784 May bagong tricks ang munting demonyo

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Sa sumunod na araw.

Ang boss ng Glittering Jewels ng Pavillion, na si Wan He Yun, mainit na inimbitahan si Ye Wan Wan at ang iba para sa isang salu-salo.

Ang balita ng Glittering Jewels Pavillion na gumagawa ng isang imperial jade na ikalat sa buong industriya at palakihin ang kanilang reputasyon.

Sa kabilang banda, si Huang Shin Xin ay nakikipaglaban kay Huo Mao Feng kung hinid dahil para kay Hou Mao Feng na pigilan siya, sa halip hindi si Huang Shin Xi ang magdadala ng pangkat ng mga bata mula kay Wan He Yun.

Ginamit ni Wan He Yun ang lahat ng perang kinita niya mula kay Ye Wan Wan upang bumili ng hilaw na bato at sa loob ng dalawang araw, ang lahat ay nabenta na.

Talagang humusay ang kanyang swerte - ang pangkat ng hilaw na batong ito ay ginawa sa maayos na resulta at ang Glittering Jewels Pavillion ay hindi kilala bilang "jinxed workshop" ngayon.

"Miss Ye, kung hindi ito para sa iyo, ang aking Glittering Jewels Pavillion ay marahil magsasara; bibigyan kita ng isang tagay!" inangat ni Wan He Yun ang kanyang baso at masayang nagsalita.

"Boss Wan, masyado kang mabait! Hindi talaga ako umiinom, pero sa halip pwede akong gumamit ng tsaa. Hinihiling ko para sayo ang madaming maunlad na business!"

"Salamat! Salamat sa iyong biyaya!"

Si Wang Hu, na nasa tabi, tumatawa. "Magmula ng makuha ni Miss Ye ang imperial jade mula sa ating tindahan, talagang nagbago ang ating swerte. Miss Ye, nagdala ka ng magandang swerte at kapalaran sa amin!"

Nang matapos silang kumain, ang lahat ay bumalik na sa hotel.

Dumating si Ye Wan Wan sa suite upang magpaalam sa limang grupo.

Habang sila ay nagsasalita, isang pamilyar na tunog ang umalingawngaw. Ito ay isang video call.

Inangat ni Ye Wan Wan ang kanyang kilay. "Kapitan Nie, hindi mo ba sasagutin ang tawag?"

Namutla ang mukha ni Nameless Nie.

Ang apat na tao ay nagtinginan sa isa't isa saka umurong sa isang gilid ay nagkunwaring wala doon.

Nasa posisyon si Nameless Nie ng pagdadasal bago sagutin ang tawag. Matapos iyon, sinabi niya ng isang hingahan lang: "Hindi ko pa nakikita ang iyong ama at ina pero ang tito mo, ay siguradong mahahanap ko bago ang deadline. Kung hindi man, tatanggalan ko ang aking sarili!"

"Bakit ka kinakabahan? Gusto lang kitang kamustahin." Ang walang pakialam na boses ng munting demonyo ang narinig.

"Uh…' lumunok si Nameless Nie. Gustong kamustahin ako? Bakit parang nakakatakot siya?

"Nag-iisa kaba?" Tumingin ang munting demonyo sa kanyang likuran.

"Hindi… narito din ang iba…" bahagyang sumulyap si Nameless Nie.

"En." Walang emosyong tumango ang munting demonyo. Saka niya tinanong, "kumain kana ba ng hapunan?"

Sa sobrang takot ni Nameless Nie halos maihagis niya ang kanyang telepono palayo. Talaga bang may pakialam ang munting demonyo sa aking kapakanan?

Sh*t sh*t sh*t! Ano bang gusto ng batang ito?

Walang pagpipilian si Nameless Nie at hindi naglakas loob na patayin, kaya sumagot siya, "Oo… kumain na ako, may problema ba?"

"Hindi ba kita pwedeng makausap?"

Nginuso ng munting demonyo ang kanyang labi at tumingin ng labis na malamig. Paano naging mukhang gusto niya makipag usap?

Ang paraan ng munting demoyo ng pag papahirap… ay naiba na naman?

Naging mani na lang ka Nameless Nie mula sa torture. Sige…"

Ayoko makipag-usap sayo, okay?

Nang makitang hindi pa din pinapatay ni Nameless Nie matapos ang ilang oras, bahagyang umubo si Ye Wan Wan at pumunta upang buksan ang pinto. "Kapitan Nie, kung wala na, ako na unang kukuha?"

Dali-daling sinabi ni Nameless Nie, "Oh, tama, tama…"

Nang magsalita si Nameless Nie kay Ye Wan Wan, nilipat niya ang kanyang telepono ng kaunti at nakunan ng tingin ng munting demonyo si Ye Wan Wan sa video call.

Matapos makaalis ni Ye Wan Wan, bumalik si Nameless Nie sa usapan nila ng munting demonyo. "Maaari na ba tayong mag umpisa mag-usap?"

Mapangmatang tumingin ang munting demonyo sa kanyang tito na para bang nakatingin siya sa isang insekto. "Hanggang kailan mo mahahanap ang aking magulang, anong paguusapan?"

Sa sinabing iyon, pinatay niya ang tawag.

Natuliro si Nameless Nie.

avataravatar
Next chapter