281 Matigas ang ulo ng BOSS mo

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Natuwa si Chu Hong Guang sa kinalabasan ng usapan nila, dahil gusto niyang mawala ang pagiging magulang ni Ye Bai sa mga oras na iyon; kaya, hindi na niya sinubukang kumbinsehin ang binata. Nilabas niya ang malaking pen para pirmahan ang dokumento. "Sige, ikaw na ang bahala sa taong ito. Kunin mo ang dokumento at ipasa mo kay Wen Bin para sa handover procedures, pwede mo nang gawin ang gusto mo pagkatapos nito!"

Pinirmahan rin ni Wan Wan ang dokumento. "Maraming salamat, chairman Chu."

"May inutusan na akong tao para maglilinis ng office mo at 'wag kang mag-alala, makakatanggap ka ng top treatment sa staff dormitory. Pwede ka nang pumunta doon, para makita mo. Kung meron mang alalahanin, sabihin mo agad sa akin!"

Nakangiti si Chu Hong Guang na inabot ang mga susi kay Ye Bai, habang nakahawak siya sa kanyang beer belly. "Hehe, galingan mo Ye Bai! Malaki ang expectations ko sayo!"

Nang kinuha niya ang mga susi naramdaman niya ang kumikinang na mga salita ni Chu Hong Guang na nagbibigay ng lakas ng loob.

Sa Grand View Park...

Totoo na walang bahid ng kalokohan ang sinabi ni Chu Hong Guang-- ang lugar na iyon ay ang pinakamagandang staff domitory ng Worldwide; maraming sikat na artista at mga managers ang kasalukuyang nakatira doon. Panandaliang tumira rin doon di Han Xian Yu, noong hindi pa siya masyadong sikat.

Pupunta muna ako ng dormitoryo para ayusin ang mga gamit ko doon; kapag maayos na ang lahat, titingnan ko na lang kung ano pang magagawa ko pagkatapos.

Ayon sa kanyang obserbasyon, sinusunod pa rin ni Si Ye Han ang kasunduan nila-- hindi siya nangingialam sa ginagawa ni Ye Wan Wan; ngunit, inaalala ni Ye Wan Wan ang magiging reaksyon ni Si Ye Han dahil mahabang usapan kapag umalis siya sa Jin garden.

Tinesting ni Ye Wan Wan ang magiging reaksyon ni Si Ye Han, pagka-alis niya ng Worldwide building.

[Baby, pumunta ako sa worldwide at natanggap ako sa trabaho. Magsisimula na akong magtrabaho bukas kapag maayos na ang lahat. Kaso naisip ko na mahihirapan ako kapag nakatira ako sa Jin garden… kaya naisip ko na... lilipat na lang ako sa staff dorm…]

Madalas na nagre-reply agad si Si Ye Han kapag nag-text siya pero ngayon, para siyang nagtapon ng bato sa dagat dahil Si Ye Han ay hindi pa rin nagre-reply sa kanya.

Tinext niya na lamang si Xu Yi dahil nainip siya sa kakahintay ng reply ni Si Ye Han: [Housekeeper Xu, anong ginagawa ni Si Ye Han? Nakita niya na ba ang text ko?-- kanina ko pa kasi sinend yun]

Ilsang saglit ang lumipas ang sumagot si Xu Yi: [Uh, nasa meeting siya ngayon. Tiningnan niya yung phone niya ngayon-ngayon lang kaya nakita niya na siguro. Dear little grandaunt ko [1], anong sinend mo sa kanya?]

Base sa tono ng boses ni Xu Yi, na-imagine ni Ye Wan Wan ang magiging reaksyon ni Si Ye Han nang mabasa niya ang text na sinend niya, kahit na hindi man ito banggitin ni Xu Yi.

Siguro nagagalit na siya...

Nilagay ni Ye Wan Wan ang kanyang kamay bilang suporta sa kanyang ulo sabay nagbuntong hininga siya.

Wala nang ibang paraan; mahihirapan si Ye Wan Wan kapag patuloy siyang titira sa Jin garden. Karaniwang nakatira malapit sa mga artistang hawak nila ang mga managers, para personal silang makapag-usap kapag may hindi inaasahang pangyayari.

Ay, bingyan ko na kasi siya ng mga roses noon eh.... Ano kayang gagawin ko para paamuhin si Si Ye Han?

Pinag-isipang mabuti ni Ye Wan Wan ang gagawin niya. Pagkauwi niya ng Jin garden, umalis siya para bumili ng mga bagay sa market.

Pagkatapos niyang mamili, napansin niyang malapit nang matapos si Si Ye Han sa kanyang trabaho kaya dumeretso ulit siya ng Si Corporation.

Kilalang-kilala siya ng sekretarya doon kaya nang makita siya--- nagliwanag ang mga mata nito.

"Mr. Ye, hinahanap mo ba si chairman Si? Patapos na rin ang meeting nila! Ihatid na kita sa taas!"

Nabulag si Ye Wan Wan sa mga mata ng sekretarya na para bang gusto niya pang makipag tsismisan sa kanya. Kumibot ang mga labi ni Ye Wan Wan at tumango na lamang siya. "Salamat."

Pagka akyat nila, dinala siya ng sekretarya sa katapat ng meeting room na staff area para maupo siya doon. "Maupo ka na muna dito Mr. Ye, malapit na ring matapos ang meeting ni Chairman Si."

"Sige." tumango si Ye Wan Wan sabay nilapag ang mga dala-dala niya. Tumingin-tingin siya sa may meeting room para makita kung lalabas na si Si Ye Han.

Sa kinauupuan niya, nakatingin siya sa may glass window at nasusulyapan niya si Si Ye Han sa loob.

Habang nagsasalita ang walang emosyon na si Si Ye Han, napahinto siya nang mapansin niya na may nakatingin sa kanya sa labas.

Kakaway na sana si Ye Wan Wan ngunit, lumayo sa kanya ang tingin ni Si Ye Han.

Hindi pwedeng iwan mag-isa ng sekretarya ang isang VIP, kaya sinamahan niya si Ye Wan Wan habang pasikretong hinuhusgahan siya ng mula ulo hanggang paa.

Parang drawing ang itsura ng binata-- mas maganda pa ang kutis niya kesa sa babae, piece of art ang kanyang perpektong pangangatawan. Nakatalumbaba siya habang nag-aalalang nakatingin sa loob ng meeting room.

Hindi maiwasang magtanong ng sekretarya nang makita niya ang ekspresyon ni Ye Wan Wan, "Pansin kong bad mood ka ngayong araw Mr. Ye--- may nangyari po ba?"

Nakatuon ang mga mata ng binata sa maganda at eleganteng tao sa loob ng kwarto kaya napabuntong hininga siya, "Oo, bad mood ako ngayon. Ang tigas kasi ng ulo ng BOSS mo…"

"..." Walang reaksyon ang sekretarya

avataravatar
Next chapter