1118 May tinatagong pamato

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Binitawan na ni Gong Xu ang mga reklamo niya at kumikinang ang mga mata niya na nakatitig kay Ye Wan Wan, tila naghahanap ng pagpupuri sa kanyang manager. "Ano pa? Sabihin mo sa akin, Brother Ye. Gaano ako ka-gwapo? Sa paanong paraan?"

May iniisip na tamang salita si Ye Wan Wan na maglalarawan kay Gong Xu bago siya sumagot, "Hm… ikaw ay parang aso noon, pero ngayon… ikaw ay isa nang lobo."

Nainis si Gong Xu sa sinabi ni Ye Wan Wan. "Wuuu, Brother Ye, bakit mo ako inaasar ng ganito…"

Walang masabi si Ye Wan Wan. "Pinupuri kita! Bakit hindi mo pansinin ang pinaparating ko?"

Agad na nagtanong si Gong Xu, "Paano pala si Luo Chen? Ano nang masasabi mo kay Luo Chen ngayon?"

Napaisip muna si Ye Wan Wan bago sumagot, "Luo Chen… hindi kasing katumbas mo ang pagbabago niya!"

"Hahaha… sabi na eh!" Biglang tumawa ng malakas si Gong Xu.

Wala na namang masabi si Ye Wan Wan kay Gong Xu. Bakit kinatutuwa niya pa ang malaking pagbabago niya?

Hindi ba't ibig sabihin nito ay masamang tao siya noon?

Ang kuntentong si Gong Xu ay natuwa na naman sa ilang mga salita ni Ye Wan Wan.

Tiningnan ni Ye Wan Wan ang oras sa kanyang phone pagkatapos niyang magsalita. "May gagawin ako ngayong hapon kaya mauuna na akong umalis! Siguraduhin niyong magsisikap kayo sa mga nahuhuling mga araw niyo dito! Magiging abala ako sa mga darating na araw kaya kung may kailangan kayo, tawagan niyo si Jia Wen!"

Nginatngat ni Gong Xu ang chopsticks niya at umirap siya. "Oh…"

Pagkaalis ni Ye Wan Wan, biglang hinila ni Gong Xu si Luo Chen na nasa tabi niya. "Hoy gunggong, hindi mo ba napansin?"

"Ano?" Wala nang pasensya si Luo Chen kay Gong Xu habang nakatingin siya dito. Kakaiba ang inaakto ni Gong Xu ngayon.

"Parang may mali kay Brother Ye. Lagi na lang siyang umaalis kaagad na parang nagmamadali siya sa mga ginagawa niya, sa tuwing pumupunta siya dito sa atin. Parati na lang ang nakasunod sa kanyang lamok ang nag-ma-manage sa atin. Maliban sa ating dalawa, kanino pa kaya nagiging abala si Brother Ye?"

Napakunot si Luo Chen. "Anong sinasabi mo?"

Biglang dumilim ang paningin mi Gong Xu. "Suspetya ko… may tinatagong pamato si Ye Bai sa likod natin…"

Luo Chen: "…"

Sa mga ganitong pagkakataon, saktong-sakto ang mga prediksyon ni Gong Xu.

Karamihan ng oras ni Ye Wan Wan ay nilalaan niya kay Jiang Yan Ran, habang nagsasanay sila Gong Xu at Luo Chen...

Lumipas ang isang linggo.

Natapos na ang pagsasanay nila Gong Xu at Luo Chen. Nagsimulang mag-shooting muli para sa pelikula ang stationary team ng A Life and Death Struggle.

Pagkabalik nila galing pagsasanay, makikita na mas marami ang musles ngayon ni Luo Chen at nakita ng lahat ang pagbabago. Si Gong Xu naman… hindi masyadong kita ang pagbabago sa kanya.

Sa ilalim ng arawan, mukhang lalong nangitim si Luo Chen at si Gong Xu naman ay namumutla pa rin tulad ng dati. Gayunpaman, mas lalong mataas ang enerhiya niya ngayon.

Baka maisip pa nga ng iba na galing siyang bakasyon.

Umarte na parang young master si Gong Xu. Nakaupo siya habang nagse-selfie at inutusan niya pa si Dong Zai na mag-order ng tanghalian at hapunan niya. Pagkatapos ay pasikreto niyang inabuso ang kabaitan ni Jia Wen dahil nautusan niya itong bumili ng mga pagkain niya...

Nag-aalala ang buong production team at gayundin si Liu Qing, nang makita nila ang ugali ni Gong Xu.

"Chairman Ye, ngayon na natapos na ang pagsasanay, dapat mahusay na sila sa performance nila, kaya gusto kong i-film ang mga mahihirap na eksena muna. Ano sa tingin mo, Chairman Ye?" Tanong ni Director Liu Qing.

"Okay lang iyon." Sa puntong ito, magkaparehas na ng iniisip si Ye Wan Wan at Liu Qing.

Sinuri ni Liu Qing ang script at nagsalita siya ng malakas, "Ang unang eksena ngayong araw ay mas matindi. Ito ang eksena na kakalabanin ni Gong Xu ang kanyang kalaban. Kakapasok lang ng compound ni Xue Shao Yang at ang ugali niya ay playboy pa rin. Ayaw niyang mag-aral ng panibagong mga bagay hanggat makarating siya sa kanyang breaking point, kaya magbabago ang kanyang ugali at mag-iiba ang pananaw niya sa kanyang propesyon."

avataravatar
Next chapter