283 Nag-aalala, baka hindi ka sanay na tumira dito

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Hindi ka aalis?" Lumiwanag ang kaninang nag-aalalang mukha ni Ye Wan Wan.

"Hindi," sumagot ang isang lalaki ng walang emosyon sa mukha.

"...!" Hindi makapaniwala si Xu Yi.

Master, anong ginagawa mo? Kelan pa ako mag-iibang bansa?

Hindi ba ikaw ang aalis?

Kaka approve mo lang kanina ng isang taon kong leave, 'di ba?

Kaunti lamang ang kaalaman ni Xu Yi sa sitwasyon ni Ye Wan Wan. Ang intensyon ni Si Ye Han ay pahirapan si Ye Wan Wan sa pagharap sa totoong buhay kaya sumang-ayon siyang palayain si Ye Wan Wan; kapag tuluyan nang nahirapan si Ye Wan Wan, naniniwala si Si Ye Han na susuko ang babae sa kanya at babalik ito sa kanya.

Sinong mag-aakala na pagkalaya ni Ye Wan Wan, marami siya hinarap na problema at nagpursigi siyang mabuhay sa mundo, natuto siya na mabuhay ng malaya at kumawala sa kontrol ni Si Ye Han. Kinukuha niya ang bawat oportunidad na dumapo sa kanya, kaya lalo siyang napapalayo sa mga kamay ni Si Ye Han; kaya nagagalit si master sa kanya!

Akala ni Ye Wan Wan na tuluyan nang magagalit sa kanya si master, pero hindi niya pala plano na umalis ng mag-isa--- gusto niya pang isama si master sa pag-alis niya...

Sa huli, luhaan na pinanood ni Xu Yi ang kanyang boss, ang boss niya na dapat aalis papuntang Paris, ay sinundan si Ye Wan Wan sa bagong tirahan nila. Ganun kabilis ang pangyayari, napilitan siyang mag-ibang bansa ng mag-isa...

...

Sa Grand View Park:

"Dito tayo titira…" Binuksan ni Ye Wan Wan ang pintuan, binuksan niya rin ang mga ilaw sabay binigyan ng slippers si Si Ye Han.

Malamig ang mga mata ni Si Ye Han habang tinitingnan niya ang paligid. Lalong nandilim ang kanyang pananaw nang nakita niya ang mga kahon ni Ye Wan Wan na nakapatong-patong sa tabi ng pader.

Hindi masyadong marami ang gamit na dinala ni Ye Wan Wan, panandalian niya lamang itong titirahan para sa ikadadali ng kanyang trabaho. Pero, marami siyang hinandang gamit kay Si Ye Han--- lahat ng kailangan niya ay nandoon. Kahit ang kanyang tsinelas ay kaparehas ng nasa Jin garden.

Binuhat ni Ye Wan Wan ang mga sangkap sa kusina at sinabi, "Maganda naman ang dormitoryong ito, nag-aalala lang ako na baka hindi ka sanay na tumira dito kaya inutusan ko ang mga alalay na mag-ayos ng mga gamit na ginagamit mo sa bahay. Ah, at saka, gusto ko sanang dalhin dito si Great White para makipag laro siya sa akin, pero baka kasi takutin niya yung mga tao. Buti na lang, titira lang ako dito kapag tinatawag na ako sa trabaho. Oo nga pala, baby, kinakain mo ba yung…"

Busy si Ye Wan Wan sa paghugas ng mga gulay nang bigla siyang nakaramdam ng mahigpit na hawak sa kanyang baywang, ilang segundo lang ang lumipas at pilit siyang niyakap ng lalaking nasa likod niya.

Sa isang sandali, ang pamilyar na kakaibang malamig na hininga ang pumukaw sa kanyang atensyon...

Napahinto si Ye Wan Wan sa ginagawa niya nang hindi niya namalayang niyayakap na pala siya. "Anong problema?"

Hindi siya nagsalita, humigpit ang kanyang yakap at dahan dahan siyang hinalikan sa kanyang tenga, sa leeg at...

"Ding------"

Biglang nag-ring ang doorbell.

Mabilis na napalingon si Ye Wan Wan at sinabi, "May tao sa may pintuan!"

Nangibabaw ang lungkot sa itsura ni Si Ye Han, hindi siya natutuwa sa umentra sa kanila.

"Magpakabait ka. Titingnan ko kung sino ito--- baka tiga kumpanya yun."

Ito ang unang araw na lumipat siya dito kaya alam ng kumpanya ang paglipat niya--- may pinapunta kaya dito sa Chu Hong Guang?

Hindi pinakita ni Si Ye Han sa labas ang mukha niya kaya walang nakakaalam kung sino siya. Wala namang problema kung makita man siya ng mga tao kaya hindi din nag-aalala si Ye Wan Wan.

Naglakad papunta ng pintuan si Ye Wan Wan, pagkatapos niyang amuhin si Si Ye Han.

"Ito na, bubuksan na---" binuksan ni Ye Wan Wan ang pintuan.

Nabigla si Ye Wan Wan pagkabukas niya ng pintuan, nakita niya ang itsura ng isang gwapong lalaki, "Han Xian Yu…?"

avataravatar
Next chapter