991 Nabugbog hanggang sa maihian nila ang kanilang sarili

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Hindi importante ang natapos niya kundi ang pagsisikap niya sa trabaho kapag may gagawin siya. Ito ang pagbabagong napansin ni Ye Wan Wan kay Ye Mu Fan.

Tumawa si Ye Wan Wan habang sumagot, "Hindi iyon totoo. Si ge ge ang pinakamahusay na ge ge sa buong mundo!"

"Wan Wan…" naluha si Ye Mu Fan at pinangako sa kanyang puso na magsisikap pa siya para makuha ang lahat na nararapat sa kanila...

Kinagabihan sa personal na villa ni Cai Yongsheng.

Isang baguhang artista na babae ang yapos ni Cai Yongsheng habang sabik na inaantay ang magandang balita.

Sa wakas, nag-umpisa nang tumunog ang kanyang telepono. Ang assistant niya ang tumatawag.

Humigop ng red wine si Cai Yongsheng bago magsalita. "Kamusta ang mga bagay? Si Ye Bai, si Gong Xu, at ang iba pa ay malamang nabugbog hanggang sa maihian nila ang sarili nila!"

Natahimik ang kabilang linya bago sumagot ang assistant, "Direktor Cai, 'yon… isang insidente… ang nangyari…"

Abalang sinabi ni Cai Yongsheng, "Insidente? Anong klaseng insidente?"

Ang assistant: "…"

Paano ba ako sasagot...

Dapat ko bang sabihin ang ang nabugbog hanggang sa naihin ang sarili nila ay si Old Three Zhang at ang mga utusan niya?

"Ano 'yon? Magsalita ka!" pagmadali ni Cai Yongsheng.

Nagawa na lang sabihin ng assistant ang totoo. "Naging handa si Ye Bai at may tulong siya para ayusin ang mga bagay. Nabugbog si Old Three Zhang at ang kanyang mga utusan...

Naguat si Cai Yongsheng. "Anong sabi mo? Pero personal na pumunta si Zhang-ge!"

"Personal nga siyang pumunta… Nabugbog si Old Three Zhang hanggang sa mabalian siya ng ilang buto at halos mamamatay na. Naihian niya din ang sarili sa takot…" sagot ng assistant.

"Kalokohan! Paano it nangyari?"

"Nang nangyari ang lahat, nakatayo lang ako sa gilid. Nakita ng mga mata ko ang buong pangyayari."

"Nakuha ba ni Ye Bai na tumulong si Liang Xindong?" maingat na tanong ni Cai Yongsheng.

"Hindi… hindi ang mga tauhan ni Liang Xindong… nagpadala lang siya ng babae… pero sobrang masukal ang babaeng ito at mag-isa lang tinalo ang lahat na kasama ni Old Three Zhang… hula ko ay hindi mahina ang tulong na mayroon siya… malinaw na naging handa si Ye Bai dito…" sabi ng assistant sabay punas sa kanyang pawis.

Cough, alam niya na hindi mabuting tao si Ye Bai, kaya paano niya nakaligtaan ito… kung alam niya na ganito lang magiging kinalabasan ng mga bagay, hindi niya gagawin ang ganitong klaseng taktika...

Sumabog sa galit si Cai Yongsheng at hinagis ang hawak na baso. "Tar*ntado! Anong hindi mahina ang tulong na mayroon siya?! Hindi man lang matalo ng mga lalaki ang isang babae lang? Tumatanda na yata si Old Three Zhang!"

Personal na nasaksihan ng assistant ang lahat at natatakot, kaya hindi niya mapigilang sabihin, "Direktor Cai, bakit hindi mo na lang ito palampasin? Kahit na kumuha pa ng malakas na manlalaban si Ye Bai, hindi solusyon ang ganito…"

"Ilan lang ang alam na pakana ni Ye Bai at hindi ito ganoon kahalaga. Kung talagang may kakayahan siya, bakit hindi siya naghanap ng mas nakakahangang katulong niya matapos umalis ng Global Entertainment?"

"Matapos niyang umalis sa Global, talagang nakisama siya sa mayamang babaero na pinalayas ng mga Ye. Sinong hindi nakakaalam na ang totoong young master ng mga Ye ngayon ay si Ye Shao An? Kung ikukumpara mo, isang tanga lang na nangangarap si Ye Mu Fan!"

"Direktor Cai, kahit na hindi ka kumilos, ang Ye Bai na iyon ay hindi din magtatagumpay…"

Puno ng galit si Cai Yongsheng dahil hindi nauwe ang mga bagay tulad ng inaasahan niya. Nang marinig ito, maasim pa din ang itsura niya. Hmph, kung hindi gagana ang karahasan, gawin natin itong mas sibil!"

Walang anumang mali ang mayroon sila Han Xian Yu at Luo Chen, pero madami si Gong Xu na maaari niyang gamitin.

Cai Yongsheng: "Bukas, tawagan mo ang opisina ni Lei Zi. Layunin mo ang siraan si Gong Xu. Hindi ako naniniwala…"

Nagawa na lang sumagot ng assistant, "Sige, Direktor Cai."

avataravatar
Next chapter