79 Mukha ba akong single?

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Nang biglang umalis ng last minute si Si Xia, hindi sila makapag-ensayo para sa huling act kaya umalis nalang silang lahat.

"Tinakot niya siguro si Si Xia kaya tumakbo at nagtago!"

"Speaking of which… hindi naman siguro ibibigay ni Si Xia yung role niyang prinsipe kay Ling Dong, 'di ba?"

"Posible naman siguro. Kung merong sipsip at nag-volunteer na sumalo sa kanya, mawawalan yun ng sense kung hindi agad kukunin yung oportonidad!"

"Hindi ko akalain na yung ugly freak, na si Ye Wan Wan, may pagkatuso din. Anong magic potion yung binigay niya kay Ling Dong?"

Sa maliit na pasilyo, pasikreto padin nag-uusap ang dalawang babae na magkasama pero nang tinignan sila ni Ling Dong ng masama, tila ba'y namutla ang mga 'to at dali-daling kinuha ang mga gamit at umalis.

Pagkatapos niya silang tignan ng masama, pinuntahanan ni Ling Dong si Ye Wan Wan. Tila bang napawi ang kanyang galit at naging hindi sigurado sa sasabihin," Ayos lang kung ayaw mong kumain ng hapunan kasama ako, I… Ilalakad na kita sa dorm niyo."

Kumunot ang kilay ni Ye Wan Wan, "Ling Dong, Sinabi ko na sa 'yo."

Hindi pinatapos ni Ling Dong ito magsalita, "Alam ko hindi ako ganon kagwapo, pero aayusin ko ang pagtrato sa 'yo! Hindi pwedeng sa itsura ko lang ikaw nakatingin!"

Pagkarinig n'on, ang mga dulo sa labi ni Ye Wan Wan ay kumibot. Hindi niya ba nakikita ang irony sa sinasabi niya?

"Nagustuhan mo ako dahil nakita mo akong walang makeup kagabi, tama?" buong tapang na tinanong ni Ye Wan Wan.

Hindi tumanggi si Ling Dong at tumango nalang ito, "Oo."

Napataas ang mga kilay ni Ye Wan Wan, "So, gusto mo lang ako dahil sa itsura ko?"

Tinikom ni Ling Dong ang kanyang mga labi, "Inaamin ko gusto ko talaga ang mukha mo… Sobrang ganda mo… At ang isang magandang babae ay ang pagnanais ng isang lalaki. Pero wala naman akong nakikitang mali kung ginugusto kita dahil sa itsura mo!"

Nagulat si Ye Wan Wan sa kumpiyansa at tapang ni Ling Dong at sinabi na lamang, "Actually, may boyfriend na ako."

"Anong sabi mo?" sa narinig, nagbago ang expression sa mukha ni Ling Dong. Matapos ang mahabang oras, kumalma na ito, "Hindi pwedeng maging ganto ka."

Walang magawa si Ye Wan Wan, "Mukha ba akong single?"

Sumimangot si Ling Dong, "Hindi' yun 'yung ibig kong sabihin, ano lang…"

Hindi niya ito masisisi kung hindi siya paniniwalaan nito, sabagay, laging may suot si Ye Wan Wan ng nakakatakot na makeup, ano ang posibilidad na mayroon siyang boyfriend?

"Tinutupad ng boyfriend mo ang mga pangangailangan mo?" tanong ni Ling Dong.

Tumango si Ye Wan Wan ng mga kasiguraduhan, "Oo."

Ngunit pagkatapos sabihin iyon ni Ye Wan Wan, nangasim ang pagmumukha ni Ling Dong at mas nakumbinsi siyang ito ay nagsisinungaling, "Ye Wan Wan, hindi mo kailangan maghanap ng mga dahilan para magsinungaling sa 'kin, may karapatan kang tanggihan ako at may karapatan akong habulin ka. Hindi ako susuko!"

Napabuntong-hininga nalang si Ye Wan Wan, "Ano ba 'yung kailangan kong gawin para maniwala ka na nagsasabi ako ng totoo?"

Bakit ba maraming nagdududa na may boyfriend ako? Masyado silang mapanghusga sa mga itsura! Hindi ba nila maintindihan na mayroong tao na may exotic taste na pwede magkagusto sa babaeng katulad ko?

Tinignan ni Ling Dong si Ye Wan Wan at nag-isip muna bago sumagot, "Maliban nalang kung makita siya ng mga mata ko."

Makita siya ng mga mata mo?

Dadalhin ko si Si Ye Han para makilala ang isang lalaking na nagkakagusto sa 'kin at nililigawan ako… gusto ko bang mamatay?

Well… No...

Hindi imposible na makakuha ng kapalit na boyfriend para makilala si Ling Dong...

Matagal ding nagdadalawang isip si Ye Wan Wan bago pa muli nitong tignan si Ling Dong at pansamantalang nag-isip at tinanong ito, "Sigurado kang susuko ka pag nakita mo na siya?"

Hindi nahulog si Ling Dong sa bitag niya sa at maingat itong sumagot, "Syempre, kung katangi-tangi nga siya tulad ng sabi mo, 1800 times na mas gwapo kay Si Xia."

All right, mukhang imposibleng magsangkot ako ng kung sinumang tao na pwedeng sumalo sa kin. Saan ako hahanap ng lalaking 1800 times na mas gwapo kay Si Xia...

"Sige, pag-isipan ko, medyo busy yung boyfriend ko. Sabihan nalang kita kung nakagawa na ako ng appointment," sagot ni Ye Wan Wan.

Nakisabay nalang si Ling Dong ng walang pag aalala, "Sige."

avataravatar
Next chapter