1047 Mga basura

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Mga basura," nagtapos si Yamamoto Tsubasa ng may pangangasar sa kanyang mga maya habang tinitingnan niya ang dalawang natalo.

Hindi na naghintay pa si Yamamoto Tsubasa sa salita ng iba at tiningnan niya si Ye Wan Wan, na nakaupo sa upuan ng mga manonood. "Representative ng Si family, plano mo bang umakyat dito o ako ang pupunta diyan para patayin ka sa bugbog?"

Hindi siya pinansin ni Ye Wan Wan at tumayo na lamang ito.

Umalis siya sa lugar ng mg manonood sabay tiningnan niya ang patriarch ng Sun family. "Aalis na ako dahil tapos naman na ang kumperensya."

Halata naman na gustong puntiryahin ni Yamamoto Tsubasa ang Sun family at pumunta siya doon para gumawa ng kaguluhan. Ang mga pribadong problema ng Sun family ay hindi parte ng martial arts conference.

Nakasimangot lamang si Sun Li Zhong at wala siyang sinabi.

"Mr. Mu, inaanyayahan kita na bumisita sa bahay ng Si family kapag may bakanteng oras ka." Tumalikod si Ye Wan Wan upanh tingnan si Master Mu na nasa VIP section.

"Okay, bibisita talaga ako kaoag may oras na ako, Miss Ye," sumagot si Mu Sui Feng.

Tumango si Ye Wan Wan at kinausap niya ang limang guwardiya ng Si family, "Tara na."

Mabilis na sinundan ng mga guwardiya si Ye Wan Wan at handa na silang umalis.

Gayunpaman, mabilis na umalis ng entablado si Yamamoto Tsubasa at hinarangan niya ang daan ni Ye Wan Wan. Tiningnan niya si Ye Wan Wan at ngumisi siya. "Representative ng Si family… mukhang kakaibang uwi ka ng basura, tama ba ako?"

Sumimangot si Ye Wan Wan nang marinig niya ito at sinabi, "Ikaw naman ay isang masagwang basura."

"Ah…? Basura rin pala ako sa pangin mo, huh?" Interesadong sumagot si Yamamoto Tsubasa.

"Umurong ka sa isang gilid, please. May kasabihan ang China, 'Ang mabuting aso ay hindi humaharang sa daan ng iba'. Narinig mo na ba ang kasabihan na ito noon?" Tanong ni Ye Wan Wan.

Pasikretong ngumingisi si Sun Xue Zhen, Qin Ruo Xi at ang iba kay Ye Wan Wan. Gusto na talagang mamatay ng babaeng ito. Naramdaman nilang dalawa mismo ang nakakatakot na kalakasan ni Yamamoto Tsubasa.

Wala talagang takot ang ignoranteng tao!

"Yamamoto Tsubasa, girlfriend lamang ng patriarch ng Si family ang babaeng iyan kahit na siya ang representative ng Si family at wala siyang alam sa martial arts, kaya huwag mo na siyang pahirapan at hayaan mo siyang makaalis," nakasimangot na sinabi ni Sun Li Zhong.

Teritoryo nga naman ito ng Sun family. Mahirap ipaliwanag sa Si family kapag may nangyaring masama kay Ye Wan Wan.

"Ah… hindi niya alam ang martail arts, pero siya ang representative ng Si family… siya pala ang kasinatahan ng walang kwentang miyembro ng Si family… Hahaha…" biglang tumawa at nangasar si Yamamoto Tsubasa.

Kuminang ang mga mata ni Ye Wan Wan na para bang may inis na namuo sa kaninang manhid niya mukha.

Biglang ngumiti si Yamamoto Tsubasa. "Hindi pala importante kahit na hindi mo ako kakalabanin."

Tiningnan niya ang lalaki na nakauot ng puting suit sa likod niya nang sinabi niya iyon.

Lumapit ang lalaking naka-puting suit nang makita niya si Yamamoto Tsubasa.

Nagdala ng dalawang disipulo si Yamamoto Tsubasa at isa sa kanioa ang lalaking nakaputing suit. Siya ay si Kawada, ang isang karate expert.

Tahimik na nilapitan ni Kawada ang mga guwardiya ng Si family.

Biglang sumuntok ng malakas si Kawada.

BANG!

Nahulog sa lapag ang isang guwardiya.

Hindi na nakapag-react ang sinuntok na guwardiya at biglang nanginig na lamang ang buong katawan niya sa sobrang galit.

"Mga basura," mapangutyang sinabi ni Kawada.

"Heh… kapag pinatay ng disipulo ko ang mga taong ito dahil sayo, hindi ba't mahihirapan kang magpaliwanag sa Si family kung bakit nangyari ito, tama?" Masayang ngumisi si Yamamoto Tsubasa.

avataravatar
Next chapter