1111 Mukhang hindi ito ligtas

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Isipin ko lang. Ang pangalan niya yata ay Jiang… Jiang Yan Ran…" sagot ng assistant. 

"Siya pala talaga iyon!" Natandaan ni Liang Shi Han na magkalapit ang babaeng iyon at si Ye Wan Wan kaya mas lalong ngumiwi ang kanyang mukha.

"Sister Yiyi, mag-isip ka nga ng paraan. Gusto ko talagang makapasok sa pelikula ni Director Peng. Nakuha ni Jiang Yan Ran sa female lead pero isang estudyante lamang siya at walang mat hawak sa kanyang kumpanya. Hindi ba't imposible na hindi ako makakasama sa pelikula?" Nagmakaawa si Liang Shi Han habang hinihila niya ang manggas ni Ye Yiyi.

Sumimangot si Ye Yiyi. "Shi Han, hindi sa ayaw kitang tulungan, pwedeng makakuha ng pabor ang kumpanya sa ibang direktor, ngunit si Peng Yuan Hu ay isang direktor na nag-ca-cast base sa kanyang mood. Napagdesisyonan na ang casting ng pelikulang ito kaya huwag mo na itong isipin pa. Maghahanap ng mas magandang mga proyekto ang kumpanya para sayo."

Nalungkot si Liang Shi Han nang marinig niya na hindi siya matutulungan ni Ye Yiyi, naging masigla lamang siya ng marinig niya ang huling sinabi nito. "Talaga? Salamat ng marami, Sister Yiyi. Alam ko naman na espesyal ang trato mo sa akin!"

Tumawa si Ye Yiyi. "Pamilya tayo. Hindi mo ako kailangang pasalamatan."

Mukhang kuntento na si Liang Shi Han. "Sister Yiyi, hindi mo kailangang mag-alala. Ikaw ang eldest miss at ikaw ang nag-iisang eldest miss. Hindi nga maipakita ng pamilya ni Ye Wan Wan ang mukha nila sa publiko, kaya hindi sila magiging matagumpay! Anong Life and Death Struggle? Sa pangalan pa lang malalaman mo nang hindi ito sisikat. Hintayin natin silang ma-bankrupt!"

Sa isang hot-pot restaurant.

Kumain si Ye Wan Wan hanggang sa hindi na niya kinayang makakain bago siya magpahinga sa sobrang pagka-kuntento.

Pagkabayad ng bill, hindi kaagad pumasok ng kotse si Si Ye Han dahil busog pa si Ye Wan Wan, kaya naglakad-lakad muna sila ni Tang Tang.

"Masama pa rin ba ang pakiramdam mo?" Kaawa-awang pinanood ni Si Ye Han ang babaeng nagkakamot ng tiyan.

"Hm… ang sama ng pakiramdam ko…" ngumangawa si Ye Wan Wan. "Bakit hindi niyo ako pinaalalahanan na kumain ng kaunti!"

Si Yehan: "…"

Tang Tang: "Mommy, nagkamali si Tang Tang…"

Parehas ang naisip ng mag-ama. Masaya siyang kumakain kaya bakit naman siya hahayaan na kumain ng konti?

Tiningnan ni Si Ye Han ang parmasya sa tapat ng kalsada at sinabi niya kay Ye Wan Wan, "Saglit lang. Bibili lang ako ng digestive pills."

"Ah… sige…" tumango at sumang-ayon si Ye Wan Wan, ngunit nag-alala siya noong sumang-ayon siya. "Bumalik ka kaagad… gabing-gabi na… hindi ligtas… ang gwapo mo pa naman… paano kung may nakasalubong ka na mga malilibog na babae…"

Ngumiti si Si Ye Han. Mahirap mawari ang kanyang itsura. "Wala nang mas lilibog pa sayo."

Hindi natutuwang sumagot si Ye Wan Wan, "Hoy, paano ako naging malibog, ha…"

Ang sama ng mga sinasabi ni Si Ye Han sa akin nitong mga nakaraang araw! 

"Okay ka lang, Mommy? Kakamutin ni Tang Tang ang tiyan mo para sayo!" Tinulungan ng batang mabait na haplusin ang tiyan ni Ye Wan Wan.

"Salamat, baby. Muah~"

Umiikot sa fountain si Ye Wan Wan ngunit may isang babae na biglang lumapit sa kanya.

Nakatingin sa baba ang babae habang marami siyang hawak na bagay sa kanyang mga kamay. Mukhang malayo ang isip niya at hindi siya tumitingin sa direksyon na nilalakaran niya, kaya dire-diretso siya kay Ye Wan Wan. Biglang nahulog sa lapag ang mga gamit na hawak niya...

"Ah! Pasensya na! Miss, okay ka lang?" Pinanood ni Ye Wan Wan ang babaeng lumuhod para pulutin ang mga gamit niya sa lapag.

"Wala, wala ito… pasensya na… pasensya na at nasanggi kita…" paulit-ulit na nanghingi ng tawad ang babae.

Tinulungan siya ni Ye Wan Wan na kunin ang kanyang mga gamit at napansin niya ang nilalaman ng mga papeles nito. Hindi niya naiwasan na makita na ang mga papel na ito ay resume ng babae.

Parehas sila ng trabaho. Silang dalawa ay parehas na managers...

avataravatar
Next chapter