925 May narinig ka ba na tinawag siyang "mommy"?

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Makikita ang pagkatuso sa mga mata ni Ye Wan Wan. "Edi demandahin nila tayo. Inaalala ko pa nga na baka hindi nila gawin iyon!"

Bilang paghahanda sa araw na ito, umasa si Ye Wan Wan sa kanyang memorya na isulat ang buong script at intindihin ito agad. Maraming oras ang ginugol niya para ipaaral kay Gong Xu at Luo Chen ang script at ginawa niya pang presentable si Gong Xu sa harap ng mga tao...

Nagtrabaho ng maigi si Ye Wan Wan at naghukay siya ng malalim na hukay. Kung hindi sila sasama na tumalon sa loob ng hukay, hindi ba't masasayang lang ang lahat ng pinaghirapan niya?

"Huh? Inaasahan mo talaga na sana demandahan tayo ng Emperor Sky? Ano ang ibig mong sabihin?"

Naguguluhan si Ye Mu Fan. Natatakot siya na baka hindi naiintindihan ni Ye Wan Wan kung gaano ka-seryoso ang sitwasyon na kinalalagyan nila, kaya nagpaliwanag kaagad siya. "Yung tuso na iyon na si Tan Zhen Xin. Naka-rehistro na sa pangalan niya ang script bago pa ito angkinin ni Xu Lin."

"Malaking problema ito sa atin dahil walang kongkretong ebidensya si Xu Lin na pagmamay-ari niya talaga ang script na iyon. Matatalo tayo kapag dinemanda nila tayo…"

Bago pa makapag-paliwanag sa kanga si Ye Wan Wan, maririnig ang batang boses na nanggaling sa may pintuan—

"Mommy…"

Nagising na si Nie Tang Xiao at hinahanap siya nito.

Narinig ni Ye Mu Fan ang batang boses na nanggaling sa panig ni Ye Wan Wan at siya ay nabigla. "Ye Wan Wan! Anong nangyayari?! Nasaan ka, anong ginagawa mo at sino ang kasama mo? Bakit may narinig ako na tinawag kang 'mommy'???"

Muntikan nang mabingi si Ye Wan Wan sa kakasigaw ni Ye Mu Fan. Tinakpan niya ang mikropono ng phone at kinausap niya si Nie Tang Xiao, "Saglit lang, Tang Tang. May kausap sa phone si mommy!"

Pumunta sa balkonahe si Ye Wan Wan at sinigurado niya na hindi maririnig ng bata ang usapan nilang dalawa.

"Kumalma ka nga?"

Nagalit si Ye Mu Fan. "Paano ako kakalma?! Sabihin mo nga sa akin ang totoo, Ye Wan Wan - nagkaroon ka ba ng anak sa masahol mong boyfriend?"

Walang masabi si Ye Wan Wan. "Menopause ka na ba? Napakabagsik ng imahinasyon mo!"

Bumulong si Ye Mu Fan, "Binangungot ako kagabi…"

Ye Wan Wan: "Ano yung bangungot mo?"

Ye Mu Fan: "Napanaginipan ko na may anak na raw kayo ng masahol kong boyfriend at ang edad nito ay limang taong gulang na. Basang basa ako ng pawis sa sobrang takot ko…"

Hindi alam ni Ye Wan Wan kung ano ang sasabihin niya. "Ilang taon ba ako noong limang taon na nakalipas? Masama ba talaga ako noon?"

Ye Mu Fan: "Ano ba talaga iyon?"

Sinagot na lamang niya si Ye Mu Fan, "Oo, may bata akong kasama ngayon, pero siya ang pamangkin ng kaibigan ko. Nakakaawa nga siya eh - iniwan siya ng mga magulang siya noong sanggol pa lang siya at ilan taon niya nang hinahanap ang mga ito. Napansin ng kaibigan ko na malungkot ang bata kaya gusto niya akong magkunwari na maging nanay ng batang ito nang panandalian lamang…"

Ye Mu Fan: "Ye Wan Wan… ginugulo mo yata ang utak ko… sino naman ang makakaisip nang nakakatawang ideya na iyan? Paano ka magkukunwaring nanay ng isang bata?"

Alam naman ni Ye Wan Wan na nakakatawa talaga ang ideya na ito, ngunit pinamukhang nakakatakot ni Nameless Nie si Nie Tang Xiao at nakasalalay raw ang buhay niya dito, kaya sumang-ayon na lamang si Ye Wan Wan. Hindi niya alam na tumalon siya sa sarili niyang hukay...

Napaka-masunurin ni Tang Tang...

Ye Wan Wan: "Ito ang katotohanan. Bakit naman ako magsisinungaling sayo? Kapag nagka-anak kami ng boyfriend ko, siya ang magiging pinaka-cute na bata sa buong daigdig. Malamang ipagmamayabang ko siya sa buong mundo! Bakit ko siya ikakahiya?"

Ye Mufan: "…"

May sasabihin ako at gusto kong maging totoo ka sa akin. Huwag mo akong pakainin ng pagkain ng aso dahil nagtatalo lamang tayo, salamat ng marami...

avataravatar
Next chapter