606 Nagugutom talaga ako

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Nandito na ako!"

Nakabalik na si Wan Wan sa Jin garden at ang una niyang nakita pagkapasok ay si Si Ye Han na nakaupo sa sofa sa may sala kasama ang kanyang laptop.

Nang makita si Si Ye Han sa sala, nagtaka si Ye Wan Wan. "Eh? Baby, bakit nandito ka at wala sa kwarto mo?

Magsasalita na sana si Si Ye Han nang umupo si Ye Wan Wan, "Sabi mo dati na mas maganda ang liwanag doon; sasabihin mo ba sa akin na mas maganda na ang feng shui dito sa sala ngayon? Hindi mo kailangan magsabi ng isang bagay at ibang bagay ang ibig mong sabihin! Alam kong inaantay mo akong makauwe!"

Si Ye Han: "…"

Noon, lagi siyang natatakot kay Si Ye Han, pero ngayon, nang makita niya ito, hindi niya mapigilan ang asarin ito.

Gusto pa sanang magpatuloy na mang-asar ni Ye Wan Wan pero napagtantong wala na siyang lakas para rito. Agad niyang tinakpan ang tyan niya at dumaing, "Baby, nagugutom ako~"

Sumulyap si Si Ye Han sa babaeng nasa tabi niya at hinalikan sa labi si Ye Wan Wan.

Marahang umubo sj Ye Wan Wan. "Uh, hindi ganyang klaseng gutom. Nagugutom talaga ako!"

"Hindi ka kumain?"

"Anong pwedeng kainin sa ganung klaseng pagtitipon!" reklamo ni Ye Wan Wan.

Buong gabi siyang nakinig sa mga ngawa ni Gong Xu na parang isang plaka.

Kumaway si Si Ye Han at nagtawag ng katulong.

Maya maya pa, naghanda ang mga katulong ng mga maiinit na pagkain para sa hapunan. Mayroon sila mula sa wonton hanggang sa steamed stuff buns at lahat ng klase ng dumpling.

Noon, hindi nagtatangkang magpaalam si Ye Wan Wan na umalis ng bahay, pero ngayon, may hapunan ng nakahanda para sa kanya nang gabi na siyang makauwe - pakiramdam niya nanaginip lang siya.

Hangga't napapanatilihin niyang masaya ang demonyo, magiging maayos ang buhay niya - maayos ang lahat sa demonyong hindi nagseselos.

Masayang kumakain ng hapunan si Ye Wan Wan at sinsubuan din si Si Ye Han pa minsan-minsan nang biglang sumabog ng mga notification ang WeChat niya at walang tigil ang pagtunog.

Tulad ng inaasahan, tinatadtad na naman siya ni Gong Xu.

[Gong Xu: Ye-ge, kailan mo ba ako ipakikilala kay Little Candied Plum?]

[Gong Xu: Ye-ge, hindi mo na ba ako mahal?]

[Gong Xu: Kung hindi, bakit hindi mo ka mag-ayos ng trabaho para sa akin?]

[Gong Xu: Ye-ge, iniiwasan mo ba ako at binablock ako…]

Hindi maka-imik si Ye Wan Wan habang nagbabasa ng mga mensahe. Sino sa buong entertainment industry abg may kakayahan na i-block ka, great young master?

[Ye Bai: May hinanda akong script para sa darating mong show, maghintay ka lang.]

Mabilis na tumugon si Ye Wan Wan at hininaan ang telepono.

Masyadong madaming maitim na marka si Gong Xu; nakakasindak ang reputasyon niya at imposible na malinisan ang pangalan niya.

Ngayon, ang mainam na solusyon ay malutas ang ugat ng problema at bigyan siya ng trabahong maipapakita niya ang galing niya.

Tutal, ang pinakapangunahing galing bilang isang aktor ay ang kanyang galing sa pag-arte.

Ang artista na umaarte ang mainam na PR.

Gayunpaman, para makagawa ng kapiraso bg magandang trabaho ay isang hamon para kay Gong Xu.

Kahit na mag-umpisa siyang magtraining ngaton, imposible ang mapabuti ang galing niya sa pag-arte sa maiksing panahon, kaya nagawa na lang magsikap ni Ye Wan Wan sa kanyang script. Tulad ng inaasahan, alam ni Ye Wan Wan na babagay ang script kay Gong Xu.

Kung naging maayos ang lahat, magkakaroon ng kaunting pag-asa si Gong Xu...

Tinignan ni Si Ye Han ang walang tigil na pagyanig ng telepono ni Ye Wan Wan at sumimangot.

Napansin ito ni Ye Wan Wan at agad na itinabi ang telepono at taimtim na sinabi, "Walang magawa ang mga tao sa entertainment industry ngayon, mahilig silang magkalat ng tsismis pati ng mga magugulong balita. Sobrang babaw talaga nila. Baby, 'wag kang mag-alala, hindi ako tulad nila!"

Mapaghinalang tinignan siya ni Si Ye Han, "Oh? Paano ka naging iba?"

Niyakap ni Ye Wan Wan ang mangkok na puno ng kanin. "Hindi ako nabubusog!"

Si Ye Han: "…"

avataravatar
Next chapter