1018 Nagpalit lamang ako ng kasarian

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Ikaw… ikaw…" 

Posible para sa ibang tao na malaman ang mga salitang sinabi ni Ye Bai sa conference room ng araw na iyon, ngunit tanging si Ye Bai at Han Xian Yu mismo ang may alam ng ikalawang sagot.

Kaya naman, ang babaeng nasa harapan niya ay talagang...

Hindi sinadaya ni Han Xian Yu naalalahanin ang lahat ng nangyari ng makilala niya si Ye Bai. 

Kahit na napaka-gwapo ni Ye Bai, walang kahit anong pagkababae sa kanyang kilos at pananalita, kaya walang ang aakala na siya ay isang babae.

Sa kabaligtaran, maraming babae ang nagkakagusto sa kanya. Narinig niya pati si Gong Xu na hindi sinasadyang banggitin na naghahabol si Shen Man Zhu kay Ye Bai noon...

Paanong magiging babae ang tulad niyan? 

Gayunpaman, maingat niyang pinag-isipan ang tungkol dito, mayroong mga palatandaan...

Halimbawa, ang kanyang pakikipag-ugnayan kay Mr. Si.

Mula sa unang beses silang nagkakilala ni Mr. Si at hinalikan si Ye Bai upang ipahiwatig ang kanyang pag-aari, halos mailantand ni Ye Bai ang kanyang sarili ng ilang beses...

Gayumpaman, hindi niya tinuturing na isang babae si Ye Bai at muntikang maniwala na isang homosexual si Ye Bai.

Ngunit ngayon, kung iisipin muli, napaliwanag nito ang lahat...

Gayumpaman, hindi na mahalaga kung malaman na ang iyong mabait na kapatid ay talagang isang babae na nakakagulat pa din.

Kaharap itong maganda at mahinhin na babae na nakasuot ng isang magandang gown sa kanyang harapan, biglang nawala sa dapat gawin si Han Xian Yu at nuutal-utal "ikaw" walang palantadaan kung magpapatuloy pa...

Kaagad na inaliw siya ni Ye Wan Wan. "buweno, relaks, relaks. Ako pa din 'to! Nagpalit lamang ako ng kasarian! Hindi naman ito malaking bagay!"

Han Xian Yu: "…"

Hindi… malaking bagay?

Parehong napahiya at namangha si Han Xian Yu, ngunit ang pamilyar na boses ng babae ang mas lalong nagpakalma sa kanya.

"Ikaw… bakit pinakilala mo ang iyong sarili bilang isang lalaki?" tanong Han Xian Yu.

"Buweno, dapat kitang kausapin upang ipaliwanag ang mga bagay-bagay sayo ng maayos. Matapos ang lahat, matagal na tayong magkakilala, pero nililinlang padin kita bilang kaibigan mo, kaya ako ang may mali dito."

"Talaga bang hindi ito malaking bagay… ang lahat ay may kanya-kanyang paraan ng pamumuhay, kaya hindi ito maituturing na panlilinlang. Kahit na lalaki o babae ka pa hindi kailan man maaapektuhan ang ating relasyon…" ang sabi ni Han Xian Yu.

Ng marinig ito, si Ye Wan Wa ay nadala!

Tulad ng inaasahan, ang munting anghel na si Xian Yu ay maunawain at makatwiran. Kung sa halip ito ay si Gong Xu, magagalit it ng tatlong buong araw...

"Gayon pa man, pinili kong mag panggang bilang isang lalaki noon ay upang mapadali ang business. Alam mo na, kawalan ang mga babae sa industriyang ito, at ang lahat ay mas mahirap." Patuloy ni Ye Wan Wan.

Lumilipad ang isip ni Han Xian Yu ng tumingin siya sa itsura ni Ye Wan Wan na nakapangbabaeng damit at naintindihan.

Totoo nga na mas madaling mag sagawa ng business para sa mga babae, lalao na sa mga magagandang babae.

"Habang ang ibang rason…" sandaling tumigil si Ye Wan Wan bago sabihing, "para sabihin ko sayo ang totoo, madaling magselos ang aking boyfriend, kaya masyado siyang hindi sang-ayon sa akin na kunin ito bilang aking career. Kailngan ko pang pigain ang aking isip para sa sulusyon na ito…"

Han Xian Yu: "…"

Sa kanyang opinyon, upang makagawa ng sulusyon dito kaialngan napaka kakaibang pag-iisip...

Pinag-isipan ito ni Han Xian Yu ang tungkol dito at nagtanong, "may ibang may alam pa ba sa kumpanya na ikaw ay… babae?"

Tumango si Ye Wan Wan. "Oo, alam ni Felix."

"Felix?" ng marinig ito, nagulat si Han Xian Yu.

Ang akala niya na may alam si Luo Chen. Matapos ang lahat, mas matagal na kilala ni Ye Bai si Luo Chen, samantalang si Felix na kinuha niya lang sa Dazzling Media.

"Tama, dahil… kapatid ko si Felix, ang tunay kong kapatid." Paliwanag ni Ye Wan Wan.

avataravatar
Next chapter