatar
Next chapter