1138 Nagsanggaan ang magkalaban

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Mabilis na nakarating ang grupo sa lokasyon ng shooting.

Pinapalibutan ng maraming tao ang backstage. Nagmamadali ang mga staff members kung saan saan.

Sa oras na iyon, may grupo ng mga tao na pumasok sa entrance na may karangyaraan at katayuan.

Ang pumasok ay si Ling Shoa She. May dala siyang dalawang bodyguards, tatlong assistants, isang make-up artist, at isang stylist sa likuran niya.

Guest sa palabas ang artista ng Emperor Sky na si Ling Shao Zhe. Kakalabas lang ng bagong pelikula ni Ling Shao Zhe. Isang malaking prodyksyon ito at mga sikat ang cast na nanggaling sa Emperor Sky Entertainment.

Disente ang premiere ng box office success at gayundin ang opinyon ng publiko, napaka-husay rin ng performance ni Ling Shao Zhe sa pelikula. Maituturing na mataas ang kasikatan niya kumpara sa mga batang artista. At tsaka, naka-suporta pa sa kanya ang Emperor Sky Entertainment, kaya nalinis na muli ang isyu nv nakaraan niyang paninira kay Gong Xu.

Karagdagan pa doon, marami sa mga fans ang nakaisip na si Gong Xu, isang malaking tumor sa industriya, ay karapat-dapat lang ang nangyari sa kanya...

Makikita ang reaksyon ng bawat partida nang magkita muli sila.

Maituturing na panibagong pagkakataon ito kay Ling Shao Zhe sa tulong ng pelikulang ito, kaya siya ay tunay nga na matagumpay ngayon. Kusa niyang nilapitan at binati si Gong Xu. "Ngayon lang kita nakita muli, Young Master Gong!"

Personal silang sinamahan ni Ye Wan Wan ngayong araw, kaya maayos ang mood ni Gong Xu ngayon at okay lang sa kanya na makipaghalubilo kay Ling Shao Zhe.

Natural lang kay Ling Shao Zhe na hindi niya sasayangin ang oportunidad na ito, kaya nagpatuloy siya, "Nabalitaan ko na lalabas na rin ang panibago mong pelikula? Nag-participate ka pa sa Golden Orchid Awards? Inaasahan ko talaga ang magiging resulta ng Golden Orchid Ceremony!"

May isang artista ang sumabad pagkatapos magsalita ni Ling Shao Zhe, "Inaasahan ko rin ito! Nabalitaan ko na si Gong Xu ay naglakas ng loob na mangako na mag-livestream siya habang kinkain niya ang tae kung hindi niya nakuha ang Best Actor ng Golden Orchid Awards!"

"Pft, akala niya ba na ang pamilya niya ang organizer ng Golden Orchid Awards kaya makukuha niya ang Best Actor Award dahil hiniling niya ito? Isang prestihiyosong film awards ang Golden Orchid Awards sa buong bansa!"

Nairita si Gong Xu sa umaaligid na daldalan sa kanyang mga tenga, kaya suminghal siya sabay tumingin kay Ling Shao Zhe. "Pft, 30 million nga lang ang inabot mo sa box office, pero nagmamayabang ka pa sa harap ng young master? Kapag umabot ng bilyon ang young master, hindi ka kaagad makakatakbo sa kama ng iyong sugar mama!"

Malisyoso ang bibig ni Gong Xu.

Biglang nag-iba ang itsura ni Ling Shao Zhe. "Gong Xu! Tigilan mo ang paninira mo sa ibang tao!"

Tumaas ang mga kilay ni Gong Xu. "Anong meron sa akin? May mali ba sa sinabi ko?"

"Ano ba ang maipagmamalaki mo? Sinasayang lang ng mga tao ang pera nila kapag napapanood nila ang mga walang kwenta mong acting! Puputulin ng produksyon ang parte mo pagkatapos nila sa kanilang trabaho! Bakit pinagmamalaki mo ang mga bagay na ito?" Tahimik na sumagot ang isa sa mga assistants ni Ling Shao Zhe.

Sasabog na sana sa sobrang galit ai Gong Xu nang marinig niya iyon. Ngunit nang masulyapan ni Ye Wan Wan ang direktor sa gilid ng kanyang mga mata, agad niyang hinawakan ng mahigpit ang mga braso ni Gong Xu, pinapahiwatig niya dito na manahimik na ito. Tinikom na lamang ni Gong Xu ang kanyang bibig at tinago niya ang galit sa kanyang damdamin.

"Hello, Director Hou!"

Dinala ni Ye Wan Wan si Luo Chen at Gong Xu sa chief director ng palabas at binati nila ito.

Isang medyo mataba at may edad ng lalaki ang bumati sa kanila habang ito ay nakangiti. "Ah! Nandito na pala si Director Ye! Magsisimula na kami! Dalian niyo at ayusin niyo na ang makeup niyo!"

"Okay, maari ko bang matanong kung saan ang makeup room?" Tanong ni Ye Wan Wan.

Kuminang ang mga mata ni Hou Chong Liang. Nanghingi siya ng tawad kay Ue Wan Wan, "Ah, pasensya na, Director Ye. Masyadong marami ang tao ngayon kaya puno na ang solo makeup room. Sasabihin ko na sa inyo na kailangan niyong lumabas kung gusto niyong mag-make up. Pasensya na talaga…"

Naging manhid ang itsura ni Ye Wan Wan noong narining niya iyon. "Pupunta kami sa makeup room sa labas?"

Hindi dapat nagsasalita ng hindi pang-propesyonal si Hou Chong Liang base sa kanyang estado.

Maituturing na A-listers sila Luo Chen at Gong Xu. Kailangan may sarili silang pribadong makeup room sa tuwing sasama sila sa isang palabas. Bakit siya pumayag na mag-makeup sila kasama ang mga extra?

Maliban lang kung...

avataravatar
Next chapter