1120 May mali sa utak niya

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Sinubukan muli ni Gong Xu.

Mas maganda ang performance ni Gong Xu kumpara sa performance niya kanina pero hindi ito sapat sa ekspektasyon ni Ye Wan Wan. Nararamdaman niya na parang may kulang.

Umaasa siya na sana maipakita ni Gong Xu ang galit at mabagsik na pananaw ng karakter niya kaysa sa kalaban niya na kabaliwan ang pinapakita!

Ayaw nang gawin ni Gong Xu ang fight scene pagkatapos ng ilang takes. "Mabagsik naman na ako! Paano ba ako babagsik pa?! Sobrang na ang pagka-bagsik ko!"

Nanahimik ng panandalian si Ye Wan Wan at bigla niyang tinawag si Gong Xu. "Halika dito."

"Uh…" biglang lumapit sa kanya si Gong Xu.

Inisip muna ni Ye Wan Wan ang sasabihin niya bago niya kausapin si Gong Xu, "Ipikit mo ang mga mata mo at pakinggan mo ako. Isipin mo na nasa training camp ka, sa loob ng kagubatan. Isang cracker lang ang meron ka at kailangan mong mabuhay ng isang buwan. Umabot ka na sa 29th day at handa ka nang kainin ang nag-iisang cracker na meron ka, pero sa oras na iyon, ninakaw ng kalaban mo ang cracker mo. Ngayon, anong gagawin mo?"

Gong Xu: "Papatayin ko siya!!!"

Ye Wan Wan: "... Sige."

Sa pagkakataon na ito, perpekto ang performance ni Gong Xu.

Retiradong sundalo ang aktor na kalaban ni Gong Xu. Sa mga nakaraang takes, pinipigilan niya pa ang sarili niya para kay Gong Xu, ngunit ngayon, hindi na siya nagpigil kay Gong Xu.

"Cut! Mahusay! Perpekto ang kontrok ng mga emosyon niyo!" Nalulugod si Liu Qing.

Ngumiti si Ye Mu Fan. Nagtaka siyang nang tanungin niya si Ye Wan Wan, "Anong sinabi mo sa bratinelong iyon? Mukhang muntikan na siyang mabaliw!"

Ye Wan Wan: "Wala naman. Sinabi ko lang sa kanya na isipin niya kung anong mararamdaman niya kapag ninakaw ang huling cracker niya."

Lumaki ang mga mata ni Ye Mu Fan. "May sira ba ang utak niya?"

Ye Wan Wan: "Ngayon mo lang nalaman?"

Ye Mufan: "…"

Ang pangalawang eksena ay isang labanan na papalapit na sa dulo ng pelikula.

Sa huli, si Xu Sho Yang na isang mapaglaro, duwag, manhid at mapagsariling tao ay nagpakamatay upang iligtas ang isang batang babae.

Marami nang pinagdaanan si Shen Yue at Xue Shao Yang kaya tinuring na niyang tunay na kapatid si Xue Shao Yang. Sa eksenang ito, lubhang kalungkutan ang nararamdaman ni Shen Yue habang hawak niya ang katawan ni Xue Shao Yang.

Si Luo Chen ang bida sa eksenang ito.

Isang take lang ang kailangan ni Luo Chen para sa eksenang ito.

"Cut! Pasado! Napakahusay!" Sumigaw si Liu Qing at nagpalakpakan ang lahat.

Nag-bow si Luo Chen habang tinatanggal niya ang kalungkutan sa kanyang mukha.

Talentado si Luo Chen kaya natural ang pagkaka-arte niya sa kanyang eksena...

Tiningnan ni Ye Wan Wan si Luo Chen, siya ay parang isang nanay na pinapanood ang tumatanda niyang anak.

God-like anv improvement ni Luo Chen sa kanyang acting!

Naiinis na bumulong si Gong Xu, "Hmph, napaka-peke. Makikita naman na acting lang iyon! Malakas na palakpakan siguro ang maririnig kung namatay ako!"

Ilan sa mga importanteng eksena ng pelikulang ito ay natapos ng walang problema dahil sa mabilis na pagtutulungan ng bawat isa sa production cast, kaya pwede na silang mag-relax.

Ito ay tulad ng isang kasabihan na "a beard lathered is half shaved." Ang ibig sabihin nito ay hindi nasayang ang oras nila sa espesyal na pagsasanay.

Lumipas ang ilang araw at sumunod na ang isang mahirap at abalang skedyul ng filming.

Natapos na nila ang kalahati ng inaasahan nilang oras para sa filming dahil maayos at walang naging problema sa filming process.

Pagkatapos ng filming, nautusan ni Ye Wan Wan si Jia Wen na magpa-reserba ng pribadong kwarto ng bangkete para sa cast at crew.

Pagkarating ni Gong Xu noong gabing iyon, nagsimula siyang magreklamo.

"Brother Ye, hahayaan ko sana kung isang regular na araw lang ito, pero espesyak na araw ito kaya kailangan mong uminom ng kahit isang baso lamang!"

Pagkasabi niya nito, biglang niyang sinali si Luo Chen sa usapan, "Hoy, gunggong, sumasang-ayon ka ba sa sinasabi ko?" 

Luo Chen: "Hindi."

Gong Xu: "F*ck! Traidor! Hindi ba't sinabi ko sayo na magkapatid tayo?!"

Inirapan ni Ye Wan Wan si Gong Xu. "Saglit lang. Kailangan kong tumawag."

"Huy, saglit. Iinom ka ba o hindi? Brother Ye, hindi mo pa rin ako sinasagot!" Sabi ni Gong Xu.

Inangat ni Ye Wan Wan ang kanyang phone. "Kailangan kong makahingi ng permiso kung papayagan ba akong uminom o hindi."

Gong Xu: "…"

avataravatar
Next chapter