272 Matitikman niya ang sarili niyang pagkatalo

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Kumalma si Fei Yang at maingat na inisip ang dahilan ni Han Xian Yu. "Ngayon nabanggit mo ito, tila totoo nga ito...

"Kung titignan mo nga isa-isa ang mga ebidensya, wala sa mga ito ang matibay na ebidensya. Halimbawa, yung komento ni Zhao Da Yong sa video clip--hindi na iba sa walang alam na katulad niya para sabihin ang ganoong bagay. Kahit na pagsama samahin mo ang lahat ng ebidensya galing sa kaniyang social media accounts, mapapatunayan lang na mahilig siya sa bata at masama ang ugali niya...

"Kung titignan mo lang yung pinadala niyang litrato ng kaniyang anak, isasaalang-alang lang nila iyon bilang pagyayabang sa kaniyang anak, na parang katulad sa litrato mo na nakahiga kasama ang mga bata iyon-- normal na litrato lamang ito kung titignan mo ito isa-isa.

"Bilang sa pahayag ng mga saksi, maliit ang posibilidad na ang mga taong iyon ay may sama ng loob laban sa kaniya. Ang mapapatunayan lamang nila ay siya ay nananakit kapag naka inom.

"Ang kapitbahay ni Zhao Da Yong ay parang iyong ex-girlfriend--ang kaniyang mga salita ay tila kapanipaniwala sa publiko…"

Sa mga sinabing iyon, bigla may napagtanto si Fei Yang habang nakaupo at tuliro. "Maari...maaari ba na si Zhao Da Yong ay hindi…"

Malumanay na nagsalita si Han Xian Yu, "hindi na mahalaga kung siya nga o hindi."

Nang marinig ang mga sinabi ni Han Xian Yu, Bumigat ang pakiramdan ni Fei Yang, "Tama ka, hindi na mahalaga iyon kahit kailan. Ang mahalaga ay kung siya ay guilty sa mata ng publiko…"

Tinitigang mabuti ni Fei Yang sa live telecast ang mga umaalis na media sa hall at sinusubukang intindihin ang sitwasyon. "Sinadyang maghanap ng ibang tao sa labas ng Worldwide Entertainment si Ye Bai upang ilantad ang lalaking ito dahil kung ibang tao galing sa Worldwide ang makikialam, walang maniniwala sa taong iyon kahit na ano pa man ang kaniyang sabihin, dahil sa kakampi ito.

"Inakusahan ng Worldwide si Zhao Da Yong na umiinom, nagsusugal at sinasaktan ang kaniyang asawa"t anak noon, ngunit iniisip ng iba na sinusubukan lang ng Worldwide na dungisan ang pangalan ni Zhao Da Yong upang mapatunayan lang ang nila na inosente ka. Sa halip nakipagugnayan si Ye Bai sa Mars Weekly, na maayos na kompanya sa industriya.

"Nakipagkasunduan siya kay Gao Feng upang hindi ibunyag ang komento na pinost ni Zhao Da Yong sa una palang at hinahayaan na makiusisa at hindi pagkakaunawaan bago ilantad ang totoo, na ikagugulat ng lahat.

"Matapos sirain ang imahe ni Zhao Da Yong bilang ama at mailantad ang kaniyang ugali, pagkatapos ang lahat ng sasabihin ni Gao Feng ay mas lalong kapanipaniwala sa media.

"Sumunod pa doon, at ang lahat ng nasa litrato ng kaniyang anak na tinatawag nilang ebidensya at sa wakas ang pagkainis ni Zhao Da Yong na nagdulot upang makasakit na siya ng reporter --ito ang mga eksaktong ginawa sayo ng media...

"Itong si Ye Bai, siya ay… siya talaga ay…"

Huminga ng malalim si Han Xian Yu at kinumpleto ang sinasabi ni Fei Yang, "matitikman niya ang sarili niyang pagkatalo."

Ginawa lahat ni Ye Bai ang lahat ng mga bagay na ito sa simpleng pag gaya lang kung paano gamitin ni Zhao Da Yong ang media laban kay Han Xian Yu-- binalik ni Han Xian Yu ang lahat ng ginawa sa kaniya ni Zhao Da Yong!

Hindi lamang iyon, Malinis ang plano ni Ye Bai. Kahit na si Fei Yang na matagal na panahon na nagta-trabaho sa entertainment industry, ay hindi din napansin, ano pa kaya ang mga pinapakita ng mga reporters at sibilyan.

Simula ng nangyari ang lahat ng ito kay Han Xian Yu noon, may kakayahan padin siyang malaman ang mga plano ni Ye Bai.

Napatitig si Han Xian Yu sa taong umalis sa live telecast at hindi inaasahang kumabog ng malakas ang kaniyang dibdib.

Hindi niya lubos inaasahan iyon… hindi lamang sa ginawa ng lalaking iyon… pinili niya pa na gamitin ang paraan na iyon upang mapatunayan ang kaniyang pagka inosente...

avataravatar
Next chapter