1055 May lugar ba talagang tulad nito?

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Saglit lang, Miss Ye!"

Biglang tinawag ni Mu Sui Feng si Ye Wan Wan upang tumigil siya sa may main entrance.

Huminto si Ye Wan Wan. "Mr. Mu?"

Nagdalawang isip pa muna si Mu Sui Feng bago siya magtanong, "Miss Ye, hayaan mo ako tanungin kita kung alam mo ba ang… Martial Arts Union?"

Nagtaka si Ye Wan Wan. "Martial Arts Union? Hindi ko alam yun…"

Walang napansin na pagsisinungaling si Mu Sui Feng sa mukha ni Ye Wan Wan, kaya sinabi niya, "Nakita ko na talentado si Miss Ye at kakaiba ang pagiintindi mo sa martial arts, kaya naisip ko na baka miyembro ka ng Martial Arts Union…"

"Ang Martial Arts Union ba ay… isa organisasyon tulad ng martial arts association?" Interesado si Ye Wan Wan nang tinanong niya ito.

Biglang bumalik sa nakaraang ala-ala si Mu Sui Feng nang marinig niya ang sinabi ni Ye Wan Wan. "Nasa ibang lebel anh Martial Arts Union kaysa sa ordinaryong martial arts association. Narinig mo na ba ang tinatawag na Independent State, Miss Ye?"

"Independent State…" umiling si Ye Wan Wan. "Hindi ko alam iyon."

Wala siyang alam tungkol sa mga binabanggit ni Mu Sui Feng. Gayunpaman, kakaiba ang kanyang naramdaman noong narinig niya ang mga salitang "Martial Arts Union" at "Independent State."

"Anong klaseng lugar ang Independent State?" Interesadong tinanong ni Ye Wan Wan.

Tiningnan ni Mu Sui Feng ang kalangitan at makikita ang paghahangad sa kanyang itsura. Sumagot siya kay Ye Wan Wan, "Ilang daang taon na ang nakalipas, may kasabihan noong kasagsagan ng martial arts culture sa China: 'Naging iskolar ang mga mahihirap habang ang mayayaman ay naging martial artists'."

"Sa panahong iyon, halos lahat ng mayayamang pamilya ay may kayayahan sa militar at nakakuha sila ng mga karangalan sa military. Kaya maraming mayayamang pamilya ang masagana sa teknik ng martial arts at pagpapatay ng tao. Gayunpaman, habang lumilipas ang panahon, unti-unti nilayo ng mga mayayamang pamilya ang sarili nila sa pakikisanib sa nga tungkulin ng militar. Ang tunay na paraan ng mga Chinese sa pagpatay at ang teknik ng martial arts ay unti-unting nawala."

"Ang mga naiwang martial arts techniques na ginagamit ngayon ng mga mayayamang pamilya tulad na lamang ni Sun Li Zhong ay ang pinaka-simpleng bersyon ng techniques noong ilang daang taon na lumipas…" huminto muna si Mu Sui Feng bago siya magpatuloy, "Gayunpaman, may lugar pa rin na may nilalaman na totoong nakatagong mga clans at eksperto ng martial arts."

Mabilis na nagtanong si Ye Wan Wan, "Iyon ba ang Independent State na sinabi mo kanina, Mr. Mu?"

Tumango si Mu Sui Feng at sinabi, "Tama ka."

"Saang siyudad ang Independent State? Bakit hindi ko pa naririnig ang tungkol doon?" Hindi naintindihan ni Ye Wan Wan ang sinabi ni Mr. Mu kaya nagtanong siya.

Sumagot si Mu Sui Feng, "Ang orihinal na pangalan ng Independent State ay Tefra State at ito ay matatagpuan sa Northern Europe. Hindi ito isang siyudad bagkus isa siyang state na ginawa ng maraming siyudad. Hindi siya kasama sa limang bansa na nabibilang sa Northern Europe at wala siyang kinabibilangan na organisasyon sa mundo. Ito ay isang independent administrative region, kaya ang tawag dito ay Independent State."

"Bago ang Middle Age, ang Independent State ay isang pinabayaang rehiyon hanggang sa nilaganap ng isang Chinese martial arts na eksperto ang kanyang mahusay na pamamaraan ng pagpatay at ang kanyang martial arts techniques sa mas mataas na kaledad. Lalong lumakas ang Independent Statw dahil dito. Hawak pa rin ng ilang tagong clans ang napakalakas na kaoangyarihan kahit na hindi na ganoon ka-kilala ng mga tao ang Independent State."

Nagpatuloy si Mu Sui Feng: "Ginagalang ng Independent State ang martial arts. Ito ang pinaka-mayamang lugar para sa kultura ng martial arts ng China kahit na nasa Northern Europe ito. Ang mga taong tulad ni Wolf King Senny at Sun Li Zhong ang ilan sa mga namumuno sa Independent State."

Binalot ng pagkamangha si Ye Wan Wan habang nakikinig siya at sabik siyang nagtanong, "May lugar ba talagang tulad nito?"

Natuwa si Mu Sui Feng sa pinakitang interes ni Ye Wan Wan sa sinasabi niya, "Totoo nga ito, ngunit kakaunting tao lamang ang nakakaalam tungkol dito. Nasa Independent State ang headquarters ng Martial Arts Union."

avataravatar
Next chapter