605 May anak ako, ngunit hindi ko alam ang tungkol dito?

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Salamat sa inyong pagtangkilik. Sana magkita tayong muli!" nagpaalam ang nakabibighaning deboto sa Dark Team 4.

Matapos umalis ng Dark Team 4, ang nakabibighaning deboto ay humuni ng isang toni at tila nasa magandang kalagayan.

"Hehe, $10,000… sapat na para sa kapitan na magkaroon ng madaming dumplings na gustuhin niya…" bulong ng nakbibighaning deboto.

Sa $10,000, hindi na niya kailangan pang mag alala para sa buwanang performance na ito ngayon at sigurado na nasa top performers sa group. Hindi ko na kailangan pumunta sa Africa ngayon...

Sandaling nanuod si Ye Wan Wan ng paalis na siya.

Gayon pa man, ang nakabibighaning deboto ay nakita ang nasa malapit na si Ye Wan Wan at kaagad naglakad patungo sa kanya.

Nakatayo sa tabi ni Ye Wan Wan, ang nakabibighaning deboto ay tinignan siya at sandaling ngumiti. "Famous Ye, nagkita ulit tayo."

Bahagyang nagulat si Ye Wan Wan. nakabihis ako bilang isang lalaki, ngunit nasabi na pa din na ako ito?!

"Ano Famous Ye? Nagkamali ka ng tao, okay?" bahagyang umubo si Ye Wan Wan at tinago ang kanyang pagkakakilanlan.

"Babe, medyo nagmamatigas ang lalaking ito. Kung gusto mo, pwede kitang turuan ng bagay na mas mataas…" iniling ng nakabibighaning deboto ang kanyang ulo at bumuntong hininga. Ang kanyang mata ay puno ng galit. Itong Famous Ye na ito ay nagsuot ng damit pang lalaki at naglagay ng makeup, iniisip na sapat na ito para magtago sa akin… niloloko niya ba ako?

"Paano mo na sabi?" namangha si Ye Wan Wan.

Pinagplanuhan niya ng maiigi ang kanyang pagpapanggap na lalaki na kahit ang kanyang mga magulang ay hindi siya kayang nakilala, ngayon ang debotong ito ay talagang tama ang nakita sa kanya sa isang tingin lang?!

"Kamukha, talagang magkamukha…" hindi na sumagot ang deboto sa tanong ni Ye Wan Wan sa halip bumulong na lang sa kanyang sarili.

"Mukhang ano?" nagtatakang tanong ni Ye Wan Wan.

"Katulad ni Worriless Nie…" bulong ng nakabibighaning deboto.

"Sinong Worriless Nie?" pinagbubuo buo ni Ye Wan Wan.

"Kalimutan mo na itong una. Famous Ye, ilang taon ka na ngayong taon?" napagtanto ng nakabibighaning dedoto ng tignan niya ito ng malapitan, itong Famous Ye ay may pagkakatulad kay Worriless Nie sa litrato.

"20, bakit? Kahit na hindi alam ni Ye Wan Wan ang ibig sabihin ng debotong ito, tapat niya pa din itong sinagot.

"20?"

Nang marinig iyon ng nakabibighaning deboto, nagisip isip ito ng sandali. Kung siya ay 20 ang kanilang edad ay hindi tugma. Dapat 23 o 24 na ngayong taon si Worriless Nie…

"Famous Ye, nawala ba ang memorya mo noon? O sumama sa isang wild man? O baka nawala ang iyong memorya at sumama sa isang wild man?" mabilis na nagtanong ang nakabibighaning deboto ng sunod sunod na katanungan.

Ye Wan Wan: "..." talagang nararamdaman ko na napupunit ang kanyang bibig ngayon…

"O baka… mayroon kang limang-taong gulang na anak pero hindi mo alam ang tungkol dito?" seryosong tinanong ng deboto.

Ang ugat sa noo ni Ye Wan Wan ay bahagyang lumabas. "..." may anak ako pero hindi ko alam ang tungkol dito? Tanga ka ba?

Nang makita na tahimik si Ye Wan Wan, seryosong nag tanong ang deboto. "Babe, maaari ko bang makita ang iyong dibdib…"

Hindi na natiis pa ni Ye Wan Wan ito. Niliitan niya ang kanyang mata at ang tumingin sa deboto. "Tsk tsk, kaibigan, nabasa ko ang iyong kapalaran ngayon lang - natatakot ako na makatatagpo ka ng isang madugong kalamidad ngayong gabi!"

Hirap na lumunok ang deboto nang makita niya ang pekeng ngiti sa mukha ni Ye Wan Wan at napagtanto na nagtatanong siya ng isang laban gamit ang pagtanong ng katanungang ito. Pumuwersa siya ng isang tawa at sinabi, "Ha...haha...nahulaan ko na masusunog ang aking bahay. Mauna na ako… mauna na ako…"

"Babe, magkikita tayong muli kung tayo ay itinadhana!" ang mapagpakumbabang deboto at kaagad na umalis.

Nakatingin sa direksyon ang deboto ay nawala, pinisil ni Ye Wan Wan ang kanyang kilay, labis na hindi makapagsalita.

Siya ay napaka husay ngunit marahil may problema sa kanyang utak - baliw na siya…

--

[Mini Theater:]

Little Devil: Mommy!

Ye Wan Wan: Sino ka? Wag kang magulo. 20 lang ako - paano ako magkakaroon ng isang anak ng ka edad mo?!

Little Devil: "Daddy!"

Si Ye Han: Wan Wan, wala akong anak sa labas, maniwala ka.

Little Devil: … kaya parehong walang ideya ang aking daddy at mommy na mayroong ako.

avataravatar
Next chapter