432 May mga problema ka pa ba?

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Nangalit ang mga ngipin ni Si Ming Li. "Base sa patakaran ng pamilya ang desisyon ng master. Hindi ako maglalakas loob na tumutol.

Madilim ang itsura ni Si Ming Li at masama ang tingin niya kay Ye Wan Wan.

Bwisit ang babaeng 'to, talagang dinulot niya pang mapunta ako sa lagay na 'to!

Matalas na sabi ni Si Ming Li, "Master, ayos lang kung gusto mo akong parusahan, pero saksi ang langit at lupa sa pagiging matapat ko sa mga Si! Kahit na parusahan mo 'ko, kailangan pa din natin tignan ang babaeng 'to! Kahit papano ay may matibay akong ebidensya nang pinaghinalaan ko si Xu Yi, pero gamit lang ng babaeng ito ang mga salita niya - hindi tayo pwedeng umasa sa mga salita niya lang!"

"Malay ba natin na totoo ang ispya o hindi? Paano kung galing talaga siya sa Murderous Blood Gang?"

"Siya ang future mistress ng bahay. Sa ganyang estado, kung ispya talaga siya ng Murderous Blood Gang, hindi mo lubos maisip ang kalalabasan nito! Master, pakiusap tignan mo ang mas makakabuti!"

Nang masabi iyon ni Si Ming Li, nagkatinginan ang mga matatanda at marahang nagbigay ng opinyon.

Sa totoo lang, hindi naman sa hindi makatwiran ang mga hinala ni Si Ming Li...

Matigas ang itsura ni Si Ming Rong - pumayag siya sa pagpasok ng babaeng 'to para sa imbestigasyon para sa kaligtasan nila.

Nag-umpisa ng mataranta sina Xu Yi at Xu Chang Kun ng mapanood ang sitwasyon.

Itong Si Ming Li na 'to! Sinusubukan niyang makulong si Miss Wan Wan at ayaw pa siyang pakawalan!

Kung gusto ni Master na protektahan si Miss Wan Wan, wala nang magagawa pa si Si Ming Li ddo. Pero para magawa 'yon, kung taliwas pa din iyon sa kagustuhan ng lahat, at mapapahamak pa din si Miss Wan Wan...

Marahang tumatapik sa may sofa ang mahahaba at mapapayat na daliri ni Si Ye Han. "Ang ibig sabihin ng fourth great uncle na ispya si Ye Wan Wan ng Murderous Blood Gang sa mga Si at niligtas niya ako para makuha ang tiwala ko?

"Tama! Tutal ang motibo ng babae ay hindi ipapatay ang master, kumukuha yata siya ng intel at makakakuha lang siya ng intel sa pagkuha ng tiwala ng master!" tiyak ang tono ni Si Ming Li at tinignan ng masama si Ye Wan Wan na may intensyon na pagpatay sa kanyang mga mata.

Bata lang siya, madali lang para sa 'kin na maligpit siya!

"Wan Wan…" biglang sumulyap si Si Ye Han kay Ye Wan Wan at sabing, "Nasaan yung gamit?"

Gamit? Anong gamit?!

Nang marinig iyon, tumingin ang lahat kay Ye Wan Wan. Pati si Xu Yi ay naguguluhan din.

Napakurap si Ye Wan Wan, at masunuring hinalungkat ang bag at nahanap ang kulubot na mga dokumento...

"Ipakita mo kay fourth great uncle." mahinang ngiti ni Si Ye Han.

Agad namang binigay ni Ye Wan Wan ang mga dokumento kay Si Ming Li.

Malamig na tumingin si Si Ming Li sa kanya habang kinuha ang mga dokumento. Nang makita ang unang pahina, nagdilim bigla ang kanyang mukha. Nang nilipat niya ang pahina, tuluyan ng nagdilim ang mukha niya.

"Ito… ito… hindi ba ito ang highly classified na impormasyon at ang draft ng kontrata para sa proyekto…" nagbago ang itsura ni Si Ming Li.

Talagang binigay ni Si Ye Han ang importanteng dokumento sa babaeng 'to para ingatan?!

Nang marinig ng lahat 'yon, gulat na nagkatinginan ang lahat.

"Ano… classified na impormasyon sa energy project…?"

"Kahit na yung draft ng kontrata…"

"Ito… masyadong nagtitiwala ang master sa babaeng 'to, huh!"

Gaano mo pinagkakatiwalaan ang tao na ipatago sa kanya ang importanteng dokumento!

Base sa pagtitiwala na mayroon si Si Ye Han sa babaeng 'to, bakit naman siya aakto ng ganito para makuha ang tiwala niya? Hindi ba kalokohan 'to?

Malamyang sinabi ni Si Ye Han, "Ngayon, fourth great uncle, may problema ka pa ba?"

Madiin ang paghawak ni Si Ming Li sa mga dokumento at muntik ng mahimatay sa kakapusan ng hininga. Maya-maya, nagawa niya na lang magsalita na may pamumula sa kanyang mukha, "Wala… wala…"

avataravatar
Next chapter