121 Mga Reklamo

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Dumating rin agad ang mga magulang ni Jiang Yan Ran.

Nang marinig ang katok sa pintuan, hinanda ni Ye Wan Wan ang kaniyang sarili at dali-daling lumapit para buksan ang pinto.

"San si Yan Ran?! San si Yan Ran?!"

"Nasaan ang anak ko?"

Sina Mr at Mrs Jiang ay nag aalala ng sobra na parang isang balde ng pawis ang nailalabas nila.

"Tito, Tita, buit na andito na kayo. Nakahiga sa kama si Yan Ran-- dali at tingnan niyo siya!" mabilis na sinabi ni Ye Wan Wan.

Mabilis nilang pinuntahan ang higaan at nang makita nila na nakahiga ang kanilang anak, nadurog ang kanilang mga puso.

Mukang haggard si Jiang Yan Ran; namumutla ang mukha niya na parang wala nang makitang kulay dito at mga mata niya'y namumula at namamaga. Walang nasuspetyang mali si Mr at Mrs Jiang.

"Yan Ran, bakit mo nagawa iyon?! Sabihin mo at anong eksaktong nangyari?"

"Yan Ran, dali sabihin mo kay daddy--may nananakit ba sayo sa paaralan?"

Nag-alala si Jiang Yan Ran dahil mukhang nag-aalala na ang kanyang mga magulang. Matapos makita ito, di niya napigilan at sinabi ang matagal ng bumabagabag sa kanyang puso, habang siya ay umiiyak at nakayakap sa kanyang nanay, "Daddy… Mommy… ang sakit… ang sakit na talaga…"

Nawasak ang puso ni Mrs Jiang nang marinig niya ang iyak ng kanyang anak, "Mahal na mahal kong anak, sinusubukan mo ba talagang mag aalala kami ng tatay? Ano ba ang nangyari?"

Nakatayo sa gilid si Ye Wan Wan, mga luha niya ay tumutulo sa kanyang mukha, "Tito, Tita, kailangan ko na magsalita para kay Yan Ran. May nag-bubully sa kanya sa eskwelahan!"

Napuno ng galit ang muka ni Mr Jiang, "Sino magtatangkang manakit sa anak ko?!"

Sumagot si Ye Wan Wan, " Sila Song Zi Hang at Shen Meng Qi!"

Nag-iba ang ekspresyon ni Daddy Jiang, "Si Zi Hang at Shen Meng Qi? Pano mangyayari iyon? Hindi sasaktan ni Zi Hang ang anak ko, at hindi ba bestfriend niya si Shen Meng Qi?"

Mabilis na sumagot si Ye Wan Wan, "Hindi po totoo iyon. Hindi talaga gusto ni Song Zi Hang si Ya Ran at patago pang naging sila pa ng bestfriend ni Jiang Yan Ran na si Shen Meng Qi. Bilang bestfriend ni Ya Ran at hindi lamang tinago ni Shen Meng Qi ang relasyon nila, nakipagtalik pa siya kay Song Zi Hang nang malaman niya na ikakasal na sila Ya Ran at Song Zi Hang..."

Nagmamatigas na sinabi ni Mr Jiang, "Imposible yan! Kilala ko ang batang iyon--totoo si Zi Hang sa aming Ya Ran."

Sumabat pa si Mrs Jiang, "Totoo yun, nakikita namin siya araw araw."

Napagtanto ni Ye Wan Wan na magaling si Song Zi Hang na mag-iwan ng good impression--Kaya naman pala nag-aalala ni Jiang Yan Ran na di siya papaniwalaan ng magulang niya.

Nagpatuloy siya sa kanyang mga reklamo, "Tito, Tita, niloloko kayo ni Song Zi Hang, nagpapanggap lamang siya nung una palang. Kapag wala na ang mga nakakatanda sa dalawang pamilya, masama ang pagtrato niya kay Ya Ran, sinabi niya pa kay Ya Ran na iba ang gusto niya.

Ngunit, nagpaka-bobo si Ya Ran dahil mahal niya si Song Zi Hang; wala pakialam si Jiang Yan Ran sa sinabi ni Song Zi Hang at nagkakandarapa pa rin na mahalin ito lalo na pag nginingitian siya ni Song Zi Hang. Naisip niya na baka mabago niya ito sa future.

Bilang babae, para lang mapasaya ni Ya Ran si Song Zi Hang, tuwing winter nagigising si Ya Ran ng maaga at bumabyahe ng 10 miles habang madilim pa, at bibilhan siya ng kanyang paboritong umagahan. Tuwing tag-init, pumupunta siya sa basketball court upang suportahan siya araw araw sa ilalim ng mainit na sikat ng araw!

Isang siyang prinsesa na lumaki sa layaw sa kanyang bahay. Pero para mapasaya si Song Zi Hang, isa siyang katulong sa buong basketball team; kukuha siya ng makakain ang maiinom nilang lahat ng tahimik at walang masabi, kahit na mga mababaho at puno ng pawis na jersey nila ay nilalabahan niya!"

avataravatar
Next chapter