632 Nagkamali sila sa akin

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Ikaw ito…" umiling ang ulo si Liang Wan Jun, "Kamukha mo ang taong ito…"

Sumigaw si Ye Shao Ting dahil napagtanto niya na pinagbibintangan ang kanyang anak, "Akala ko nakahanap kayo ng kongkretong ebidensya laban kay Ye Mu Fan. Ngunit sa huli, nakahanap lang kayo ng tao na kamukha ni Mu Fan para magmukha na siya ang gumawa ng krimen?"

Dinala ni Ye Mu Fan ang laptop sa harap nila Tan Yi Lan at Ye Hong Wei kaya hindi tuloy makasabad sila Liang Mei Xuan at Ye Shao An. "Lolo at lola, parehas niyo akong sinubaybayan hanggang sa paglaki ko. Ngayon, tingnan niyo ang tao na nasa recording - mukha bang ako ang nasa video na iyan?!"

Lalong nagduda sila Ye Hong Wei at Tan Yi Lan noong hinarap sa kanila ang ebidensya. Tiningnan nilang mabuti ang lalaking nasa recording at kinumpara nila ito sa kanilang lalaking apo.

At dahil kumbensido sila kay Ye Mu Fan, hindi na sila sigurado at mukhang nag-iba ang itsura ng lalaking nasa recording sa tuwing tinititigan nila ito...

Sumabog ang tinatagong galit ni Ye Shao An nang makita niya ang nangyayari. "Tigilan mo na ang pagpapanggap mo Ye Mu Fan. Alam ng lahat na baliw na baliw ka kay Shen Meng Qi, kaya nagtrabaho ka para sa Shen family upang pasayahin siya, hanggang sa ninakaw mo ang impormasyon ng family business ng sarili mong pamilya! Sino pa bang sisisihin, kundi ikaw?"

Tiningnan siya ni Ye Yiyi at biglang napakunot ang dalaga. "At saka, yung nanalo at nakakuha ng proyekto ay ang Shen family - hindi ba't palanado na ang mga pangyayari…?"

"Kaya kumuha kayo ng tauhan niyo na magkukunwaring ako sa video para ako ang masisi sa krimen, hindi ba?" Manhid na sinabi ni Ye Mu Fan.

"At saka…" napangiti si Ye Mu Fan at sinabi, "Alalay lang ni papa ang master ng Shen family, paano nangyari na ako, si Ye Mu Fan, ay magkakagusto sa anak ng alalay? Haha, 'wag niyo akong lokohin. Pinag-tripan ko lang siya! Kaya kong makuha ang kahit sinong babae sa mundo. Ito ba ang ginamit niyong eksplanasyon para sa akin mabibintang ang pagkawala ng dokumento? Sumusobra na kayo!"

"Para sa akin, intensyon niyo talagang itaboy ang pamilya namin at nais niyong magalit sa amin sila lolo at lola, kaya sinadya niyong matalo sa kompetisyon at ang lahat ng sisi sa pagkatalo niyo ay mapupunta sa akin!"

Galit na galit si Liang Mei Xuan. Nag "tsk" siya at sinabi, "Mama at Papa, nakikuta niyo ba ito? Ang kapal na ng mukha niya! Wala na siyang magawa dahil alam niyang siya ang salarin!"

"Lolo at lola, sabi nga sa kasabihan, 'ang hustisya ay ang lamang ng puso ng tao' - sigurado sila na ako ang gumawa ng krimen kahit hindi naman kongkreto ang ebidensya nila. Ang tao na nasa recording ay isang tauhan na binayaran nila upang magkunwari na ako ang nagnakaw ng mga dokumento."

"Sinasabi nila nagpapaka-baliw ako sa babaeng na galing sa Shen family - walang katotohanan ang paratang na ito. Ititigil ko agad ang relasyon namin kung ayaw siya nila lolo at lola. Gagayahin ko si lolo - swabe at maangas!" Seryosong sinabi ni Ye Mu Fan.

Nagtatakang tiningnan ni Tan Yi Lan si Ye Hong Wei. "Magkaparehas nga naman kayo pagdating sa mga babae."

Nahiya si Ye Hong Wei nang marinig niya iyon. *ehem ehem* "Ma… noon naman yun… matagal na matagal na panahon na…"

Nagpatuloy si Ye Mu Fan, "Lolo at lola, ako ang iisa niyong lalaking apo. Ikaw lola! Ikaw ang nagpalaki sa akin!"

"Simula pa noong bata ako, tinuro niyo na sa akin ni lolo na kailangan kong maging totoong tao at dapat malakas ang loob ko. Inaamin ko sa inyo na naging rebelde ako noong mga nakaraang taon, pero hindi ako gumawa ng kahit anong krimen at hindi ko kakalimutan ang tinuro niyong dalawa sa akin!"

"Wala akong pakialam kung sino ang sususpetya o magagalit sa akin! Kayo, lolo at lola, ang pinaka nirerespeto at minamahal kong mga tao sa mundong ito. Hindi ko kakayanin kapag nagdududa pa rin kayo sa akin."

"Hindi naman sa, nagdududa kami sa iyo apo, eh kasi…" bumigat ang puso si Tan Yi Lan nang makita niya ang kalungkutan sa mga mata ng kanyang apo.

Patuloy na nalugmok sj Ye Mu Fan. "Lolo at lola, naniwala kayo kay tito… kay tita… ay naniwala kayo kay Ye Yiyi… gayundin sa pinagsasabi ng iba… bakit hindi niyo pinakinggan ang paliwanag ko?"

avataravatar
Next chapter