820 Nag-aaway ang dalawang lalaki sa isang babae?

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Ilang mga araw ang lumipas.

Pinadala ni Chu Hong Guang si Ye Wan Wan sa ibang bansa, upang hindi na siya mangialam.

At sa pagkakataon rin na iyon, maraming kawili-wiling impormasyon na tungkol sa shoot ni Gong Xu at Lucy Yang sa magazine ang lumabas. Eksperto sa larangan na ito si Lucy Yang - marami siyang ipinakitang iba't ibang anggulo na hindi kakaiba ang itsura sa mga litrato.

Kumakalat ang tsismis tungkol kay Gong Xu at Lucy Yang at pinag-uusapan ng lahat ang panibagong kasintahan ni Gong Xu.

Biglang lumabas sa publiko ang mukha ni Lucy Yang na hindi naman talaga sikat, sumikat lamang siya dahil sa kasikatan ni Gong Xu.

"Nailantad ang bagong ka-relasyon ni Gong Xu sa bagong artista sa kaparehas na kumpanya", "Ang bagong girlfriend ni Gong Xu, ang inosente at malinis na imahe ni Lucy Yang", "Nahulog na naman sa river of love si Gong Xu, ang walang sawa niyang pagpupursigi sa isang baguhan"...

Galit na galit si Gong Xu habang binabasa niya ang mga headlines. "F*ck! Yung mokong na si Cai Yong Sheng! Ako ang mismo ang aatake sa kanya! Sino ba ang sinasabi nila na walang sawang nagpupursige? Gusto niya ba na magharapan kami?!"

Habang nagrereklamo si Gong Xu, binasa niya pa ang ilang mga tsismis na tungkol sa kanya.

"Namamagitan na pag-iibigan kay Lucy Yang at Luo Chen" , "Nagkatinginan sila Luo Chen at Lucy Yang" , "Ang nation's first love, nahulog ang puso ni Luo Chen sa pinakamagandang babae na si Lucy Yang"...

Ito rin ang ginamit na trick ni Gong Xu. May ilang mga litrato ang naka-akit ng mga kasinungalingan kaya binasagan ang mga ito ng mga eye catching titles.

"Ahahaha, Loko ka, Luo Chen - nahulog ka rin patibong!" Galit si Gong Xu kanina, ngunit bigla siyang nagpakasaya sa pagiging miserable ni Luo Chen.

Sa may sofa, binasa ni Luo Chen ang mga tsismis tungkol sa kanya at biglang napakunot ang kilay ni Lucy Yang.

Hindi nagtagal saya ni Gong Xu at muli siyang nagreklamo. "Leche! Nagkaroon ng malaking away si Gong Xu at Luo Chen dahil sa iisang babae!? Anong kalokohan ito? Sinaniban ba ng isang acting ghost ang babaeng ito?!"

Sa litrato, nag-aaway sila Gong Xu at Luo Chen habang pinipigilan silang mag-away ni Lucy Yang sa isang gilid. Parang isang drama-serye na labanan ng dalawang lalaki para sa isang babae.

Gayunpaman, normal lamang na magkulitan at magtalo sila Luo Chen at Gong Xu. Kalmado at disente si Luo Chen sa harap ng publiko, ngunit may abilidad si Gong Xu na galitin siya. At tsaka, tuwang-tuwa si Gong Xu sa tuwing iniinis niya si Luo Chen.

Sa litrato, si Lucy Yang ang umentra sa kanila at umaakto siyang abala upang patigilin silang dalawa, ngunit sa huli, nag-iba ang ikot ng storya...

Matapos ang ilang mga araw, ilang beses nang na-search ang pangalan nila Gong Xu, Luo Chen at Lucy Yang sa internet. Parang isang bampira si Lucy Yang, na sumisipsip sa kasikatan ng dalawang lalaki.

Hindi pa sapat sa kanya na sumisingit siya sa kasikatan ni Gong Xu; kahit ang kasikatan ni Luo Chen ay sinisingitan niya na rin.

Sa sobrang kasikatan na nakukuha niya, tinulungan ni Cai Yong Sheng na makasama sa ilang mga variety shows at interviews silang tatlo dahil ito ang kagustuhan ni Cai Yong Sheng…

Sa oras na ito, hindi na natutuwa sila Gong Xu at Luo Chen sa mga nangyayari.

Simula noong nag-debut si Luo Chen, wala binalitang iskandalo tungkol sa kanya at malinis ang kanyang reputasyon. Pagkatapos ng insidente na ito, lubhang sumikat si Lucy Yang, ngunit naapektuhan naman ang reputasyon ni Luo Chen.

Hindi man masyadong naapektuhan si Gong Xu sa insidente na ito, umangat naman ang kanyang personal na buhay at reputasyon niya dahil sa sipag at tiyaga ni Ye Wan Wan. Ang tungkulin ni Ye Wan Wan ay unti-unting ayusin ang imahe ni Gong Xu.

Hindi siya pwedeng maging pangmatagalan na idolo, at habang tumatanda siya, kailangan niya nang baguhin ang kanyang imahe.

Sa ngayon, malaking kasiraan ang naidulot ni Lucy Yang sa kanya kaya bumalik muli siya sa pinaka-umpisa ng proseso.

Sikat si Gong Xu at Luo Chen at hindi nila kailangan ng iskandalo upang lalo pa silang sumikat. Sa halip, lalo silang kinamuhian ng fans dahil nagkaroon sila ng skandalo sa isang babaeng artista. Kailangan nila ngayon ng admirasyon at papuri ng publiko.

Sa lahat ng nangyari, masasabi na sinusubukan talaga ni Cai Yong Sheng na umangat ang kasikatan ng artistang hawak niya na si Lucy Yang.

avataravatar
Next chapter