201 Matanda na walang galang!

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Nanahimik ang buong klase pagpasok ni Ye Wan Wan sa pintuan ng class F.

Inasahan na ni Cheng Xue na mangyayari ito, kaya kinabukasan ay nagpaganda siya bilang paghahanda sa pagdating ng kanyang kalaban. Sinigurado pa niya na walang lukot ang kanyang dress. Pero sinong mag-aakala na kukunin pa rin ni Ye Wan Wan ang lahat ng atensyon?

Simula pa lang, tila hindi na mapakali si Si Xia sa kahihintay sa isang tao. Pero nang makita niyang pumasok si Ye Wan Wan, dumulas ang kamay na nakasuporta sa pagtalumbaba niya at muntikan na humampas ang kanyang mukha sa lamesa. Patuloy na dumikit ang mata niya sa babaeng iyon.

Masyadong mabilis ang pangyayari kagabi, kaya hindi rin malinaw sa mga mata ni Si Xia ang nakita niya.

Ngunit natandaan niya ang anino ng babae na nakasuot ng pulang dress, naglalakad sa kanyang harapan.

At ang itsura ni Ye Wan Wan noong nakapulang dress siya, ay kamuka nga babae sa memorya ni Si Xia...

Ngunit hindi pinansin ni Ye Wan Wan ang tulirong pagtitig ni Si Xia sa kanya. Hinila na lamang niya ang kanyang upuan at umupo.

Napuno ng galak ang klase nila nang makita nila na ang babae na iyon ay si Ye Wan Wan, nakaupo siya malapit kay Si Xia.

"Sh...Sh*t! Sobrang ganda niya!"

"Hindi talaga ako makapaniwala. Yung ugly freak na si Ye Wan Wan ay maganda pala! Mas gumanda pa siya ngayon kumpara kagabi!"

"Kumpara naman sa pinakamagandang babae sa eskwelahan na si Cheng--mali, ex-pinakamagandang babae sa eskwelahan na si Cheng--tunay na mas maganda si Ye Wan Wan! May mas gaganda pa ba sa kanya?!"

Sa sobrang inis, kinagat ni Cheng Xue ang kanyang labi hanggang magdugo ito dahil narinig niya na tinawag siyang "ex-maganda ng eskwelahan." Sumabay pa ang paulit-ulit na pagkagulat ng mga tao.

Ang dalawang katabi ni Cheng Xue ay hindi nasisiyahan na nambola ng kasinungalingan sa kanya, "Paano naman siya naging maganda? Sobra lang siyang..! Sobrang layo niya sa ganda ng Cheng Xue natin!"

"Tama! Mga lalaki, bakit ganyan ang taste niyo? Nahulog kayo sa tulad niyang pokpok!"

"Ay! Nakakapanget ang pagseselos!" makabuluhang sinabi ng lalaki.

Narinig ng babae iyon, bigla siyang napasigaw, "Sinong pangit? Ikaw ang pangit! Buong pamilya mo pangit!"

"Kung sino ang sumagot siya ang panget! At malamang bulag din!"

"Ikaw…"

Habang nagdadaldalan ang maliit na grupo ng tao, sinusubukang ipasak ni Ye Wan Wan ang mga libro niya sa desk ngunit nabigo siya na maipasok ang lahat ng ito.

Anong nangyari?

May nakalagay na naman ba sa loob ng desk ko?

Pinasok ni Ye Wan Wan ang ulo niya sa loob at nakakita siya ng maraming makukulay na bagay...

Love letters, tsokolate at matatamis na pagkain...

Nagulat siya at natuwa sa kanyang nakita.

Noon kasi, kung hindi patay na daga ay sa malamang may higad ang nailagay dito.

Napansin ni Ye Wan Wan na may pamilyar na mukha ang matagal na nakatitig sa kanya, pero hindi siya nainis kaagad tulad ng dati at kumalma na lamang siya.

Gayunpaman, masyado nang marami ang utang niya kaya hindi na lang ito pinansin ni Ye Wan Wan.

"Tsk.." pinitik ni Si Xia ang dila niya.

Tinanggal niya ang laman ng desk sabay nakakita siya ng bag para ipasok ang makukulay na bagay sa loob. Sa wakas, naisaayos na niya ang mga libro sa loob ng desk. Pagtapos ay lumingon siya at tumitig kay Si Xia, "Ano naman ang kailangan mo ngayon?"

Binuhat ni Si Xia ang kanyang ulo, naaawa niyang tiningnan si Ye Wan Wan sabay nangutya, "Kung noong una palang ganyan na ang mukhang ihaharap mo, edi sana matagal ka nang hindi pinag-aasar 'di ba?"

Umirap si Ye Wan Wan sa kanya, "Hanggat ito ang gusto ng baby ko, gagawin ko. Kung gusto niyang magpakapangit ako o magmukhang multo, gagawin ko para sa kanya! Kaya lubayan mo na ako!"

Baby…?!

Halos masuka siya ng dugo nang marinig niya ang tawag ni Ye Wan Wan kay Si Ye Han, "Ikaw…"

Tumaas ang kilay ni Ye Wan Wan at lumiwanag na parang araw ang maliit niyang mukha, "Anong meron sa akin?"

Si Xia: "Ikaw.. isa kang matanda na walang galang!"

Ye Wanwan: "..."

Walang kang awa! Edad ko ang inaatake niya dahil hindi niya kayang punahin ang itsura ko ha?

avataravatar
Next chapter