1190 Muntikan na kitang hindi mamukhaan

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Tiningnan ng masama ni Ye Wan Wan si Liang Shi Han at Ye Yiyi. Hindi niya pinansin ang mga ito at sinagot niya ang tumatawag sa kanya.

"Hello, President Chen," sumagot si Ye Wan Wan.

Nagulat si Chen Yan Feng nang marinig niya ang boses ng isang babae. "Eh, sino ka…"

"Ako po si Wan Wan."

Agad siyang nakilala ni Chen Yan Feng at masaya itong sumagot, "Ah, si Wan Wan pala ito! Hindi kita nakilala noong una! Hindi ka pa ba nakakapunta sa selebrasyon?"

Alam ni Chen Yan Feng na ginagamit ni Ye Wan Wan ang persona niya na "Ye Bai" sa industriya, kaya nagtaka siya dahil ginamit ni Ye Wan Wan ang pambabae niyang boses.

Sumagot si Ye Wan Wan, "Nandito na po ako. Nagkaroon lang ng problema."

Nag-alalang nagtanong si Chen Yan Feng, "Problema? Ano iyon? Huwag kang mag-alala at saglit lang! Nasa na labas ako. Papasok na ako diyan."

"Sige." Binaba ni Ye Wan Wan amg tawag.

Suminghal si Liang Shi Han. "Eh, tapos ka nang makipag-pekean? Bakit hindi mo ginawaang makatotoo ang pagkukunwari mo?! Sana nilagay mo sa loudspeaker ang tawagan niyo!"

Naisip ni Liang Shi Han na baka hindi na kinayang magkunwari ni Ye Wan Wan kaya tumigil na lang siya sa pagsasalita. Tiningnan niya ang manager at sinabi, "Nakikita mo na ba, Manager Zhang? Malinaw naman na nanghimasok lang 'yan dito at alam ng lahat kung bakit niya nagawa iyon. Para hindi maistorbo ang mga bisita, hindi naman pwede na tumambay lang at walang gawin ang mga organizers, 'di ba?" 

Hindi palalampasin ni Manager Zhang ang pagkakataon na ito dahil maraming nanonood sa eksena na ito. Kaya, seryoso niyang kinausap si Ye Wan Wan, "Miss, pasensya na. Hindi ka nakakuha ng imbitasyon, kaya umalis na kayo sa lugar na ito."

Nanliit ang mga mata ni Ye Mu Fan, may sasabihin sana siya pero bigla siyang nagambala sa komosyon sa may pintuan. Agad na tumayo at pumunta sa isang gilid ang mga artista upang gumawa ng madadaanan para sa bagong dating.

"President!"

"Nandito na si President Chen!"

May ilan na mga nakatataas na opisyal sa likod ni Chen Yan Feng. Binati niya ang mga bisita at dumeretso siya kay Ye Wan Wan.

"Ye Wan Wan, nandito na si President Chen! Tingnan natin kung paano pa siya makakapag-panggap!" Sobrang saya ni Liang Shi Han nang makita niyang paparating si President Chen at agad siyang pumunta sa president, hinihintay niyang ayusin nito ang problema.

Mukhang hindi pinansin ni Chen Yan Feng si Liang Shi Han at naglakad siya papunta kay Ye Wan Wan.

Nangasar si Chen Yan Feng kay Ye Wan Wan nang makita niya ito na may suot na bestida, "Ah, Director Ye, bakit pang-babae ang suot mo? Hindi kita namukaan!"

Nagulat si Liang Shi Han na dapat sasabad sa kanila. Anong tawag ni President Chen kay Ye Wan Wan? Director… Ye?

Hindi ba't si Ye Bai… ang kaisa-isang direktor na may apelyidong Ye sa Age of Immortals?

Paano nakakuha ng posisyon ng direktor si Ye Wan Wan?

Pero, anong ibig niyang sabihin nung sinabi niya na bakit siya nakapang-babae na damit?

Nakita ni Chen Yan Feng na maraming nakapalibot sa kanila at nakita niya rin na nandoon si Manager Zhang, kaya tiningnan niya ito. "Anong nangyari?"

Agad na nagpaliwanag si Manager Zhang. "Pumasok dito si miss nang walang invitation card at kinakausap ko siya ngayon para paalisin siya sa lugar na ito…"

Mabilis na nag-iba ang itsura ni Chen Yan Feng. Galit siya nang sabihan niya ang manager, "Kag*guhan!"

Tumalon sa sobrang takot si Manager Zhang dahil nagalit si President Chen. Hindi niya alam kung ano ang ginawa niyang mali. "Eh, President… anong, ano po ang problema?"

Mukhang galit na galit si Chen Yan Feng. "Alam mo ba kung sino siya? Nahirapan nga ako noong inimbitahan ko siya dito, pero gusto mo siyang palayasin?"

"Huh? Pasensya na President! Hin… hindi ko alam na inimbitahan mo pala siya…"

Hindi lamang si Manager Zhang ang nagulat. Nakatameme rin ang lahat ng mga taong nakapalibot sa kanila.

Anong nangyayari?

avataravatar
Next chapter