743 May i-lehitimong anak ka ba?

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Paano mo nasabi 'yan, Famous Ye?!" umikot ng 180-degree ang ugali ni Nameless Nie at pilit siyang ngumiti sa harap ni Ye Wan Wan. "Sa ibang tao lang umaayon ang patakaran namin at hindi sayo, Famous Ye. At tsaka, hindi labag sa patakaran namin ang pagiging bodyguards dahil hindi naman kami magiging bayolente, tama?!"

Deboto: "..."

Spray of Flowers: "…"

Dayuhan na tagabuhat ng bricks: "..."

Gwapong taong yelo: "?"

Ngumiti si Ye Wan Wan at tiningnan niya si Nameless Nie. "Hindi. Para bang pinepwersa ko kayong lahat. At tsaka, labag sa prinsipyo niyo ang pagiging bayolente."

"Hindi, hindi sa ganoon! Hindi mo kami pinepwersa!" Paulit-ulit na umiling ang ulo ni Nameless Nie. "Pumapayag kami na maging bodyguards mo, Famous Ye. Ikaw na nga ang umatupag ng plane tickets at pagkain namin… saan pa kami makakahanap ng trabahong ganito, huh?"

"Talaga?" Ngumiti si Ye Wan Wan.

"Oo naman!" disidido si Nameless Nie. Tiningnan niya ang kanyang mga kasamahan. "Tama ba ako?"

"Tama si Kapitan!" Sigaw ni Spray of Flowers.

Deboto: "Oo naman."

Dayuhan: "Taasan sana ang bayad sa atin…"

Gwapong taong yelo: "?"

"Paano kung… bayaran mo pa kami, huh? Masyadong magulo ang city H, Famous Ye - dagdagan mo na lang ng $500 ang bayad mo sa amin?" Lumapit si Nameless Nie kay Ye Wan Wan sabay tumawa siya.

Noong una, gustong taasan ng $1,000 ang bayad ni Ye Wan Wan sa bawat isa sa kanila. Ngunit sumangayon na lang si Ye Wan Wan dahil $500 na lamang ang hinihingi nila.

"Pumunta ako sa city H para imbestigahan ang mga mamahaling bato…"

Pinaliwanag ni Ye Wan Wan sa grupo ni Nameless Nie, ang dahilan kung bakit siya pumunta si city H.

Pagkatapos ng diskusyon, naghanda ng suite sa bawat isa sa kanila si Ye Wan Wan sa hotel na kinalalagyan nila.

Nakapag-relax dahil nagpapahinga na ang grupo ni Nameless Nie sa kani-kanilang mga kwarto.

Pinapunta niya dito sila Nameless Nie para manduga… ay mali, para iligtas ang grupo ng mga kriminal at mga rebelde.

Magiging komplikado ito para da grupo nila at planado ni Ye Wan Wan na kausapin sila ng maayos bago niya sabihin sa grupo nila Nameless Nie ang tunay nilang misyon sa city H. Kung hindi, babanggitin na naman ni Nameless Nie ang prinsipyo nila na hindi sila pwedeng maging bayolente, kaya baka umayaw sila - hindi ito ang gustong mangyari ni Ye Wan Wan.

Malalim na ang gabi, nakahiga si Ye Wan Wan sa kama nang biglang lumabas sa isip niya ang imahe ng arogante na batang lalaki.

Naguguluhan ang isip ni Ye Wan Wan sa imahe ng batang iyon.

Magkaparehas ng ugali at mannerisms ang bata at si Si Ye Han...

Posible kaya na...

Si Si Ye Han ang binanggit ni Nameless Nie na 'masahol na lalaki' - siya ang ama ng batang lalaki?!

Mas lalong naisip ni Ye Wan Wan na mag-ama si Si Ye Han at ang batang lalaki habang lumalalim ito sa kanyang isipan. Kahit ang damit at pananalita nila ay magkaparehas!

"Hindi siya pwedeng maging anak ni Si Ye Han, 'di ba…?" Napakunot si Ye Wan Wan habang gumugulong gulong siya sa kama. Hindi siya makatulog dahil iniisip niya ang posibilidad na iyon.

Biglang nag-ring ang phone niya habang malalim ang iniisip niya. Sinendan siya ng message ni Si Ye Han.

Si Ye Han: [Tulog ka na ba?]

Mabilis na nag-type ng isasagot si Ye Wan Wan kay Si Ye Han: [Huwag mo akong tanungin kung gising ako o hindi. May itatanong muna ako sayo!]

Sumagot kaagad si Si Ye Han: [Sige, ano yun?]

Nag-type ulit si Ye Wan Wan: [May ibang babae ka ba maliban sa akin?]

Panandaliang nanahimik ang phone ni Ye Wan Wan pagkatapos niyang i-send ang message.

"Ding!"

Biglang nag-notify ang bagong message sa kanyang phone.

Sumagot si Si Ye Han: [Wala.]

Ye Wan Wan: [Isipin mo ng maigi ang sinasabi ko sayo - baka nagkaroon ka ng anak sa pokpok!]

Si Yehan: […]

Walang ginamit na elipsis si Si Ye Han pero ito ang pakiramdam na pinapakita ni Si Ye Han sa oras na ito.

avataravatar
Next chapter