355 May mahal na akong iba

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Mas matapang ang awra ni Ye Wan Wan kaysa kay Ye Yiyi; bagamat ang kalmado at mahinahon niyang ekspresyon ay parang ama ng tahanan.

Pagkatapos niyang makipagpalitan ng may respetong pakikipag-batian, sa wakas ay sinabi na niya ang gusto niyang ipunto. "Gagamitin ko ang pagkakataon na ito kung saan andirito ang lahat ng kaibigan at pamilya ko, gusto kong gamitin ang kakaunting oras niyo dahil may anunsiyo ako!"

May anunsiyo siya?

Binalot ng bulungan ang buong hall, inaalam nila kung ano ang binabalak ni Ye Wan Wan.

Sa puntong iyon, tinawag ni old master si housekeeper Huang Ming Kun para maghanda siya sa mga magaganap.

Nanlaki ang mga mata ni Ye Wan Wan nang makita niya si Huang Ming Kun, nakita niy na may tinawag itong mga gwardya para maghintay sa mga susunod na mangyayari.

Tinitigan ni Ye Mu Fan ang pangyayari sa entablado nang ilagok niya mabilisan ang isang buong glass ng wine.

Sa isang saglit, may malinaw na mala-musika na boses ang bumalot sa buong paligid——

"Alam naman ng lahat na may engagement kami ng chairman ng Gu Group na si Gu Yue Ze."

Nang marinig ito ng lahat, inantabay nila ang mga susunod na sasabihin ni Ye Wan Wan dahil alam nila nilang may ilalalim pa ito.

"Ipapakita niya kaya… ang kapangyarihan ni Ye Wan Wan? Mapapa-suko niya kaya si Gu Yue Ze?"

"Wala nang pakialam si Gu Yue Ze sa kanya at naglalakad pa nga si Gu Yue Ze at Ye Yiyi na parang mag-asawa. Paanong hindi mababahala si Ye Wan Wan? ."

"Malalang sitwasyon ito kay Ye Shao Ting--tinaboy siya ng sarili niyang pamilya at marami siyang utang na kailangang bayaran, kaya umaasa si Ye Wan Wan sa iisang tao na mag susuporta sa kanya, si Gu Yue Ze!"

Nagpatuloy na magsalita ang babae sa entablado habang pinagbubulungan siya ng lahat, "Pasensya na sa inyong lahat, pero gusto kong ianunsyo sa inyo na, ako si Ye Wan Wan, ay hinhinto ang engagement namin ni Mr. Gu Yue Ze!"

Sa huling salita ni Ye Wan Wan, binalot ng nakakabaliw na katahimikan ang buong hall na maririnig kahit malaglag ang isang maliit na perdible.

Walang reaksyon ang lahat sa sinabi ni Ye Wan Wan...

Pagkatapos ng napakatagal na oras, ang kaninang tahimik na hall ay napuno ng reklamo at ingay ng mga tao.

"Anong sinabi ni Ye Wan Wan? Ititigil niya ang kasalan? Baliw na ba siya?"

"Parang tsuwing gam si Ye Wan Wan na laging nakadikit kay Gu Yue Ze, bakit bigla niyang pinapahinto ang engagement?"

"Kasinungalingan ang sinasabi niya! Walang katotohanan ang sinasabi niya…"

...

Namutla ng sobra ang mukha ni Gu Yue Ze habang nakatayo siya sa entablado.

Nagsarili na si Ye Wan Wan na ipatigil ang engagement naming dalawa?

Naunahan siya ni Ye Wan Wan na sabihin sa lahat kahit handa na siyang aminin ang issue nila sa publiko, mukha tuloy siyang binasted ni Ye Wan Wan...

Nabahala si Gu Yue Ze kaya bigla niyang hinablot ang wrist ni Ye Wan Wan. "Anong sinabi mo Ye Wan Wan?!"

Tila walang reaksyon ang mukha ni Ye Wan Wan, sumagot siya ng walang pakialam, "Naiintindihan ko na nagagalit ka Mr. Gu pero pasensya na, wala talaga akong nararamdaman para sa iyo. Pwede bang magkaroon ka ng dignidad sa sarili? 'Wag kang gumawa ng eksena sa harap ng mga bisita."

Naglakbay ang bawat salitang sinambit ni Ye Wan Wan sa mikropono sa lahat ng bisita na nandoon.

"Ikaw…"

Gumagawa ako ng eksena?

Bumigat ang paghinga ni Gu Yue Ze dahil sa sobrang galit niya, "Kaya pala hindi mo na ako sinasakal para mahulog ulit ang puso ko sayo, tama? Masyadong mataas ang tingin mo sa sarili!"

Tinanggal ni Ye Wan Wan ang kanyang braso sa pagkakahablot at walang pakialam niyang sinabi, "Mr. Gu, pasensya na pero mukhang ikaw ang mataas ang tingin sa sarili. Wala na akong nararamdaman para sayo--may mahal na akong iba."

Nakakapagtaka na sobrang kalmado ang ekspresyon ni Ye Wan Wan; wala siyang reaksyon habang tinitignan niya ang mata ni Gu Yue Ze, kaya nakita ng lahat na totoo ang sinasabi niya at hindi ito peke.

"May mahal nang iba…" biglang may naisip si Gu Yue Ze sa sinabi ni Ye Wan Wan kaya biglang nanigas ang kanyang mukha.

Hindi kaya si...

Tiningnan ni Ye Wan Wan ang mukha ni Gu Yue Ze at sinabi, "Mr. Gu, sino ang naisip mo? Kilala mo na siya noon palang, kaya hindi mo siguro pipilitin na sabihin ko ang pangalan niya sa harap ng mga bisita natin."

Pagkatapos magsalita ni Ye Wan Wan, biglang nag-blink ang phone niya at notification ito galing sa Weibo.

avataravatar
Next chapter