1101 May tinatagong babae sa loob?

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Ano pala ang kailangan kong paghandaan ngayon?" Kabadong tinanong ni Jiang Yan Ran.

"Ibibigay ko ang impormasyon mo sa crew para matulungan ka niyang mag-rehistro. Wala ka namang pro-problemahin sa pag-rehistro para sa auditions, maganda naman ang mga grado mo sa Imperial Films. Pagkatapos ay ibibigay ko sayo ang script at ang impormasyon na kaugnay sayo para aralin ito ng maayos. Hindi ka naman siguro mahihirapan sa pagsayaw, kailangan mo lang mag-ensayo pa ng kaunti," utos ni Ye Wan Wan.

Tumango si Jiang Yan Ran. "Sige, naintindihan ko!"

"Galingan mo at huwag kang kabahan! Okay lang kahit hindi ka makapasa. Isipin mo na lang na magandang experience ito para sayo."

"Okay!"

Pagkatapos nilang asikasuhin ang kanilang tungkulin sa araw na iyon, nagsimula na si Ye Wan Wan ng maghanda at mag-ayos ng mga kailangan ni Jiang Yan Ran sa kanyang audition.

Tulad ng inaasahan, naging maayos ang pag-re-rehistro nila, at agad siyang nakatanggap ng kumpirmasyon sa crew sa lugar at oras na gaganapin ang audition at nagpadala rin sila ng simpleng script at ilang impormasyon na kaugnay doon.

Sinuri ni Ye Wan Wan ang lahat ng dokumento hanggang sa maging seryoso ang kanyang itsura. Ang pangalan ng female protagonist ng Jasmine ay Lin Mo Li, at hindi simple ang karakter ni Lin Mo Lin. Sa una, siya ay isang walang muwang na batang babae, ngunit pagkatapos ng giyera, nawala ang kanyang memorya sa kasagsagan ng kaguluhan kaya naging panibagong tao siya...

Ang mahirap doon sa istorya ng pelikula ay noong nawalan ng memorya si Lin Mo Li, at nagkaroon ng komplikadong emosyonal na kaguluhan dahil sa dalawang memorya na pilit na naglalaban sa isa't isa.

Mukhang kailangan niyang gugulin ang kanyang oras para pag-aralan ito. Plinano ni Ye Wan Wan na maghanap ng ilang mga pelikula na parehas sa pelikulang iyon upang maging basehan niya, bago niya kunin at tulungang maghanda si Jiang Yan Yan.

Sa mga nakaraang araw, naghanda si Ye Wan Wan para sa Jasmine audition. Maayos naman ang kalagayan nila Gong Xu at Luo Chen, maliban na lang sa demonyo ni Gong Xu na umaaligid kay Ye Wan Wan kada limang minutos.

Malalim na ang gabi, sinilip ni Ye Wan Wan ang oras sa kanyang phone at bigla siyang napakunot.

Hindi pa umuuwi si Si Ye Han.

Mukhang abala nitong mga nakaraang araw si Si Ye Han. Ayaw niya na sanang abalahin pa si Tang Tang at Ye Wan Wan dahil abala siya tuwing gabi, kaya tumitira na lamang siya sa Jin Garden nitong mga nakaraang araw.

Hay… bumalik na naman siya sa dating gawi niya kung kailan maayos na ang kalagayan niya...

Hinalikan ni Ye Wan Wan ang noo ni Tang Tang bago siya tumayo at magpalit.

Hindi matahimik ang kanyang kaisipan, kaya naisipan niyang magmaneho patungo sa Jin Garden.

Sa isang saglit, dumating na ang kotse sa entrance.

Sa ilalim ng dilaw na buwan, nakita ni Ye Wan Wan na ang mga bulaklak, prutas at mga gulay ay namumunga ng maayos, maaamoy ang kanilang halimuyak sa ere.

Namumunga sila ng maayos at binibigyan nila ng buhay ang eleganteng villa kahit na hindi naman ito bagay sa lugar na iyon.

Sinikipan ni Ye Wan Wan ang kaniyang jacket bago siya pumunta sa harapan ng pintuan.

Nag-iba ang itsura niya nang makalapit siya sa may pintuan, kaya bigla siyang napahinto.

Maliban sa mahalimuyak na amoy na nanggaling sa mga halaman sa garden, may naaamoy siyang bakas ng amoy kalawang sa ere sa tuwing papalapit ng papalapit siya sa pintuan...

Amoy ito ng dugo...

Makikita ang mukha ni Xu Yi na nagbabantay sa harapan ng pintuan, nang makita niya si Ye Wan awan. "Miss… Miss Wan Wan… bakit nandito ka?!"

Naramdaman ni Ye Wan Wan na parang may mali sa itsura ni Xu Yi kaya kataka-taka niyang sinabi, "Bawal ba ako dito?"

Anong ginagawa ni Si Ye Han sa loob ng gabing gabi na, habang si Xu Yi ay nagbabantay sa harap ng pintuan?

Agad na sumagot si Xu Yi, "Hindi po, ang ibig kong sabihin ay gabi na kasi, bakit pumupunta ka pa dito ng ganitong oras? May kailangan ka bang gawin…"

"Nag-aalala lang ako sa kanya. Nag-aalala ako na baka kalimutan niya na naman ang kalusugan niya sa tuwing nagiging abala siya," sabi ni Ye Wan Wan habang naglalakad siya patungo sa loob ng bahay.

Gayunpaman, kusang umabante si Xu Yi para harangan siya. "Saglit lang, Miss Wan Wan…"

Tumaas ang kilay ni Ye Wan Wan nang makita niya ito. "Steward Xu, bakit parang may ginawa kang mali? May tinatago bang babae si Si Ye Han sa loob?"

avataravatar
Next chapter