36 May boyfriend ang babaeng iyon?!

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Nang lumabas na ang resulta, nagsimula ng magprotesta ang buong klase.

 "Ye Wan Wan? Snow White? Nagbibiro ka ata!"

 "Ano bang problema mo class monitor! Saang balat ng lupa mo nabunot yan?"

Hinarap ng class monitor ang mga paratang ng mga babae nyang kaklase ng walang nasasabi, "Hi-hindi ako ang nagbunot nyan!"

Kahit ano man ang resulta, Si Si Xia padin ang bumunot"

 "Hindi pwede! Hindi pwedeng maging partner ni Si Xia ang ganong klaseng tao! Edi para syang lobo an pumasok sa kweba ng tigre, diba?"

 "Pag pinayagan natin si Ye Wan Wan na magperform, magmumukhang katawa-tawa ang F class sa ibang klase, diba?'

Sa podium biglang dumilim ang ekspresyon ni Liang Li Hua.

Ye Wan Wan!

Bakit si Ye Wan Wan na naman?

Ngunit inanunsyo nya na sa lahat ng estudyante na kahit ano man ang maging resulta wala ng sinu man ang makakapagpabago nito. Wala na syang magagawa na mapalitan sya ng iba.

Wala ng ibang magagawa si Liang Li Hua, tiningnan nya si Si Xia at tinanong ito, "Ano sa tingin mo Si Xia?"

Sa panahong ito, hawak hawak nya ang papel at hindi parin makapaniwala na nabunot nya ito.

Hindi pa sya nagkaroon ng ganito kahirap na decision sa buong buhay nya.

Matapos ang ilang oras, napilitan na lang syang magsabi, "Whatever."

Ako mismo ang nagbunot papano ko pa maibabalik ang nasabi ko na?

Lahat ng mga babae inaantay ang sagot ni Si Xia; lahat sila gustong magkaroon ng panibagong bunutan si Liang Li Hua.

Tiningnan ni Liang Li Hua ang hindi kaaya ayang itsura ni Ye Wan Wan, nagisip isip, at sinabi, "Class, wag kayong maingay. Sinabi ko ng dapat maging patas tayo, dapat natin sundin kung ano man ang maging resulta ng bunutan. Dahil wala namang problema kay Si Xia, eto na ang decision at wala ng iba pang makakapagpapalit nito!"

Ngayon ang problema na lang eh hindi kung gagawa ng kapalpakan si Ye Wan Wan kundi kung kelan.

Sa naisip nyang yun lumingon si Liang Li Hua kay Ye Wan Wan at nagsabi, "Ang performance na ito ay napakaimportante, pagpumalpak ka, hindi kita matutulungan!"

At nagising na si Ye Wan Wan.

Papano siya napili bilang Snow White at maging tinik sa ibang kaklase nyang babae habang natutulog sya?

Si Ye Wan Wan noon ay nakuha ni Si Ye Han dahil sa love letter ngayon, kaya di nya pa naharap ang ganitong ganap.

Kung alam ko lang na mangyayari to dapat pinigilan ko na!

Si Si Ye Han ay selosa at mapag-angkin, pagnalaman nya na magiging partner sya ng iba na may kissing scene pa sa ending…

Panloloko ba yon?!

 "Bakit ba ko napunta sa gusot na to?!" Sinabunutan ni Ye Wan Wan ang sarili at paiyak na.

Dumilim ang mukha ni Si Xia ng makita nya ang reaksyon ni Ye Wan Wan.

Sino ba ang talaga ang minalas ditto ng hindi sinasadya?

Bakit parang itong babae pang to ang parang minalas?

 "Sandali… Miss! Pwede bang wag ko na lang kunin yung role?" Tinaas agad ni Ye Wan Wan ang kamay nya.

Nang marinig ito ng mga kaklase nyang babae ay nagalit na naman ang mga ito.

Ano! Pangit na Ye Wan Wan! Hindi nga sya iniwan ni Si Xia, sya pa may balak na iwan yung play!

Napuno agad ng galit ang mukha ni Liang Li Hua, "Ye Wan Wan, Anong akala mo ditto sa eskwelahan? Bahay mo? Gagawin mo lang gusto mong gawin? Ng walang rules? Baka nakakalimutan mong nasa probation ka pa!"

Napamura na lang si Ye Wan Wan matapos syang pagalitan ni Liang Li Hua, "Damn!"

At sa panahon na yun ay wala ng nagawa ang lalaki sa katabi nya, "Ye Wan Wan! Sino baa ng taong minumura mo?"

Tiningnan ni Ye Wan Wan ang school's hunk ng may pagaalinlangan na mukhang sasabog na sa galit. Habang naka tungko ito sa kamay nya, "Pero may boyfriend ko. Pag nalaman to ng boyfriend ko, magseselos sya. Anong gagawin ko? Hindi ko na alam gagawin ko!"

Tiningnan ni Si Xia ang mukha Ye Wan Wan, yung mukha na mangingitim ang puso ng isang tingin lang at matahimik agad.

May boyfriend tong babaeng to…

Bulag siguro 'yung boyfriend niya…

avataravatar
Next chapter