917 Mommy, nice to meet you

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Mabilis na hiniwa ng dalawang guwardiya ang tali na nasa kamay ni Ye Wan Wan, biglang lumuhod ang dalawang nakakatakot nanbodyguard at marespeto nilang sinabi. "Second missy! Na-late kami ay tinakot ka pa namin!"

Ye Wanwan: "…"

Tang Bin: "…"

Song Qiang: "…"

Second… second missy?

Tiningnan ni Tang Bin at Song Qiang ang dalawang nakakatakot na taong nakaluhos sa harap ni Ye Wan Wan at nagulat sila.

P*TA! ANO 'TO!!!

Tauhan pala ni master ang dalawang halimaw na ito?

T*ngina! Nakakatakot pala ang kapangyarihan ni master, huh?

Kanina namatay ang isang malakas na kasabwat tapos ngayon, umaangat mula sa lupa ang isang malakas na kasabwat - nakakasabik naman ito!

Tiningnan ni Ye Wan Wan ang dalawang tao na nasa lapag at biglanh nabaling ang tingin niya kay Tang Bin at Song Qiang, na ang mga mata ay halos lumuwa na. Gulat na gulat si Ye Wan Wan sa nakita niya.

Ano raw?

Second missy?

Ako ba ang tinutukoy nila?

Bumalik na sa kani-kanilang malay tao si Tang Bin at Song Qiang, lumapit sila kay Ye Wan Wan nang may pananabik.

Lumaki ang mga mata ni Tang Bin at punong-puno siya ng adorasyon. "Master, master, akala namin makukulong ka na talaga! Pinaghandaan mo talaga ito, huh!"

Ye Wan Wan: "Uh, hindi…" nadakip talaga ako, okay?

Umentra si Song Qiang bago pa matapos ang sinasabi ni Ye Wan Wan, "Sabi na eh! Master, master, napakahusay mo! Kakaunti lang ang kaalaman namin sa iyo! Ibibigay naming dalawa ang buhay namin sayo, master!"

Ye Wan Wan: "Ah…" maling tao yata ang tinutukoy ng mga ito...

Sumabad si Tang Bin. Muntik na siyang umiyak dahil nalugod siya kay Ye Wan Wan. "Master, isa kang fairy na nanggaling sa kalangitan. Biyaya sa amin na tinanggap namin ang pamumuno mo!"

"Song Qiang: "Walang ginawa si master upang ituro sa atin ang leksyon na ito, tama? Paghihirapan namin ang trabahong ito sa hinaharap. Master, huwag kayong sumuko sa amin!"

Ye Wanwan: "…"

Kumalma nga kayong dalawa at pakinggan niyo ang sasabihin ko, okay?

At tsaka, huwag kayong mag-pantasya diyan!

Tiningnan ni Ye Wan Wan ang dalawang bodyguards at nagtaka siya. Hindi siya sigurado kung kakilala niya ba ang mga ito.

Anong meron sa mga taong ito?

Tapos ang tawag pa nila sa akin ay… second missy?

Siya nga naman ang pangalawa sa nakakatandang apo ng Ye family, habang si Ye Mu Fan ang panganay. Ngunit hindi normal na tawagin siya ng mga tao na second missy sa pormal na pamamaraan!

Hindi sigurado si Tang Bin kung imahinasyon niya lamang ito o hindi, pero habang kausap nila si master, naramdaman nila na parang nagiging kulob ang pakiramdam sa loob.

Biglang tiningnan ni Tang Bin ang maliit na bata na nasa tabi niya. "Oo nga pala, master, master, kaano-ano mo ang batang ito?"

Sa pagkakataon na ito, naguguluhan ang isip ni Ye Wan Wan. Naiirita na siya kaya agad siyang sumagot, "Ako ba ang tinatanong mo? Sino ba ang dapat kong tanungin tungkol diyan? Tsaka, paano ko malalaman?"

Hindi ko alam kung sino siya, eh!

Sumakit ang ulo ni Ye Wan Wan at pinisil niya ang pagitan ng kanyang mga kilay. Pagkatapos magsalita ni Ye Wan Wan, lumapit sa kanya ang batang lalaki na porselano ang mukha.

Medyo nabilaukan si Ye Wan Wan sabay tinanong niya ang batang lalaki, "Uh, bata, hello. Pwede ko bang tanungin kung sino ka…"

Umangat ang ulo ng bata at tiningnan niya ng maigi si Ye Wan Wan. Bata ang boses niya nang sinabi niya, "Hello, ang apelyido ko ay Nie at ako naman si Tang Xiao. Limang taong gulang na ako…"

Huminto muna si Tiang Xiao bago siya magpatuloy, "Ikaw ang nanay ko."

Pagkatapos ay nakipagkamayan ang batang ito kay Ye Wan Wan. "Mommy, nice to meet you. Alagaan mo ako ng maigi."

Ye Wanwan: "…"

——

Mini Theatre:

Ye Wan Wan: April Fool's yata ngayon! Paano naman ako nagkaroon ng anak!!!

Author Jiong: April Fool's nga ngayon! At may anak ka talaga, haha ~

avataravatar
Next chapter