602 Multi-level marketing?

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Sa parehong oras, sa baba.

"Leader Yuan Sheng, ito ay talagang nakakaawa. Sa una palang, ang post na ito ng head captain ay talagang sayo, ngunit sa huli, ang babaeng Ye Wan Wan na iyon ay mag maluwag na tornilyo sa kanyang ulo at sa halip ay kalabanin ka!"

Isang gwardiya ng Dark Team mula sa pamilya Si ay nagsabi sa Yuan Sheng.

"Dapat ibigay ni Leader Yuan Sheng ito kay Ye Wan Wan, kung hindi…"

"Hng, kung ang late master ay umiikot pa, wala tayo sa kalagayang ito ngayon. Ang kompetisyon ay naging isang pambatang laro - hinahayaan ang isang babae na tumakbo sa ring sa kalagitnnaan ng labanan? Sa huli, ang post ng head captain ay napunta sa basurang utal na hindi makapagsalita ng malinaw!"

"Manahimik ka!" winalis ni Yuan Sheng ang tingin sa kanila at ang kanyang mukha ay naging malungkot.

Sa sandaling iyon, nababalot ng galit si Yuan Sheng nang banggitin ang pangakan ni Ye Wan Wan at Feng Xuan Ye.

"Tama tama tama. Wag na natin pag usapan ang babaeng iyon - nakakawala lang siya ng mood. Ngayon, tayo, ay Dark Team 4, ay lalabas dito para sa isang salo salu. Iinom tayo hanggang sa malasing!"

Habang sila ay nagsasalita, ang Dark Team 4 ay narating ang entrance ng bar.

Si Yuan Sheng ang naging leader ng Dark Team 4, kaya napagpasyahan nila na mag party para sa kanya.

Sa sandaling ito, si Ye Wan Wan at ang iba ay natapos na ang kanilang pagtitipon at umalis na sa bar.

"Dark Team?"

Nang makita ni Ye Wan Wan ang gwardiya pamilyang Si na Dark Team sa harapan ng bar, siya ay nagulat. Naisip niya at nahulaan na ang Dark Team 4 ay nandoon upang mag celebrate ng pagiging leadr ni Yuan Sheng.

Lumabas si Ye Wan Wan na nagkukunwaring si Ye Bai at nakatago sa itna ng maraming tao, kaya ang gwardiya ng Dark Team 4 ay hindi siya napansin.

Binalikan ng assistant si Luo Chen. lumingon si Han Xian Yu kay Ye Wan Wan at nagtanong, "Ye Bai, pupunta ka pa din ba sa bahay ng girlfriend mo?"

Ye Wanwan: "En."

"Kung ganon, mauna na akong umalis." tango ni Han Xian Yu.

Ye Wan Wan: "Sige, mag-iingat ka."

"Sigurado." naglakad na paabante si Han Xian Yu, ngunit sa huli, tumalikod siya at nagaalala si Ye Wan Wan, "hindi ka mukhang ayos ngayong gabi. Alalahanin mong uminom ng gamot kapag hindi maganda ang pakiarmdam mo."

"Sige, salamat!" masayang sinabi ni Ye Wan Wan.

Han Xian Yu: "Goodnight."

Ye Wanwan: "Goodnight."

Matapos nilang magsabi ng paalam, pumunta na si Han Xian Yu sa sasakyang na naghihintay na sa kalsada.

"Yu-ge, babalik kana ba sa apartment?" sumulyap ang lalaki sa back seat at nagtanong.

Pinagisipian ito ni Han Xian Yu at saka nagdesisyon, "kalimutan mo na 'yon, pumunta na tayo sa villa."

Sa una, siya ay nanatili sa may apartment upang magtago mula sa paparazzi, ngunit matapos 'yon, dahil sa kabila lang nakatira si Ye Bai, siya ay nanatili na lang sa apartment para madali na lang sa kanyang pumunta oras oras upang makipag usap.

Ngunit kamakailan, hindi madalas pumupunta si Ye Bai sa apartment, kaya walang dahilan upang manatili siya doon mag isa.

"Sige," ang sagot ng driver.

Walang masyadong pakialam si Ye Wan Wan ng makita niya si Yuan Sheng at ang iba sa bar.

Gayon pa man, bilang magtatawag na si Ye Wan Wan ng cab pamunta sa Jin garden, may nahuli ang kanyang mata at siya ay napatigil.

Nakita niya ng may isang daang layo, ang isang lalaki ang nakasuot ng isang Taoist devotee kasama ang isng nakabibighaning mukha ay dahan-dahan na papunta patungo sa bar.

Ang nakakaakit na Taoist devotee ay hawak ang isang buntot ng kabayo sa kanyang kaliwang kamay at isang puting cloth streamer sa kanyang kanan. Mayroon din siyang isang bote ng gourd na nakasabit sa palibot ng kanyang bewang at siya ay mukhang banal.

Kung hindi pa nakikilala ni Ye Wan Wan siya noon at alam kung gaanong hindi siya maaasahan, siguradong naakit na siya sa itsura ng lalaki….

"Ang Taoist devotee mula sa multi-level marketing (MLM) group?" nagulat si Ye Wan Wan at hindi kailan man inakala na siya ay makakakita ng isa sa mga mimyembro ng limang miyembro ng MLM group dito.

Nang makita ang devotee na 'yon, bahagyang naghinala ni Ye Wan Wan. nandito ba ang mga taong ito upang gumawa ng MLM?

avataravatar
Next chapter