45 Nahuhulog naba kay Si Xia?

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Kinaumagahan.

Nang magisin si Ye Wan Wan, wala na sa tabi niya si Si Ye Han at hindi na niya namalayan kung anong oras na siya nakaalis.

Parang siyang anino na basta-basta na lang nawawala o 'di kaya sumusulpot.

Habang iniisip kung ano ang nangyari kagabi, nakaramdam ng bahagyang bigat sa loob si Ye Wan Wan.

Siguro wala ngang pakialam si Si Ye Han sa mga sinabi ni Shen Meng Qi at siguradong plinano na niya na ilapit siya kay Ye Wan Wan para mabantayan siya?

Mukhang kailangan kong magingat at para na rin maiwasan kong makaisahan ako ni Shen Meng Qi.

Mabuti na rin na alam na niya ang tunay na kulay ni Shen Meng Qi at hindi na siya mauuto pa nito. Hindi magiging madali para kay Sheng Meng Qi na guluhin pa siya ulit.

Unti-unti niyang ipapakita kay Si Ye Han na wala nang silbi pa ang espiya niya...

Matapos niyang makapagisip-isip, naging mahinahon rin si Ye Wan Wan at saka na naghanda para sa ngayong araw.

Balik na sa dati ang kulay berdeng peluka at mga tattoo sa katawan. Suot-suot ang t-shirt na may sequins, gusut-gusot na pantalon na mayroong mahigit sampung butas, sinamahan pa ng Gothic makeup, lalo na siyang naging kapansin-pansin.

Sa ilang ikot at lakad niya ang nagpatunay sa nakakagulantang na hitsura niya.

Patungong canteen, nakasalubong niya si Shen Meng Qi.

"Wan Wan, hahanapin sana kita, ano, tara sabay na tayo kumain!" agad siyang inakbayan ni Shen Meng Qi.

Sa tingin pa lang ni Ye Wan Wan, kuminang agad ang mga mata ni Shen Meng Qi at mukhang kuntento sa nakita.

Mukhang nakinig nga si Ye Wan Wan sa mga sinabi ko kagabi!

Nang makarating na sa canteen, nakatingin lahat sa kanila ang mga estudyante at nagbubulungan.

"Tingnan niyo! Tingnan niyo si Ye Wan Wan, palala na nang palala ang kapangitan!"

"Masyado kasing mabait si Meng Qi para sumama pa rin sa pangit na 'yan! Naalala ko tuloy sa kanila 'yung Beauty and the Beast!"

"Tumigil nga kayo. Itong pangit na inaasara niyo ang top 1 pa rin sa klase, nalagpasan pa nga niya 'yung ganda nina Cheng Xue at saka ng art committee member na si Han Xiao Ru para maging kapareha ni Si Xia sa palabas!"

"Damn! Totoo ba? Nakakaasar talaga 'tong pangit na 'to, huwag niyong sabihin na baliw rin siya sa dream guy ko!"

...

Habang naririnig ang patuloy na diskusyon sa paligid nila, nanliwanag lalo mga mata ni Shen Meng Qi.

Posible kaya na kaya biglang wala nang nararamdaman pa si Ye Wan Wan para kay Gu Yue Ze ay dahil kay Si Xia...

Natawa bigla si Shen Meng Qi, "Oh oo nga pala, Wan Wan, hindi pa kita nababati! Narinig ko na ikaw daw ang top sa klase dahil sa mataas mong score sa exam?"

Sa harapan niya hawak-hawak ni Ye Wan Wan ang isang malaking mangkok ng sweet potato purple rice porridge, dalawang malalaking meat buns, at tatlong piraso ng laman na may crepe, dalawang itlog, isang ham sausage, at prutas. Kaswal lang siyang sumagot habang kumakain, "Test lang naman 'yun, maliit na bagay."

Alam ni Shen Meng Qi na matalas talaga ang memorya ni Ye Wan Wan, pero nang malaman niyang siya ang top sa klase, nasorpresa pa rin talaga siya, "Hindi sabi mo ayaw mong mag-aral? Bakit bigla ka nalang nagsipag ngayon?"

Kumagat ng tinapay si Ye Wan Wan, "Ayaw ko talaga nun. Ayaw ko talaga ng kahit ano na hindi man lang ako nahihirapan."

Nandilim bigla ang mukha ni Shen Meng Qi at halos mabulunan sa kinakain.

Araw-araw siyang nag-aaral ng mabuti para manatiling top 1 sa klase. Top 3 lang naman siya sa klase matapos ang paghihirap niya. Ngayon, hindi niya naayos ang pagaaral niya kaya napunta na lang siya sa top 9. Pero si Ye Wan Wan nagawang maging top 1 ng walang kahirap-hirap?

Pinigilan ni Shen Meng Qi ang inis na nararamdaman sa puso niya. Ano naman kung maganda mga grado mo ngayon? Ang dating pamilyang Ye ay hindi tulad noon na pangmamay-ari ni Ye Shao Ting at si Ye Wan Wan na hindi na glamorosang anak-mayaman ng pamiyang 'yun. 'Yung Ye Wan Wan ngayon ni hindi na kayang magbuhat kahit ng sapatos ko!

"Edi anong meron sa inyo ni Si Xia? Nahulog na rin ba ang loob mo kay Si Xia?" nagawa ring itanong ni Shen Meng Qi ang matagal na niyang gusto nang malaman.

Pagkatapos ng lahat, nagkatabi naman sa upuan sina Ye Wan Wan at Si Xia dati. Posible kaya nung mga panahong 'yun, nahulog na ang loob ni Ye Wan Wan kay Si Xia?

Bahagyang nanliit ang mga mata ni Ye Wan Wan matapos marinig ang lahat ng 'yun.

Mukhang kailangan kong tapusin ang isyu na 'to kay Si Xia, kung hindi, gagamitin na naman ito ni Shen Meng Qi sa mga tangka niya.

"Hindi ako interesado." walang kaganang-ganang naging sagot ni Ye Wan Wan.

avataravatar
Next chapter