245 Minolestya hanggang sa bingit ng kamatayan

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Ang arkiterktura ng manor na pagmamay-ari ni Han Xian Yu ay para hugis paraiso ng mga bata. Madalas, iniimbita niya dito ang mga batang tinulungan niya noon at gayundin sa mga fans niya. Binubuksan niya ang kanyang manor bilang palaruan ng mga bata.

Sa mga oras na iyon, maraming litrato ang kanyang kumpanya na nakikipag halubilo siya sa mga bata--nakikipaglaro, sumasama sa activities, gumugulong sa damuhan at nakikipagtawanan sa kanila; isa sa napakaraming litrato ang litrato nila ng batang babae na magkasama sa kama.

Si Han Xian Yu ang nasa litrato na may kasamang bata sa kama; dinisenyo ang kama na hugis pirate ship kaya madalas tinatalunan nila ito at ito ay gustong-gusto ng mga bata.

Bumaling ang atensyon ng media sa litatrong iyon. Para sa kanila, ito ay isang kongkretong ebidensya laban kay Han Xian Yu kahit na hindi naman talaga.

Tinanggal ni Han Xian Yu ang kanyang shades at tiningnang maigi ang litrato. Sa isang saglit, mabilis na namula ang kanyang mukha sa sobrang galit.

Diinumog siya ng baliw na mga reporters nang makita nila ang ekpresyon sa kanyang mukha, "Han Xian Yu, tumatanggi ka pa rin ba sa elagasyon laban sayo? Inakusa ka ng batang ito na hinubaran mo raw siya at hinipuan ang maseselang bahagi ng kanyang katawan. Pinilit mo raw siyang makipag oral sex sayo! Bakit mo gagawin iyon sa isang bata?! Mas malalaa ka pa sa hayop!"

Sa isang saglit, napahinto si Han Xian Yu at dahan-dahang lumingon sa nagsalitang reporter, "Ulitin mo yung sinabi mo."

Natuwa ang mga reporters nang makita nilang sumagot si Han Xian Yu sa mga akusasyon nila. Nagliwanag ang kanilang mga mata sabay mabilis nilang hinarap sa kanya ang mga video cameras.

Nasusuklam na tumingin ang isang reporter at sumagot nang may matalas na dila, "Bakit? Alam ng lahat na ginawa mo iyon, bakit hindi mo na lang aminin? Malupit kang idolo, umaakto kang malinis na binata sa entertainment industry--ang totoo ay isa kang hipokrito! Dugyot na at malibog pa! At saka, hindi ba namatay ang kapatid mo noong 6 yrs old pa lamang siya, dahil sa sakit? Napagtanto ko… namatay siguro siya dahil minomolestya mo siya hanggang sa bingit ng kanyang kamatayan!"

Parang tunog ng kinatay na baboy ang nangibabaw nang sinabi ito ng reporter. Bigla siyang sinuntok ni Han Xian Yu sa mukha...

"Ah----"

Nagkagulo ang mga tao dahil sa nangyari, maririnig ang malalakas nilang hiyawan sa lugar na iyon.

"May sinapak siya! May sinapak si Han Xian Yu!"

"Sinuntok niya yung reporter! Inubos niya ang pasensya ni Han Xian Yu kaya nagalit siya!"

"Grabe naman siya!"

"Magpaawat ka Xian Yu! Nababaliw ka na ba?!" Binalot ng pagmamakaawa at pagkagulat ang mukha ng manager niya.

Ngunit, nawala na sa katinuan si Han Xian Yu kaya hindi na siya maawat ng manager at bodyguard niya. Nanood sila habang sinugod at binugbog niya sa lapag ang reporter, paulit-ulit at walang sawa niyang sinasapak.

Ang buong pangyayari ay recorded ng lahat ng reporters na nandoroon...

Sa wakas, tinawag ang mga gwardya at dali dali nilang nilayo ang mga tao sa gulo.

Pinunasan ng reporter ang namamaga at sugatan niyang mukha, sabay mabagsik siyang tumingin kay Han Xian Yu, "Maghintay ka Han Xian Yu! Darating ang araw na ako ang magsisiwalat ng tunay mong kulay! Makakamtan ng bata ang hustisya at lalabas din ang katotohanan!"

Pagkatapos ng kaguluhan, umuwi na siya sa kanyang bahay.

Humiga si Han Xian Yu sa may sofa at nangingibabaw pa rin ang galit galing sa kaguluhan kanina. Nanlilisik ang kanyang mga maya sa pagkainis habang ang manager niya ay hindi nauubusan ng tawag sa telepono.

Sa oras na iyon, ang mga litrato at video ng bugbugan nila ay kumalat sa internet at bumalot rin sa mga balita.

Uminit ang atensyon ng balita at mga reporters dahil sa sinabing "Lalabas din ang Katotohanan" at mabilis na umangat ang masamang opinyon ng publiko...

Pinagalitan si Fei Yan ng mga nakakataas sa kumpanya. Naramdaman niya ang pagkatalo kaya nakakaawang tinaas niya ang kanyang ulo at sinabi kay Han Xian Yu, "Masyado kang bayolente! Sinabihan na kita na maging kalmado ka lang kahit anong mangyari! Gusto nila ng magandang ibabalita kaya aasarin ka nila hanggang sa magalit ka, naghahandang mawala ang kontrol mo hanggang sa mag wala ka! Ang bait mo sa kanila dahil ginawa mo ang gusto nila!"

Gusto pang ituloy ni Fei Yang ang pagpapagalit niya, ngunit napahinto at nag buntong hininga siya. Nakita niya na habang nakahiga si Han Xian Yu sa sofa tinitingnan niya ang litrato ng kanyang kapatid sa phone.

Hindi karapat-dapat ang sinabi ng reporter, ngunit huli na ang lahat dahil wala nang pakialam ang netizens sa point of view ni Han Xian Yu. Baka makigatong pa sila sa sasabihing kadugyutan ng reporter tungkol kay Han Xian Yu.

Matagal at masigasig na pinag-isipan ni Fei Yang kung paano maaayos ang imahe ni Han Xian Yu, nang biglang nag-ring ang phone---ang number ay pamilyar sa kanya.

Ito ang tatay ng batang babae.

Nagulat si Fei Yang. Natatakot siya na baka may magwala si Ha Xian Yu at may masabing mali, kaya mabilis niyang sinabi, "Akin na ang phone, ako kakausap sa kanya!"

avataravatar
Next chapter