535 Mukhang mahirap

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Mula sa 1 kilometro hanggang 3 kilometro hanggang 5 kilometro hanggang 10 kilometro, si Eleven at ang bodyguard mula sa walang magawa hanggang nasopresa hanggang sa namangha. Sa dulo nito, sila ay lubos na nagulat.

Tumingin si Eleven sa stopwatch na nasa kanyang kamay at lumunok ng malaki saka tumingin sa kanyang master.

Paanong kailangan niya ng tatlong buwan?

Sanay na siya sa 1 kilometrong takbo, ngayon siya ay naging masigla at masaya?

Ito lang ay… masyadong kakaiba…

Sa totoo lang, inakala niya lang na medyo malakas lang si Ye Wan Wan gaya ng ordinaryong tao sa una, ngunit hindi niya inasahan na ang kanyang stamina ay magiging katakot-takot.

Kaya talaga siya ay… wala na ng maituturo pa sa kanya…

Alas, habang malalim ang iniisip ni Eleven, nakita niya ang kumikinang na mata ni Ye Wan Wan. "Coach Eleven, tapos na akong tumakbo! Ano ang sunod nating pag-aaralan?"

Nasamid si Eleven at lumingon sa kanyang master ng may pagsusumamong tingin.

Tumingin si Si Ye Han sa babaeng nasa tabi niya at tinanong, "anong gusto mong pag-aralan?"

Kaagad na sinabi ni Ye Wan Wan, "malinaw naman na gusto kong pag-aralan ang totoong combat skills! Masyadong boring ang pagtakbo lang!"

Si Ye Han: "hayaan mong si Eleven ang magdala sayo sa training grounds."

Tulo-tuloy na tumango si Ye Wan Wan. "Mahusay, mahusay! Baby hindi mo na ako kailangan samahan pa. Oras na rin para sa iyong acupuncture, kaya pupunta na lang ako kay Dr. Sun kapag tapos na ako sa training!"

Si Ye Han: "En."

Si Eleven, na walang kayang patunayan mula simula hanggang sa dulo, "..."

...

Training grounds:

Ito ay masyadong maliwanag at maaga at ang malumanay na hangin ay nakakagaan at nakakatuwa, ay inaalis ang lahat ng bakas ng pagod.

"Coach Eleven, dito na ako!" nagpalit si Ye Wan Wan ng kanyang sportswear at itinali ang kanyang mahabang buhok sa ponytail, mukhang matapang at handa.

"Tama.." tumingin si Eleven kay Ye Wan Wan at walang atubiling tumango.

"Coach Eleven, ano ang gagawin natin ngayon?" sabik na tinanong ni Ye Wan Wan.

"Cough* gawin na natin ito - tuturuan kita ng ilang fighting techniques!" matapos ang isang sandaling pag-aaral, may nabuo sa isip ni Eleven.

Ang gabing iyon sa bar, ang pangunahin lamang ni Ye Wan Wan ay ang kanyang kakayahan. Kapag natuto siya ng ilang fighting techniques, ang kanyang fighting skills ay siguradong magiging maayos.

Sobrang sabik ni Ye Wan Wan. "ang fighting techniques ni Coach Eleven ay sinasabing ilan sa mga magagaling bukod sa lahat ng bodyguards, diba?"

Nang marinig iyon, na blanko si Eleven. Gusto niyang magsalita ngunit piniling manahimik na lang.

Bago pa siya maging bodyguard, siya ay sobrang tiwala sa kanyang fighting skills at hindi kinakatakutan ang kahit na sino; nagawa pa niyang subukin ang kapitan ng mga bodyguard ng madaming beses noon.

Gayon pa man, siya ay laging natatalo ni Liu Ying ng walang kahit anong pag-asa ng paghihiganti.

Matapos iyon, napagtanto ni Eleven na ang kanyang fighting skills at stamina ay pangalawa lang sa magaling.

Kahit na ito ang lagi niyang pinapangarap na maging kapitan, hindi pa din niya magawang magampanan ito; si Liu Ying ay parang isang hindi nagagalaw na bundok, na hinaharangan ang kanyang daanan…

At saka, siya ay head captain ngayon ngunit panandalian lang. Hindi magtatagal, oras na para sa pagsusulit para sa head captain at siya pa din ay matatalo ni Liu Ying katulad ng dati.

Ang pansamantalang katayuan na ito ng head captain ay hindi kasiya-siya kay Eleven - ito ay parang sumpa, paulit-ulit na nagpapaalala at nangungutya sa kanya…

"Coach Eleven?" napansin ni Ye Wan Wan ang itsura ni Eleven at kumunot ang kanyang kilay.

"Oh.. wala lang ito." bumalik sa katinuan si Eleven at inayos ang kanyang sarili. Tumingin siya sa suot na sportswear ni Ye Wan Wan at sinabi, "Martial Arts' ang tawag ng mga westeners dito, ngunit sa ating bansa, tinatawag natin itong Kungfu - isang paraan ng pag gamit ng kamao at paa o matalim na sandata upang tumira ng isang matinding suntok sa iyong kalaban."

"Mukhang kahang-hanga," bulong ni Ye Wan Wan.

avataravatar
Next chapter