1231 Naging ibang tao

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Mabilis na umangat sa isip ni Ye Wan Wan ang nilalaman ng CD na nasa loob ng library ng Si family.

Hindi kaya, totoo ang nilalaman ng video? Siya ba talaga yung babae na nakahiga sa higaan? Biglang naging blanko ang mga ala-ala niya kaya malamang ay hindi talaga siya si Ye Wan Wan...

Noon, namatay raw si Ye Wan Wan dahil pinapatay siya sa ibang bansa kaya siya ang naging Ye Wan Wan. Pinilit ni Si Ye Han na ipasa sa kanyang utak ang memorya ni Ye Wan Wan.

Ngunit kung hindi talaga siya si Ye Wan Wan, sino pala siya?

At bakit binura ni Si Ye Han ang orihinal niyang ala-ala at pinilit pa nito na ipasak ang memorya ni Ye Wan Wan sa kanya...

Ano ba ang relasyon niya kay Si Ye Han noon… magkalaban ba sila… o matagal nang binabalak ito ni Si Ye Han. Bakit niya trinato ng ganito si "Ye Wan Wan"? At ano ba ang motibo ni Si Ye Han?!

Malapit nang sumabog ang utak ni Ye Wan Wan. Hindi siya makapaniwala at hindi niya matanggap na binura ni Si Ye Han ang orihinal niyang ala-ala, upang maging ibang tao siya...

"Wanwan?"

Sa oras na iyon, masasabi ni Ye Mu Fan na kakaiba ang kilos ni Ye Wan Wan. Napakunot siya dahil nag-aalala siya kaya bigla niyang natanong ito kung okay lang ba ang kapatid niya.

Nilapitan siya ni Ye Mu Fan noong nakita niya na hindi sumasagot ang kapatid niya kaya tinapik niya ang balikat ni Ye Wan Wan gamit ang kanan na kamay niya.

Hindi pa dumadampi ang kamay ni Ye Mu Fan sa balikat ni Ye Wan Wan pero mabilis na hinawakan ni Ye Wan Wan ang kamay ni Ye Mu Fan at dumepensa ito.

"Aray! Ang sakit, ang sakit. Mababali na yung braso ko!" Ngumawa si Ye Mu Fan.

Sa oras na iyon, bumalik na sa katinuan yung utak ni Ye Wan Wan kaya mabilis niyang pinakawalan ang kamay ni Ye Mu Fan.

"Wan Wan, kailangan mo bang gawin iyon… magkakaroon ka ba ng gwapong boyfriend kung hindi ko itatago yung mga love letters na iyon? Kahit na huwag mo na akong pasalamatan, hindi mo ako kailangang kamuhian hanggang sa saktan mo ako… anong logic sa ginawa mo…" hinaplos ni Ye Mu Fan ang kanan niyang braso gamit ang kaliwa niyang kamay nang sinabi niya ito.

Patuloy na nagsalita si Ye Mu Fan at hindi na niya hinintay na sumagot si Ye Wan Wan. "Hindi ba parang ang O.A. mo? Kailan ka pa naging bayolente…"

Tinitigan ni Ye Mu Fan si Ye Wan Wan. Hindi nakakatakot yung pagiging bayolente ni Ye Wan Wan, ang nakakatakot doon ay ang lakas ni Ye Wan Wan na pinakita niya at ang abilidad niyang gamitin ang kalakasan niya upang labanan si Ye Mu Fan...

"Wan Wan, hindi ba parang hindi mo sinusunod ang siyensya dahil sa abilidad mo? Saglit ka lang nag-aral ng taekwondo, pero ang lakas mo na kaagad? Para sa akin, parang hindi ka na kayang tapatan ng mga masasabing mga masters, lalo na kapag nakainom ka," sabi ni Ye Mu Fan.

Naging sensitibo si Ye Mu Fan sa nga salita ni Ye Wan Wan. "Ano ba ang ugali ko kapag nakainom ako?"

Pilit na tumawa si Ye Mu Fan sa tanong ni Ye Wan Wan. "Kapatid kita bago ka uminom ng alak."

"Pag nakainom na ako?" Tanong ni Ye Wan Wan.

"Kapag nakainom?" Pilit na ngumiti si Ye Mu Fan. "Ninuno kita kapag nakainom ka."

Ye Wanwan: "…"

"Pag nakainom ka, kaya mong baliin ang metal sa isang suntok mo lamang. Lalandiin mo ang sino man na nakakaakit sa mga mata mo. Parang ibang tao ka kapag nakainom." Sabi ni Ye Mu Fan, mukha siyang nakakaawa sa sitwasyon na ito.

"Nagiging ibang tao…" lumalim ang isip ni Ye Wan Wan.

Akala ni Ye Wan Wan noon na marunong na talaga siyang pakipaglaban noon pa man, dahil siguro henyo siya sa martial arts, ngunit ngayon, parang…

Panandalian niya lamang natutunan ang taekwondo. Kung magiging makatotohanan lang ang pag-iisip niya tulad ng sinabi ni Ye Mu Fan, hindi niya makukuha ang mahusay niyang abilidad na makipaglaban na kahit ang mga masters at mahuhusay sa mga taong marunong sa taekwondo ay hindi siya kayang talunin...

avataravatar
Next chapter