403 Nakaharap ang isang mabigat na kalaban

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Nang makita na pinaatras ng pinuno ng Murderous Black Gang, na si K, at may pagrespeto kay Ye Wan Wan, may konting gulat ang lumitaw sa mga mata ng mga gwardya sa ilalim ng kanilang pilak na maskara.

Talagang… gumana...

Parang kalahating oras lang kanina, muntik na nilang maidala si Ye Wan Wan sa isang ligtas na lugar.

Nang nagmadali silang ipadala si Ye Wan Wan sa eroplano, sinong mag-aakalang ayaw niya palang umalis? Binuksan niya pa ang malaki niyang bagahe na nagpumilit na dalhin at nagpalit pa sa isang itim na chiffon na bistida, at pinagbihis pa ang mga bodyguard ng mga jacket at mga maskara.

Syempre, hindi sila pumayag nung una - gusto niyang maglaro ng bihis-bihisan sa ganitong kritikal na sitwasyon?

Talagang hindi kapani-paniwala!

Pero ang pagpupumilit ng babae at ang mga tingin sa kanyang mata, ay halintulad sa malawak na panggigipit na nakita lang nila sa kanilang master, kaya hindi nila namamalayang sumunod ang mga ito sa kanya.

Kung hindi, mababawian sila ng buhay kapag nabigo sila.

Mas gugustuhin pa nilang mamatay para sa kanilang master kaysa subukang tumakas para maprotektahan ang babaeng 'to.

Sa una, akala ng lahat na makikita sila ng iba sa kanilang malalamyang suot; lahat ng Dark Team 1 at handa ng magbuwis ng kanilang buhay.

Ngunit, nakakagulat din ang resulta nito...

Hindi lang sa binunyag ng babaeng ito ang mga kahinaan ni Eugene magmula ng dumating siya, niligtas niya din ang buhay ni Song Jing nang nanganganib ito, at ibinunyag niya din ang totoong katauhan ni K na walang sinuman ang nakakaalm.

Talagang naloko ni Ye Wan Wan ang tusong si K...

Sa sandaling ito, kakaiba ang naramdam ng lahat ng bodyguard, pero walang sinuman ang nagpakita ng kanilang emosyon.

Para sa kanila, sobrang simple lang ng mga suot nila, pero si Ye Wan Wan, ang babaeng lumaki sa isang greenhouse, ay nanatiling kalmado sa harap ng mga masasamang tao kahit na nakikitungo siya sa mga ito, at pinigilan pa pati si K - talagang namangha sila.

Ang babaeng ito… ay parang ibang-iba sa iniisip natin...

Sa puntong ito, nagulat din ang Murderous Blood Gang.

Si K ay ang dating nangunguna sa Flowing Flames mercenary army, na si Qiu Hong Hai?

Tinaboy ng Flowing Flames mercenary army si Qiu Hong Hai noon at pati na din ang lahat ng mercenary union...

Nang marinig ang sinabi ng babae tungkol sa pagkatao ni K, biglang nagbago ang itsura nina Jason at Eugene.

Hindi pinag-uusapan ang totoong pagkatao ni K - may mga tao na nag-aalok ng milyong-milyong dolyar pero hindi pa rin nalaman kung sino siya, kahit na ang mga tao sa gang, na sumusunod kay K, ay hindi din alam.

Paano nalaman ng babaeng ito?

At base pa sa itsura ni K, talagang tama siya!

Kaya pala biglang nagbago ang ugali ni K na para bang nakaharap niya ang isang mabigat na kalaban.

Nalaman ng taong ito ang pagkatao ni K - hindi siya pwedeng maliitin lang.

Maiging tinignan ng maliit na payaso ang bagong dating. Ang tanging nakita niya lang ang grupong nakasuot ng mga itim na jacket, isang pulang rosas na nakaburda sa bandang dibdib nila. Hinangin pabukas ang jacket nila at sa loob ay mayroong matalas na mapupulang mata. Pati na din ang mga pilak na maskara sa mga mukha ng tao...

Tinignan niya ang babae sa harap, na nakasuot ng mamahaling chiffon na itim na bistida, isang itim na belo ang nakatakip sa kanyang mukha...

Maaari ba...

Tila bang may naalala ang maliit na payaso at bumakas sa mukha niya ang takot, at humakbang patalikod. "Rosas… Rosas ng Kamatayan..."

Nang marinig ang mga salitang iyon, nasindak si Eugene. "Anong sabi mo? Rosas ng Kamatayan? Paano… paano 'yon nangyari?!"

Ang Rosas ng kamatayan, sa madaling salita, ay ang pinakamalakas na organisasyon na umiiral lang sila sa mga alamat.

Wala pang nakakakita sa mga totoong mukha ng miyembro mula sa Rosas ng Kamatayan at iilan lang ang mga tsismis sa kanila.

avataravatar
Next chapter