261 Nagiging masama ang lalaki kapag yumayaman siya

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Matapos umalis sa may kumpanya, ang mabangis, malupit, mapaniil at malamig na asal ni Ye Wan Wan ay bigla na lang nawala na para bang isang pumutok na lobo.

"Baby, pwede bang magkaroon tayo ng kasunduan?" pagsiyasat ni Ye Wan Wan.

Pinasadahan ng mga mabubutong daliri ni Si Ye Han ang mga pulang talutot ng bouquet na nasa kamay niya, "Kasunduan saan?"

Maamong sumagot si Ye Wan Wan, "Kasunduan sa… kung pwede tayong… lumabas na lang sa ibang araw?"

Tulad ng inaasahan, nanlamig bigla ang itsura ni Si Ye Han.

Mabilis namang nagpaliwanag si Ye Wan Wan, "Hindi naman sa hindi ko gusto. Sa una, gusto kitang paghandaan sa isang romantic candlelight dinner, pero naalala ko nagamit ko na lahat ng ipon sa bouquet…"

Ay, totoo nga, ang zhuangbility ay napupunta sa leipility!

Bahagyang uminit naman ang mukha ni Si Ye Han ng marinig na inubos ni Ye Wan Wan ang kanyang ipon para bilhin ang bouquet.

Mukhang malalim ang iniisip ni Ye Wan Wan habang kumikislap ang kanyang mga mata. Nagpatuloy siya, "Pero kung gusto mo ko ilibre, pwede tayong tumuloy o kung gusto mong ibigay na lang din sa 'kin ang pera, mas maganda yun!"

Si Ye Han: "Umuwi ka na."

Ye Wanwan: "..."

Baby, hindi mo mapapaamo ang mga babae sa EQ mo...

Sa puntong ito, hindi ba ang dapat na gawin ni Si Ye Han ay ibigay kay Ye Wan Wang ang kanyang credit card at pabayaan siyang gastusin kung ano man ang gusto niyang bilhin?

Nahulaan siguro ni Si Ye Han ang iniisip ni Ye Wan Wan nang sumulyap ito sa kanya at pabalang saumagot, "Nagiging masama ang lalaki kapag yumayaman siya."

Bakas sa mukha ni Ye Wan Wan ang pagkatuliro: "..."

Akala niya top-notch na ang kanyang pag-aarte; pero mukhang may ibang tao na mas magaling pang umarte kaysa sa kanya.

Itong demonyong ito ay demonyo nga talaga--matibay ang panlasa niya; tanggap niya pa din ako kahit na mukha akong lalaki sa suot ko...

...

Gabi na sa isang high-class apartment:

Ito ang dormitoryo na inayos ng Worldwide Entertainment para sa kanilang mga trabahador.

Dahil sa nabunyag ang mga address ng mga ari-arian ni Han Xian Yu, napalibutan ito ng mga reporter, kaya kailangan niyang lumipat dito.

Sa sandaling ito, nakapatay ang lahat ng ilaw sa loob ng bahay. Malamig ang malaking sala at ang ingay lang mula sa telebisyon ang naririnig.

Nakaupo si Han Xian Yu sa sofa sa harap ng TV. Sa mahinang sinag mula sa screen, sobrang putla ng gwapong mukha nito.

Balita ang palabas sa TV, at pinakita ang kanyang villa na dati niyang pinagtitirahan.

Punong-puno ang pasukan nito ng mga galit na tao na may kasamang babaeng reporter na inuulat ang nangyayari sa lugar: "Ilang araw na lang ay ang pagpupulong sa korte sa kaso ni Han Xian Yu sa 'di umano'y pang babastos niya sa mga batang babae. Madaming mga sibilyan ang nagbigay atensyon sa nakakagambalang kasong ito.

"Isa sa mga tatay ng biktima ang nagsabing magbibigay panayam sa mga press sa loob ng dalawang araw para magbigay pa ng impormasyon tungkol sa kaso.

"Narito tayo ngayon sa residensya ni Han Xian Yu pero kita na nakasara ang mga pintuan nito pati na din ang Worldwide Entertainment, hindi pa din nagbibigay pahayag si Han Xian Yu tungkol sa insidenteng naganap.

"Napag-alaman din natin mula sa tatay ng biktima na siya daw ay sinuhulan ni Han Xian Yu gamit ang pera para iatras ang demanda sa kanya at magsinungaling sa press tungkol sa nangyari. Gayunpaman, tumanggi ang tatay ng biktima.

"Ang pagbagsak ng isang sikat na idolo na naging isang paedophile na hindi man lang aminin ang kasuklam-suklam na krimen niya--ang ganitong klaseng katotohan ay talagang nakakabahala nga para sa lahat…"

Ang manager, na si Fei Yang, ay nagdala ng mga gamot at tubig para kay Han Xian Yu at kabadong sumulyap ito sa kanya. Pinaalalahan niya, "Xian Yu, 'wag mong panoorin ang mga balita. Nakalimutan mo na ba ang sabi ng doktor sa 'yo? Kailangan mong magpahinga dito sa bahay, at 'wag kang manood o makinig sa kung anuman. Sasabihan kita kung may nangyari…"

avataravatar
Next chapter