450 Mga Bro, bugbugin natin siya

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Naduwag ako, lalo na't alam kong magagalitin si Lord Gong!" nahihiyang sinabi ng assistant.

"Walang kwenta!" Aligagang naglakad-lakad sa buong bahay si Zhou Wen Bin dahil sa sobrang galit niya.

Napayuko na lamang ang assistant at nagreklamo siya sa kanyang isipan lamang. Wala ka nang ginawa kundi pagalitan ako. Bakit hindi mo pagalitan si Gong Xu huh?

Sa isang kwarto, nakahiga si Gong Xu sa may sofa habang tamad siyang nakikipag-chat sa kanyang mga kaibigan sa WeChat.

[Gong Xu: Mga Bro, paki-repost yun para sa akin! Kailangan kong mahanap ang chicks na iyon!]

[Zhao Ming Zhe: Na-repost ko na, Xu-ge!]

[An Yu Feng: Gaano ka-ganda ba ang babaeng iyon para makuha niya ang kaluluwa ni Lord Gong, gamit lang ang isang kahon ng candied plums!]

[Gong Xu: Kasing ganda niya ang isang diwata!]

[An Yu Feng: G***, mas maganda pa kay Cheng Man Ni, ha?]

[Gong Xu: Magkaibang lebel ang kagandahan nilang dalawa dahil ang babaeng walang makeup, ang aking Little Candied Plum ay katangi-tanging babae na ninakaw ang puso ko!]

[Mo Fei: Ninakaw ang puso… ano bang tinuro sayo ng language teacher mo, huh!"

[Gong Xu: Alan niyo naman ang ibig kong sabihin. Hindi lang maganda ang Little Candied Plum ko, kundi mas matamis pa sa candied plum ang kanyang mga ngiti! Alam kong mas malala ang bugso ng damdamin ko ngayon! Mas mabilis ang tibok ng puso ko noong nginitian niya ako, kumpara sa unang beses kong nakipag-talik!]

At dahil doon, wala nang masabi ang mga tao sa WeChat group...

[Tang Xing Huo: Kalokohan, Gong Xu! Kala ko titigil ka na, matapos kang pagalitan. Pero sa huli, pagkarating na pagkarating mo, gumawa ka pa ng kaguluhan! Ikaw lang ang kilala kong artista sa entertainment industry na malakas ang loob na makipag-landian kung kani-kanino!]

[Gong Xu: Ay, natatakot din ako sa mga mangyayari, okay? Kapag hindi na ako nagpatuloy sa showbiz, uuwi na lang at ipapamana sa akin ang sampung bilyon ng aking pamilya!]

[Tang Xing Huo: ...]

[Mo Fei: ...]

[An Yu Feng: ...bugbugin na natin siya hanggang sa mamatay na ang mokong na ito!]

Nagtsismisan ang grupo ng mga artista at biglang sumulpot ang hindi namamansin na si Han Xian Yu at bigla niyang sinabi——

[Han Xian Yu: Candy Dessert Shop? Nasa baba lang iyon ng apartment ko! Ikaw pala ang gumawa nito!]

[Gong Xu: Ay, Yu-ge, Yu-ge, Yu-ge, sa baba lang ng apartment mo ang shop na iyon? Edi nakilala mo na yung chicks noon?]

Nag-send ng guhit kamay na imahe ng babae si Gong Xu kay Han Xian Yu. Nag-send rin siya ng voice message na sinasabi: [Ang ganda-ganda niya, parang anghel! Parehas sa akin ang mararamdaman mo kapag nakita mo siya sa personal!]

Kumibot ang mga labi ni Han Xian Yu nang makita nita ang guhit kamay na parang kindergarten na bata ang gumawa, at nag-send siya ng voice message: [Sorry, hindi ko pa siya nakita noon.]

...

*tok tok tok* may kumatok sa pintuan ni Gong Xu kaya naantala ang masayang usapan.

*ehem* "Gong Xu, abala ka ba?" Magalang na sinabi ni Zhou Wen Bin, makikita ang pagkakaiba ng ugali niya kapag kausap ang kanyang assistant.

"Ano? May kailangan ka?" halata naman na bad mood si Gong Xu dahil hindi niya mahanap si Little Candies Plum niya.

"Gong Xu, kung gusto mong kumain ng desserts, tawagin mo na lang yung assistant mo para siya ang bumili nito para sa iyo. Bakit bigla ka na lang umalis para bumili - paano kung may masamang tao na nalaman ang pagkatao mo at gumamit siya ng mga taktika para mapalapit sa iyo ha…?" Pinapaisip siya ni Zhou Wen Bin para hindi na siya muling lumabas.

Umikot ang mga mata ni Gong Xu. "Kung sinasadya ni Little Candied Plum na maging malapit kami sa isa't isa, ngingiti ako kahit nananaginip na ako!"

Nabilaukan at walang masabi si Zhou Wen Bin kanina, pagkatapos ay sinabi niya:

"Hehehe, wala pang isang oras ang lumipas at nag-trending kaagad ang post mo! Pero hindi maganda sa reputasyon mo kapag marami kang skandalo. At saka, kaka-break niyo lang ni Cheng Man Ni kaya ang hirap harapin ng mga fans niya dahil sa nangyari sa inyo…"

Pinuri-puri muna siya at binola no Zhou Wen Bin bago siya pumunta sa kanyang pinaka-punto: "Kaya kung makikita mo, hindi ba kailangan mong i-delete ang Weibo post mong iyon?"

avataravatar
Next chapter