736 Mistress ng bahay

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Gayunpaman, bago pa magsalita si Eleven at ang iba magsalita, bumalik ulit si Ma Bing.

Sa sandaling tumapak si Ma Bing sa loob ng hotel room, nakita niya ang nagkalat na mga bata na nabugbog at nagdilim ang kanyang mukha. Saka niya inangat ang kanyang ulo at lalong nagdilima ang kanyang mukha habang nakatingin sa mag-asawa na nalulugod at ramdam ang pagkapanalo.

"Zhou Can, my boy, pambihira ka - isang malaking grupo ang kasama mo." lumingon si Ma Bing sa ginoo at sinabi.

Nang makita ng mag-asawa si Ma Bing, sila ay nagulat. Ang katagumpayan sa kanilang mukha ay kaagad na nawala sa manipis na hangi.

Nagtataglay ng labis na kapangyarihan si Ma Bing sa bayan ng H at kaibigan din ng kanilang boss, na si Xu Yi.

Ngunit bakit nagpakita dito si Ma Bing?

Maaring mayroong koneksyon si Ma Bibg sa mga ito…

"Oh, Zhou-ge!" wala ng oras para mag-isip pa ang ginoo habang siya ay nakangiti kaagad na humbang, nilabas ang sigarilyo mula sa kanyang bulsa.

"Haha." natawa si Ma Bing habang pinapanuod ang ginoo na inaabot ang sigarilyoat tinango niya ang kanyang ulo. "Hindi katanggap-tanggap, hindi katanggap-tanggap. Pare, ang reputasyon mo ay masyadong mataas na ngayon. Hindi ako maglalakas loob na tanggapin ang sigarilyo mo."

"Ma-ge… anong ibig sabihin mo… may hindi ba tayo pagkakaintindihan dito…? Kilala mo ba ang mga taong ito?" Nang makita kung paano umarte si Ma Bing, alam ng ginoo na may mali. Kahit na wala siyang gaanong kaugnayan kay Ma Bing noon, nakita na niya siya ng madaming beses noon at kahit kailan hindi siya tinrato ng ganito.

"Hindi ba nag tatrabaho kaa kay Xu Yi? Saka… hindi mo alam kung sino ang babaeng ito?" ang paglibak ni Ma Bing.

"Ah… ito…" ang puso ng ginoo ay kumabog ng matindi. Tumigin siya ng tuwid kay Ye Wan Wan ng may pag-dududa at pagkabalisa.

"Pareng Zhou, alam mo dapat kung anong klaseng lalaki ang boss mo, diba?" inirapan ni Ma Bing ang ginoo.

"Alam ko… alam ko… si boss Xu ay mula sa pamilya ng mga Si sa bansang Z - paanong hindi ko alam…" maingat na sagot ng ginoo.

"Dahil alam mo ito, anong ginagawa mo?" ang pangungutya ni Ma Bing saka tumingin kay Ye Wan Wan at sinabing sa ginoo, "ang babaeng nasa harapan mo ay ang pamilyang Si… maybahay ng buong bahay…"

"ANO?" nagulat ang ginoo at hindi makagalaw.

Matapos niyang makabalik sa kanyang katinuan, tumingin siya sa kakaiba at malamig na Ye Wan Wan sa kanyang harapan at kaagad na nanliit ang kanyang mata.

Anong sabi ni Ma Bing…

Ang babaeng ito ay… ang pamilyang Si… maybahay ng buong bahay?!

Sa sandaling ito, ganap na nablangko ang ginoo. Pakiramdam niya na ang mundo ay umiikot sa kanya at ang kanyang katawan ay nanlambot ng siya ay bumagsak sa sahig.

Kung totoo nga ang sinabi ni Ma Bing at ang babaeng ito ay talagang maybahay ng buong bahay, saka ang mga tao doon ay… ang gwardiya ng pamilyang Si na Dark Team…

Walang duda na ang bawat isa sa kanila ay magagaling at ang dosena ng kanilang gangster ay bugbog sarado sa loob ng ilang segundo ng walang isang pag-asa ng pagganti.

Ang lahat ng nararamdaman ng ginoo ay nagiging malamig ang kanyang pawis sa kanyang katawan. Hindi niya maintindihan kung bakit ang maybahay ng pamilyang Si ay pupunta sa bayang ng H ng Myanmar at hindi nakatanggap ng tawag mula kay Xu Yi bago pa man…

At saka, bilang maybagay ng buong bahay, kahit na pumunta siya sa Myanmar, dapat nagrenta siya ng flight…

Bakit siya nasa parehong eroplano na katulad sa amin?!

"Anong maybahay ng pamilyang Si? Ma Bing, bakit namin paniniwalaan ang sinabi mo?! Napatili ang ginang.

"Bwisit!" tumitig sa kanya si Ma Bing at binigyan siya ng isang malutong na sampal sa kanyang mukha.

Ang sampal na ito ang nagpagulong sa ginang sa lapag.

avataravatar
Next chapter