182 Nag-aantay ako sa ‘yo

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Nang malagpasan ni Ye Wan Wan ang maliit na gubat pabalik sa dormitoryo, isang pigura ang bigla na lang gumulat sa kanya.

Ang una niyang reaksyon ay ang hawakan ang mukha niya.

Masuwerte na lang siya at naging maging maingat siya ngayon. Kahit na gabing gabi na, sinigurado niya maglagay ng kaunting makeup na parang aarte siya sa isang horror movie, para maiwasan na ang insidente tulad ng nangyari noon kay Si Xia. Ligtas na siya.

Nang mapansin siya ng tao, malinaw na gulat pa ito kaysa kay Ye Wan Wan.

Narinig niya ang malakas na pagsingap nito.

Humakbang siya ng kaunti pasulong. At sa ilalim ng ilaw ng poste, nakita ni Ye Wan Wan ang mukha ng taong nanakot sa kanya.

"Si Xia...?"

Anong ginagawa ng lalaking 'to sa labas ng ganitong oras?

Matapos ang 'ultimate move' na ginawa niya, lumayo sa kanya si Si Xia at dahil sa naging abala din ito, hindi sila masyadong nakapag-usap ng ilang mga araw. Nakalimutan niya ang 'bomba' at itinulak sa ikalalim-lamiman ng isip niya.

"Bakit di ka pa tulog?" kaswal na tanong ni Ye Wan Wan.

"Hm, iniisip kita kaya 'di ako makatulog."

"..." hindi makaimik si Ye Wan Wan.

"Wan Wan…" rinig niya ang mababang boses ng lalaki.

"Huh? Ano?" gising ng diwa ni Ye Wan Wan.

"Bakit 'di ka pa tulog, inaantay mo ako?" tanong ni Si Xia. Kita mo ang mga mata nito sa liwanag ng buwan sa mga siwang ng mga dahon, na parang isang demonyong liligawin ang mga tao mula sa tamang daan.

Ye Wanwan: "...!!!"

Hindi niya na ako kinukulit ng mga ilang araw lang! Bakit bumalik na siya dito?!

Tingin niya ba sobrang haba ng buhay ko at boring?

Alam ni Ye Wan Wan na hindi na ito pwedeng magpatuloy pa. Kailangan niya maghanap ng paraan para mapaalis na siya ngayon din.

Matapos siyang huminga ng malalim, pinilit ni Ye Wan Wan na pakalmahin ang sarili. Matapos n'on ay dahan-dahan siyang sumagot, "Oo, nag-aantay ako sa 'yo!"

Kuminang agad ang mata ni Si Xia ng may kaunting paghihinala, "Talaga…?"

Walang bahid ng paglilinlang ang mapekeng itsura ni Ye Wan Wan, "Syempre! Alam kong galing ka sa trabaho kaya inantay talaga kita dito!"

Mahiyang yumuko si Ye Wan Wan at kabadong kinalikot ang mga daliri, "Well… Si Xia… sa totoo lang… sa totoo lang, matagal na kitang gusto…"

Gulat na gulat si Si Xia, hindi niya inaasahan ang biglang pag-amin nito sa kanya, "Ano?"

Tsk, ngayon alam niya na yung pakiramdam kapag may umamin sa kanya?

Itinago ni Ye Wan Wan ang kanyang pagkapilya, at humugot ng lakas ng loob at nagpatuloy, "Gu… Gusto din kita…"

Lumapit si Ye Wan Wan kay Si Xia habang sabing, "Nahulog na ako sa 'yo ng una pa lang kita nakita, pero hindi na ako umasa na magkakaroon ako ng tsansa na maging sa 'yo. Hindi ko inasahan na magiging maswerte ako at naging deskmate kita at makakasama pa kita sa play, hindi mo alam kung gaano ako kasaya n'on…"

Mas lalo pang nagulat si Si Xia, "Akala ko… hindi mo hihiwalayan si Si Ye Han kapag nagtama na ang langit at lupa?

Mapait na ngumiti si Ye Wan Wan, "Syempre, nagsinungaling ako sa 'yo…"

Sabik inangat ni Ye Wan Wan ang tingin kay Si Xia at nagsalita, "Pero hindi ko inasahan na Si Xia, ikaw… talagang ikaw… ikaw ba… talagang… talagang mahal mo ako? O… pinaglalaruan mo lang ako?"

Ang kalmadong mga tingin ni Si Xia ay nagpakita na ng pag-aalingan. Tumigil siya sandali bago sumagot, "Para sa 'kin, ikaw ay… sobrang espesyal…'di tulad ng ibang babae… hindi lang dahil sa itsura mo…"

Nagningning ang mga mata ni Ye Wan Wan, "Well then… kumpletuhin na natin ang pagiging isa ngayong gabi din!"

"Ano?" gulat na sabi ni Si Xia.

Umakto si Ye Wan Wan na sabik na sabik. Namumula mukha nito at halatang emosyonal. Kita na nanigas si Si Xia sa kinatatayuan, bigla niyang sinunggaban ito ng buong lakas niya.

Nahulog ang dalawa at gumulong sa may damo.

Wan Wan, ikaw… sandali sandali…"

Tatayo na sana si Si Xia pero bigla na lang ulit siya itinulak pababa ni Ye Wan Wan, "Anong problema? 'Diba gusto mo 'ko? Gusto din kita! Gustong-gusto kita… sobra… ayaw mo bang makasama ako?"

Napaatras si Si Xia, "Hindi… kailangan mong kumalma saglit…"

"Tignan mo kung gaano kaganda yung langit ngayong gabi, hindi na natin kailangan pang mag-antay ng ibang araw!"

Paano kakalma si Ye Wan Wan? Hinatak niya ang damit ni Si Xia at nagumpisa ng kalasin ang mga butones, at kinunot ang mga labi niya na handa ng humalik.

Pinanood ni Si Xia nang hinila ang kanyang kwelyo at gulat na nakaupo, habang tinitignan niya ang mukha na mas malala pa sa nakakatakot na pelikula na parang lalamunin siya sa ilang mga sandali.

Gamit ang isang malakas na pwersa, bigla na lang siyang lumayo kay Ye Wan Wan at galit na galit na sumigaw---

"Lumayo ka sa 'kin!!!"

avataravatar
Next chapter