176 Nabihag sa iyong sex appeal

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Sa sumunod na segundo, isang "bang" ang narinig sa malapit.

Kita ni Ye Wan Wan ang mga basag sa pader sa tabi ni Liu Ying...

Kinuyom ng maigi ni Liu Ying ang kamao niya at masama ang tingin nito kay Ye Wan Wan. Nang wala man lang pansin sa reaksyon ni Qin Ruo Xi, agad na lang ito umalis.

Uh, galit na lang siya umalis...

Ye Wanwan: "..."

Ang totoo, gusto lang naman talaga ni Ye Wan Wan ang kumain ng buto ng melon.

Gayunpaman, hindi na nakapagtataka kung paano nakamit ni Qin Ruo Xi ang mataas niyang posisyon sa pamilya. Kahit na nasaksihan niya pagiging matalik ni Si Ye Han kay Ye Wan Wan, nanatili pa din siyang mahinahon at inaaliw pa si Liu Ying.

Ang ganitong klase ng babae na maganda sa loob at labas, ang magaling sa paggamit ng lapis at baril at hindi madaling magselos, ay perpekto na.

Kahit na si Qin Ruo Xi ay inakala na bulag din si Si Ye Han, pati ang kanyang mga tauhan at taga-sunod nito.

Nakaramdam bigla ng sakit sa labi si Ye Wan Wan at lumihis ang kanyang linya ng pag-iisip, "Aray…"

"Anong iniisip mo?" nakasimangot na tanong ni Si Ye Han nang mapansin niyang nagagambala si Ye Wan Wan.

Kailangan mo pa bang magtanong? Sa sobrang galit si little Liu Ying na muntik niya ng durugin yung pader, hindi mo ba nakita?

Tahimik na lang napabuntong hininga sa puso si Ye Wan Wan at bumulong, "Iniisip ko kung may mali ata sa panlasa mo sa babae…"

Lumiit ang mata ni Si Ye Han at sumagot, "Sabihin mo, anong problema?"

Pinag-isipan ito maigi ni Ye Wan Wan, at humugot ng lakas ng loob para sumagot, "Bakit hindi ka pumili ng isang babae na maganda sa loob at labas, yung parehong magaling gamitin yung lapis at baril, yung kaaya-aya sa bulwagan at mahusay sa kusina? Sa halip, pumili ka ng isang basag-ulero na hindi marunong sumunod sa patakaran at gumagawa pa ng gulo!"

Nang marinig iyon ni Si Ye Han, taimtim niyang tinignan si Ye Wan Wan.

Nang unti-unti ng naninigas sa takot ang puso ni Ye Wan Wan sa titig ni Si Ye Han, narinig niya ang kaswal na sagot nito sa limang salita lang: "Nabihag sa iyong sex appeal."

Muntik ng mahirinan si Ye Wan Wan, "Uh… parang hindi yan katangian ng isang pinuno, 'di ba?"

"Sino nagsabing pinuno ako?"

"..." Hindi makaimik si Ye Wan Wan.

Habang hapunan, tahimik lang si Si Ye Han.

Masayang nakipagkwentuhan si Qin Ruo Xi sa old madam tungkol sa mga nakakatawang insidente at napatawa niya 'to na parang wala lang.

Halata naman na alam ni Qin Ruo Xi ang kahalagahan ng old madam.

Alam ni Ye Wan Wan na ang pagkamatuwain ng old madam sa kanya ay nasa ibabaw pa lang. Sa sandaling bumalik si Qin Ruo Xi, ang magandang impresyon ng old madam sa kanya ay napawi na lang.

Naghanda siya para dito; ang relasyon ni Qin Ruo Xi sa mga Si ay kasing lalim ng mga ugat-- hindi ito madaling kalugin sa maiksing panahon.

Matapos ang hapunan, Inilabas ni Ye Wan Wan ang kanyang mga takdang aralin at nag-umpisa ng magtrabaho sa may mesa.

Mayroon namang binabasa na dokumento si Si Ye Han sa sofa sa malapit.

May kumatok sa pinto at pumasok naman si Qin Ruo Xi, baka magbabalita tungkol sa trabaho.

"Ye Han, tungkol sa Shen City…" naputol ang sasabihin ni Qin Ruo Xi nang makita niya si Ye Wan Wan na gumagawa ng takdang aralin.

Halata naman na kailangang umalis ni Ye Wan Wan sa gantong kumpindensyal na bagay.

Magliligpit na sana si Ye Wan Wan at aalis, nang ibinababa ni Si Ye Han ang hawak na dokumento at tumingala. Lumingon siya kay Qin Ruo Xi at isa lang ang sinabi, "Sit."

Wala siyang balak paalisin si Ye Wan Wan.

Unti-unting inangat ni Ye Wan Wan ang ulo niya at tumingin sa dalawang taong magkaharap na nakaupo, pabilis ng pabilis ang tibok ng puso niya.

Sa totoo lang, gusto ni Ye Wan Wan na payagan siyang umalis ni Si Ye Han--ayaw niyang may malaman sa mga ganitong klaseng bagay!

avataravatar
Next chapter