197 Nagbago ang pinakamaganda sa eskwelahan

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Ikaw…" namula ang mukha ni Cheng Xue sa sobrang galit habang tinititigan niya si Ye Wan Wan.

Hindi niya inakala na sa likod ng katakot takot at nakakagulat na makeup ni Ye Wan Wan ay maganda pala ang magiging itsura niya.

Nagmukhang katatawanan tuloy ang magandang makeup at gown ni Cheng Xue sa pagliwanag ng magandang mukha ni Ye Wan Wan na nakikita ng lahat.

At sa mga oras na iyon, tumingin ang lahat sa direksyon kung saan si Cheng Xue habang pinag-titinginan siya ng masama at pinagbubulungan.

Natalo niya si Cheng Xue habang suot lamang niya puting dress at tanggal pa ang kanyang makeup, hubad niyang mukha ang nakaharap sa mga tao. Si Cheng Xue na maganda at pinapangarap lamang ng mga lalaki, suot ang kanyang magandang gown ay hindi na mas liliwanag pa sa itsura ni Ye Wan Wan. Anong ibig sabihin nito?!

"Natandaan niyo nung sinabi noon ni Ye Wan Wan na ayaw niyang ipakita ang tunay niyang mukha dahil magkakagulo ang mga tao? Punyeta, totoo pala 'yon! Hindi ako makapaniwala!

Hindi sa hindi kapani-kaniwala! Ngayon lang natin nakita na may kaakit-kaakit na magandang babae sa atin kung kailan malapit na tayong gumraduate! Sa itsura niyang yan, tinalo niya ng labing-walong bundok ang pinaka-diyosa ng eskwelahan na si Cheng Xue! Kung mas maaga pa niyang pinakita ang mukha niya edi walang kwenta na si Cheng Xue 'di ba?"

"Plano ni Cheng Xue ang lahat ng ito 'di ba? Gusto niyang turuan ng matinding leksyon si Ye Wan Wan, pero hindi niya inasahan na isang malaking sampal ng katotohanan ito sa kanya!"

"Sila Cheng Xue at Ye Wan Wan ay ang totoong Snow White at ang Evil Queen! Napakahusay!"

"Hindi ako maka move-on! Parang pantasya ang lahat ng ito! Ang talong taon na diyosa ng Qing He ay natalo lang ng isang ugly freak…"

"Sinong nagsabi ng ugly freak?! Sinong nagsabi ng ugly freak?! Sinong tumawag sa diyosa ko ng ugly freak?! Ang aking diyosa ang tunay na kagandahan sa Qing He! Kung sino mang hindi naniniwala sa akin, maglaban tayo! Tapusin natin ito ng botohan!"

"Kailangan pa ba natin magbotohan? Oras na para mapalitan ang pinakamaganda sa eskwelahan ng Qing He!"

...

Nakita ni Cheng Xue ang kahihiyan sa mga mata ng taong nakatingin sa kanya. Nang marinig ni Cheng Xue ang masasakit na komento, tinulak niya ang dalawang sidekicks at tumakbo sa backstage. Para siyang baliw nang punitin niya ang magandang gown habang tumatakbo paalis.

At ang babaeng maigsi ang buhok na nakaisip ng ideya at nagplano na basain si Ye Wan Wan ng makeup remover ay nagulat sa kinalabasan ng plano niya at nanigas siya sa isang gilid ng ilang oras. Hindi na niya sinubukang lumapit at tinaguan na lang niya si Cheng Xue.

Sa maingay na kumpol ng mga tao, mahigpit ang kamao at nandidilim ang mukha ng babaeng nagtatago sa gilid, si Sheng Meng Qi.

Punyeta...

Paano niya nagawa ito? Bakit ako nasa estado na sinusuklam ako ng lahat, habang pinakita lang ng ugly freak na si Ye Wan Wan ang tunay niyang mukha tapos bigla na siyang naging diyosa ng Qing He? Pinalitan niya si Cheng Xue ang beauty queen ng eskwelahan?

Bakit nagkagulo ang lahat? Simula nung hindi pumayag si Ye Wan Wan na iwan ang Jin Garden kasama si Gu Yue Ze na plano ko, hindi na ulit nasunod ang kagustuhan ko...

At hindi lang iyon, bakit lumalayo na sa akin si Ye Wan Wan at napapalapit na siya kay Jiang Yan Ran?

Biglang nag-ring ang phone ni Shen Meng Qi. Tiningnan niya kung sino ang tumatawag at huminga siya nang malalim habang papaalis sa hall.

Makikita ang pagkadugyot sa kanyang mukha nang makita niya ang tumatawag, pero biglang nagbago ang itsura niya sabay sinagot niya ang tawag ng malumanay ang tono ng boses, "Hello? Brother Mu Fan?"

"Naging maayos ba ang performance mo?"

"Okay lang naman…" matamlay na sumagot si Shen Meng Qi.

Tsk, maayos?

Ang ballet performance na --The Black Swan-- ang mahusay na isasayaw at magliliwanag sana siya, kung hindi lang sa insidente nila ni Song Zi Hang. Kaya pagkaakyat niya ng entablado, nasuya ang mga tao nang makita siya.

avataravatar
Next chapter