1225 Nahawakan na ng iba

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Bakit bigla na lang nawala si Si Ye Han? At saan nanggaling ang kakaibang phone number na iyon? At tsaka, ano kaya ang laman ng nakapagtataka na briefcase na may nakasulat na acronym...

Magulo ang isip ni Ye Wan Wan kaya pilit niyang nilagay ang password na maisip niya sa kandado ng briefcase.

Ka-chak…

Nagulat si Ye Wan Wan ngunit bigla siyang tumingin sa kandado sa kanyang kamay. Bigla niya itong winark…

Ang kandadong ito… mukhang nagalaw na ito ng ibang tao...

Hindi kaya, may isang tao na nakaalam ng password ng kandado na ito...

Agad na nilabas ni Ye Wan Wan ang nilalaman ng briefcase bago pa lumalim ang isip niya.

"Hypnosis…"

May makapal na mga dokumento sa loob ng briefcase at may ibang lenggwahe na nakasulat dito. Biglang kumunot ang mga kilay ni Ye Wan Wan. Ang mga dokumento na ito ay record ng hypnosis at mga memory.

Ang memory na ito ay may nakalagay na masking at memory recombination, gayundin ang hindi pamilyar at hindi madaling maintindihan na field ng genetics.

Medyo naintindihan ni Ye Wan Wan ang nilalaman base sa introduksyon at abstract ng mga dokumento.

Ito ay isang theory ng sequence ng A+B memory masking.

Sa madaling salita, ang memorya ni Person A ay pilit na ima-mask ang memorya ni Person B gamit ang utak ni Person A sa pamamagitan ng malalim na hypnosis.

Kapag nabuwa na ang memorya ni Person A gamit ang pamamaraan ng hypnosis at ang memorya ni Person B ay magiging si Person A, edi si Person A ay magiging si Person B at magiging isa sila; kahit si Person A ay hindi mapapansin ang pangyayaring ito.

Naguguluhan si Ye Wan Wan kung bakit interesado sa mga ganitong bagay si Ye Wan Wan.

Nagulat si Ye Wan Wan noong binuklat niya ang kabilang pahina ng dokumento.

PMaraming impormasyon ang mga record ng ilang mga babae sa mga sumunod na pahina. Ang lahat ng mga babaeng ito ay patay na, ngunit ang lahat ng mga detalya tungkol sa pagkakakilanlan nila ay metikuloso na naka-record ang bawat maliit na detalye.

Nakita ni Ye Wan Wan ang impormasyon tungkol sa kanya at files nita doon.

Name: Ye Wanwan

Gender: Female

Age: 16

Father: Ye Shaoting

Mother: Liang Wanjun

Grandfather: Ye Hongwei

Grandmother: Tan Yilan

Older Brother: Ye Mufan

Family Background: Babaeng anak ng Ye family sa China, namatay dahil sa terrorist attack sa ibang bansa sa murang edad na 16 taong gulang.

Nagulat ang buong pagkatao ni Ye Wan Wan nang makita niya ang file. Naka-detalye ang record niya sa file na iyon at ang huling parte ng nakasulat ay namatay raw siya sa dahil sa terrorist attack sa ibang bansa noong 16 taong gulang pa lamang siya...

At sa dulo ng file, may nakasulat na: "Angkop na kandidato para sa memory masking."

May CD na nakalagay sa likuran ng file.

Kinuha ni Ye Wan Wan ang CD at naglakad siya patungo sa desk. Binuksan niya ang kompyuter ni Si He Han at pinasok niya ang CD sa CD Drive.

Makalipas ang ilang saglit, biglang lumabas ang video sa computer screen at nag-play ito.

"May problema ba?" Maririnig ang malamig na boses ng isang lalaki.

Sa isang saglit, may isang lalaki na naka puting damit ay lumabas sa video.

"9th Master, 30 taon na naming pinag-aaralan ang proyektong ito. May malaking panganib kapag natapos na kami sa genetics method, pero nagawa na naming ilipat ito sa method ng malalim na hypnosis. Kaparehas lamang ang magiging resulta nito sa isa at wala kang magiging problema dito."

"Yung teorya?" Sabi ng lalaki.

Tumango ang lalaki na naka puting damit at sinabi, "Sinisira ng malalim na hypnosis ang memorya ng taong hini-hypnotize at lahat ng nasa isip ng taong iyon ay magbabago. Sa pagkakataon na ito, mawawala ang pagkatao ng taong ito kung walang memorya na naka-mask sa pagitan."

"Gayunpaman, kapag ginamit natin ang hypnosis method at pipilitin natin na ipasok ang memorya ng ibang tao sa taong naka-hypnotize–ang tawag sa prosesong ito ay memory masking– ang taong na-hypnotized ay magbabago na bilang ang tao na may pagmamay-ari ng memorya na pinasok sa kanya. Sa madaling salita, mag-iiba ang taong na-hypnotize at ibang pagkatao na ang meron siya."

avataravatar
Next chapter