204 Nakakaakit ng galit na mga tao

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

May pabuenas!

Nag.hu.bad ang pogi sa harap nilang lahat!

At ang ganitong kasiyahan ang nag gimbal sa mundo ng mga fangirls.

Sa isang saglit, halos masira ang bubong ng class F sa malalakas na tili ng mga babae.

Naingayan si Si Xia, "Napakagulo naman…"

Alam niyang mangyayari ito.

Tinaas ni Ye Wan Wan ang ulo niya mula sa pagyuko at nakita niya na nakahubad si Si Xia habang nakaupo, napansin niya rin ang damit ng lalaki ay nakabalot pala sa kanya.

Hindi makapaniwala si Ye Wan Wan

Anong nangyari??!!! Saglit lang naman akong umiyak ah!

"P*ta! Anong nangyari sayo?"

"Hindi ba nilalamig ka? Umiyak ka dahil nilalamig ka!" Makatotohanang sagot ni Si Xia.

"..." Sinasabi ko lang 'yon pero hindi 'yon ang ibig sabihin ko! Hindi mo ba alam?!

At saka, anong magagawa nitong lukot at manipis na damit kung umiyak man ako sa sobrang lamig?

Makakaakit ng galit na mga komento sakin itong ginawa mo!

At hindi lang ang mga babae sa class F ang nagkakabaliwan, gayundin ang mga babae ng class A nang may narinig silang bali-balita.

Class A:

May mga taong nagkumpulan kay Shen Meng Qi para magtanong.

"Uy, Shen Meng Qi, yung lalaki na nagdala sayo ng coat ngayon ngayon lang, hindi ba siya yung ex ex ex school hunk ng Qing He?!"

Matagal na hindi pinansin ng mga tao si Shen Meng Qi kaya naman nagliwanah ang mata niya nang may lumapit at nakipag-usap sa kanya. Tumango siya at pinaliwanag, " Siya si kuya Mu Fan; inutusan siya ni papa na dalhin iyon kasi dadaan naman na rin siya dito."

"Sabi na eh! Ilang taon din ang lumipas pero hindi nagbago ang itsura niya! Mas gumwapo pa nga siya!"

"Ang swerte mo naman na gwapo ang personal na naghahatid ng coat mo!"

Nagselos ang mga tao nang makita nila ang branded coat ni Shen Meng Qi, "Tsk, sunod-sunuran lang ni Ye Wan Wan si Shen Meng Qi noon. Si Ye Wan Wan ang rason kaya lumalapit ang mga pogi sa kanya. Kaya nagtatrabaho ngayon ang pogi sa bahay nila at nautusan lang siya na ibigay ang coat na iyon!"

"Sabi sa kasabihan, may araw din ang mga aso! Hindi talaga swerte ang Ye family!"

Habang naguusap-usap ang lahat, biglang sumabog ang hiyawan sa class F. Kaya nawala ang atensyon ng lahat kay Shen Meng Qi at nagtataka silang napatingin sa malakas na ingay.

"Ano yun, anong nangyayari? Anong nangyayari sa class F?"

"Parang naghubad yata si Si Xia!"

"Oy! Kalokohan ba yan? Hinubad ni Si Xia ang pantaas niya! At may abs pa ow ow ow! Gusto kong tingnan! Kumpleto na ang araw na ito---nakita ko na ang ex-hunk tapos may pa-bwenas pa ang hunk namin ngayon!"

"Bakit ka natutuwa? Yung ex-hunk, pumunta dito para magdala ng coat sa ibang babae at yung hunk natin ngayon ang naghuhubad para sa ibang babae, 'di ba?"

"Punyeta! Sino ba 'yon? Kanino naghubad si Si Xia? Kay Cheng Xue ba?"

"Mali! Para sa pinakamagandang babae sa eskwelahan natin, si Ye Wan Wan!"

"Leche! Si Ye Wan Wan na naman! Hindj kasi natin inasahan na maganda pala si Ye Wan Wan, mas maganda pa siya kay Cheng Xue!"

Sumama ang daloy ng puso ni Shen Meng Qi at nandilim ang kanyang mga mata nang marinig ang usapan ng mga tao. Nakita niyang mabilis na ninakaw ang atensyon at mga pananaw ng taon dahil lang sa pagbago ng mukha ni Ye Wan Wan.

Hindi niya inasahan ni Shen Meng Qi ang nangyari kagabi; pinakita ni Ye Wan Wan ang itsura niya sa lahat ng nanonood. May pakialam pa ba siya sa masasabi ni Si Ye Han?

Yung bobong babae na 'yon hindi kaya naliwanagan siya sa mangyayar kaya mas gugustuhin niya pa si Si Ye Han kaysa kay Gu Yue Ze ?!

Paano nangyari iyon!

At saka, sabi sabi na ang pamilya ni Si Xia ang napakamayaman rin-- bakit ang mga magagaling na lalaki ang napapalapit kay Ye Wan Wan, bobong 'yon. Habang ako, nasira ang estado ko sa buhay dahil lang sa isang lalaki, si Song Zi Hang!

Pero, tsk, wag ka masyadong magpakasaya muna Ye Wan Wan--- hindi si Cheng Xue ang taong madaling tablahin! Hintayin at darating ang araw na masisira ka!

avataravatar
Next chapter