964 Mukha ba akong kabit?

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Nie Tang Xiao: "Ikaw ba talaga ang daddy ko?"

Ang boses ng bata ay tila natanggalan ng tinik sa puso nang tinanong niya ito kay Si Ye Han.

Si Yehan: "…"

Gusto rin malaman ni Si Ye Han ang kasagutan sa tanong na ito.

Pagkaalis niya ng KTV, tinawagan ni Ye Wan Wan si Han Xian Yu para pasalamatan siya dahil tinulungan siya nito at sinabi nya rin na may mga gawain pa siyang kailangang unahin kaya kailangan niya nang umuwi. Nautusan niya rin sila Tang Bin at Song Qiang na imaneho pauwi ang kotse bago sila pumasok sa Cayenne ni Si Ye Han.

Sa loob ng reserved KTV room.

Sumimangot si Han Xiang Yu nang mag-anunsiyo siya sa kanila, "May mga kailangan pang atupagin si Ye Bai kaya nauna na siyang umuwi!"

Namutla si Gong Xu na kanina'y pasikretong pumasok sa loob ng kwarto. "Ano? Umalis na siya? Hala, hala, may mangyayari bang masama kay Ye-ge ge...?"

Tiningnan ni Han Xian Yu si Gong Xu. "Anong nangyari?"

Malungkot ang itsura ni Gong Xu habang hawak niya ang kanyang puso nang bumulong siya kay Han Xian Yu. "Kanina, kasama kong lumabas si Ye-ge ge at nakita ko ang boyfriend ni Ye-ge ye!"

"Boyfriend ni Ye Bai?" bumulong si Han Xian Yu.

Tumango si Gong Xu. "Oo, hindi ko alam kung saan siya nanggaling pero nakakatakot kasi yung tingin niya sa akin kanina. Mukhang handa na siyang bpumatay! Muntik na akong mamatay sa sobrang takot!"

Han Xian Yu: "Ano ba talaga ang ginawa mo?"

Nagalit kaagad si Gong Xu. "Anong sinasabi mo na anong ginawa ko? Wala akong ginawa, okay?! Bakit mo ako tinitingnan na parang ako ang kabit… Hi… hinawakan ko lang ng saglit ang braso ni Ye-ge ge… pwede ko ba gawin iyon?"

Nagalala siya noong sinabi niya iyon ng malakas. "Hindi mo ako naiintindihan, Xian Yu-ge. Nakakatakot ang itsura ng lalaking iyon at mukhang papatayin niya ang lahat ng tao doon. Magiging okay lang kaya si Ye-ge ge?"

Mukhang nabibigatan si Han Xian Yu. Ngunit ito ay problema ng magkasintahan kaya mas maigi nang hindi siya mangialam, dahil lalong magiging malala ang sitwasyon kapag nakisama pa siya.

Nagbuntong hininga si Han Xian Yu. "Alam mo naman na espesyal ang sitwasyon na nararanasan ni Ye Bai. Mas mabuti nang lumayo ka na lang sa kanya."

Sumagot ang malungkot na si Gong Xu, "Anong lumayo ako? Hindi naman interesado sa akin si Ye-ge kahit na lalaki ang gusto ni Ye-ge…"

Han Xianyu: "…"

At least alam niya iyon sa sarili niya…

Umaasa talaga siya na magiging okay si Ye Bai. Nararamdaman niya na ang lalaking iyon ay hindi isang ordinaryong tao lamang...

Sa kabilang parte ng KTV building.

Pagkapasok ni Ye Wan Wan, nilabas niya ang kanyang phone at nagsend siya ng text kay Si Ye Han.

Nang makaabot si Si Ye Han sa kotse, binuksan niya ang pintuan ng kotse at pinasok niya sa loob nito ang batang lalaki.

Papasok na sana sa loob ng kotse si Si Ye Han nang biglang nag-ring ang kanyang phone kaya naisip niya na mukhang may nag-text sa kanya.

Binuksan niya ito at nakita niya na nag-text pala sa kanya si Ye Wan Wan. [Ah-Jiu, pakisamahan mo ang lahat ng kahit anong sasabihin ko mamaya! Please, please!!!]

Sumimangot si Si Ye Han nang makita niya ang text ni Ye Wan Wan.

Nakita ni Ye Wan Wan ang ekspresyon sa mukha ni Si Ye Han sa may bintana at bigla niyang kinaskas ang kanyang ngipin, kaya patuloy siyang nag-text: [Darling, hindi mo ba kayang gawin ito?]

Hindi pa rin sumasagot si Si Ye Han.

Kaya patuloy na nagtext si Ye Wan Wan.

[Baby, gagawin mo ba?]

[Mahal ko, nagmamakaawa ako sayo!]

[Hubby, hubby, hubby?]

Nakatanggap na ng sagot si Ye Wan Wan Q1sa pang-apat niyang text.

[Pinakamamahal ko: Oo na.]

Guminhawa ang loob ni Ye Wan Wan.

Umandar na ang kotse noong nakapasok na sa loob si Si Ye Han.

Nakaupo sa harap ang nagmamaneho at katabi niya si Xu Yi habang nakaupo naman sa likod sila Ye Wan Wan, Nie Tang Xiao at Si Ye Han.

Kakaiba ang pakiramdam sa loob ng kotse...

avataravatar
Next chapter