764 Mukhang minalas ka

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Siguro gusto niyang simulan ng maayos ang pagbibiyak ng bato at ang bato na nasa kamay ni Wang Hu ang pinakamaganda sa lahat.

Berdeng ring na may python belt, ang itsurang ito ay may mataas na tsansa na may laman itong green jade sa loob…

Habang nakatingin ang lahat, binutasan ni Wang Hu ang taas na parte ng bato at nagkaroon ito ng maliit na bintana para makita ang nasa loob.

Kulay berde ang nilalaman nito.

Lumaki ang mga mata ng mga tao...

Mataas ang tsansa na jade ang nasa loob dahil sa kulay na berde at tranparency nito.

Kinakabahan si Wan He Yun. Bigla niyang pinaalalahanan ang gemcutter, "Ingatan mo! Hiwain mo ng ganitong anggulo sa ganitong posisyon!"

Tumango si Wang Hu at patuloy niyang hiniwa ang bato…

Sa huli, biglang namutla ang mukha ni Wan He Yun. Wala itong laman noong pumasok ang kutsilyo sa loob, kulay puti ang nasa loob niyo ang may isang maliit na kapiraso lamang ng jade ang nasa taas.

"HAHAHA… wala naman laman yung bato - ito ay tunay na bato na nanggaling sa Glittering Jewels Pavilion…"

"Kailangan mo pala talagang maniwala sa mga sabi sabi kahit na ayaw mo, noh? Bakit kaya siya umakto ng walang respeto at tinanggihan ang mga bato ng Hui Cui Workshop, at pilit niyang binili ang mga walang kwentang mga bato ni Wan He Yun!"

Umiling at nagbuntong hininga ang lahat dahil sa nakita nila.

Sanay na sa ganitong sitwasyon si Wan He Yun dahil matagal nang nakabukas ang store niya. Lalo noong lumipas na mga taon, malas talaga ang kanyang store. Ngunit mas nalungkot si Wan He Yun sa pagkakataon na ito.

"Miss Ye, pasensya na…"

Sa oras na iyon, may mga namangha na naman sa panig ni Huang Shi Xin—

"May binunyag na naman! May isang binunyag na naman!"

Ang gemcutter ng Hui Cui Workshop at nakakuha na naman ng magandang jade at ito ay ang kakaibang pulang jadeite.

Naghiyawan ang mga tao dahil nakakuha ng dalawang klase ng kakaibang jade ang Hui Cui Workshop.

Namutla ang mga mukha ng mga matataas na opisyal at mga nakatatanda nang mapanood nila ang eksena sa video call ni Xue Li.

Nagpatuloy ang paghihiwa ng bato.

Hiniwa ang bawat isang bato na meron sila. Marami nang tao ang Hui Cui Workshop kaya inutusan ni Huang Shi Xi ang kanyang assistant para magpamigay ng ampaw sa mga tao.

Sa panig ni Ye Wan Wan, mukha nang nadidismaya ang gemcutter ng Glittering Jewels Pavilion at si Wan He Yun. Sa ngayon, ang nakuha lamang nila ay isang piraso ng sirang yellow jade.

Inasahan na ng lahat ang nangyari sa panig ni Hou Maofeng at ngumisi siya sa panig ni Ye Wan Wan. "Haha, parang hindi ka sineswerte na tulad ng inaasahan mo, Miss Ye."

Sa puntong ito, dalawang bato na lamang ang natitira kayla Hou Moafeng at Ye Wan Wan. Malapit nang ibunyag ang laman nito.

Lumipas ang kalahating oras at naghiyawan ang mga manonood.

Sinimulan nang hiwain ni Huang Shi Xin ang huling bato na meron siya. Ito ang bato na nanggaling sa Hui Ka na tinanggihan ni Ye Wan Wan.

May maliit na bintana ang isang piraso ng bato at mataas ang tsansa may laman itong mataas na kalidad ng jade...

Dalawang piraso ng bato na lamang ang natitira kay Ye Wan Wan at wala pa rin siyang nakukuhang disenteng jade. Mukhang pinaparating nito na nalugi siya at winaldas niya ang lahat ng pera niya.

Sa oras na ito, napahinto ang gemcutter sa panig ni Ye Wan Wan at hindi niya naiwasan na sumilip sa panig ni Hou Maofeng.

Walang kwenta ang mga bato na nasa gilid ni Hou Maofeng; ang pinaka inaasahan ng lahat ay ang piraso ng bato na nanggaling pa sa Hui Ka.

"Boss Huang, ano sa tingin mo? Hiwain na ba natin ang huling bato?" Wala nang pakialam si Hou Maofeng sa nararamdaman ni Ye Wan Wan. Ito ang pinakamahalagang bato sa lahat.

Kinaskas ni Huang Shi Xin ang kanyang mga kamay at masaya niyang sinabi. "Sige sige sige, simulan mo na!"

avataravatar
Next chapter