827 Matagal ng pinagplanuhan

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Worldwide Entertainment HQ:

Ang mukha ni Chu Hong Guang ay galit na galit. "Sabihin mo sa akin, ano talaga ang nangyari?"

Sobrang inis ni Cai Yong Sheng. Siya ay sumigaw, "Tito, wala akong ginawang kahit ano! Si Ye Bai yun. Pinagtaksilan niya ang kumpanya at ang lakas ng loob na kunin ang artista ng kumpanya at staff - nag rerebelde siya!"

Paanong hindi alam ni Gong Xu ang posibleng mangyari ng mga nakaraan na mga araw? Basta siyang naging bulag, yun na 'yon.

Masyadong maraming atensyon si Ye Bai at malamang gusto niyang gamitin si Cai Yong Sheng upang patumbahin siya. Nagsagawa ng background check si Cai Yong Sheng kay Ye Bai - siya ay ipinanganak sa isang ordinaryong pamilya at walang kahit anong kapang-yarihan, impluwensya o estado. Masyado na siyang maraming nakitang mga tao tulad nito at kapag nagkaroon na sila ng kapang-yarihan, hindi nila magagawang tiisin na sukuan ang kung anong mayroon sila.

Ngunit sinong nakakaalam sa mga oras na ito, na siya ay mali...

Sa paglipas ng araw, ito pa din ang kanyang pamangkin na masyadong tanga at padalus-dalos.

"Ang daming beses ko ng sinabi sayo na alamin mo ang iyong limitasyon. Kapag nakikipag-usap ka kay Ye Bai, kailangan mo siyang suhulan, pero wag kang sombra. Ang pinaka-mahalaga, kailangan mo gumawa ng magandang pag kagamitan sa kanya. Magaling - maganda ang baraha na nasa iyong kamay, pero sinira mo lang ito!" Galit na galit si Chu Hong Guang.

Bahagyang mukhang nagsisisi si Cai Yong Sheng pero ang kanyang itsura ay mabilis na nagalit. Nagreklamo siya, "Tito, hindi mo ako pwedeng sisihin. Ang lahat ng ito ay kasalanan ng lalaking iyon! Wala siyang utang na loob! Alam ng lahat na ako ay iyong pamangkin at makipagtulungan sa akin, pero siya lang ang tanging sumubok na kunin ang paraan ng aking trabaho."

Wala ka doon para makita mo - habang ginagawa ang recording ngayong araw, lubos niya akong pinahiya. Alam mo ba kung anong sinabi ng lalaking iyon? Ang sinabi niya na nandito siya para kunin ang mga tao niya! At pati si Gong Xu at Luo Chen ay hinikayat niyang sumunod sa kanya!"

"Tito, hindi lang niya ako binastos - hindi ka din niya sineryoso! Ang klase ng taong ito na may ligaw na pamamaraan ay may pananagutan sa kumpanya kahit na manatili siya!"

"Si Luo Chen at Gong Xu ang dalawa sa mga pinaka-kumikitang artista sa Dazzling - anong balak mong gawin sa kanila ngayon?" sigaw ni Chu Hong Guang.

Inirap ni Cai Yong Sheng ang kanyang mata at sinabi, "kahit na wala tayong gawin kanila Felix, Gong Xu at Luo Chen ang kontrata ay nasa kumpanya pa din at sa maagang pagtatapos na ito ay isang paglabag sa kontrata - maaari silang magbayad sa atin sa kanilang kamatayan! Wala ng kapit pa si Gong Xu sa kanyang pamilya at si Luo Chen ay kamakailan lamang naging sikat; hindi nila magagawang makabayad sa multa!"

Tumingin si Chu Hong Guang sa kanyang pamangkin at nangutya, "ang kontrata ni Gong Xu ay tiyak na ginuhit para sa kanya at ang kailangan lang niyang bayaran ang nakalista sa kontrata. Ang kontrata ni Luo Chen ay inabot na ang limang taong mark noong nakaraang buwan at wala ng bisa, kaya pinapirma na siya ni Ye Bai ng bago - ang kontratang iyon ay walang kahit anong lusot maski alin man!"

Nang marinig iyon ni Cai Yong Sheng, siya ay nagulat at kaagad nangngitngit ang kanyang mga ipin.

Halos makalimutan niya na pumasok si Gong Xu sa kumpanya gamit ang estado niya bilang young master ng pamilya Gong, kaya natural, walang sino man ang mag lalakas loob na pakialaman ang kanyang kontrata. At matagal ng pinalitan ni Ye Bai ang kontrata ni Luo Chen.

"Tito, ito ay matagal ng pinagplanuhan!" nagsalita si Cai Yong Sheng ng may pagkabalisa.

Pinisil ni Chu Hong Guang ang kanyang kilay at ang kanyang mukha ay nag-iba - si Luo Chen ay sikat na ngayon at matapos mawalan ng bisa ang kanyang kontrata, binigyan siya ni Ye Bai ng magandang alok upang mapanatili siya. Walang ano mang kahina-hinala doon, kaya wala siyang kahit anong pagtutol kung ganun. 

Sinong may alam na ang kanyang sariling pamangkin ay magdudulot ng isang malaking kaguluhan!

Takot si Cai Yong Sheng na nagalit niya si Chu Hong Guang, kaya agad niyang sinabi, "Tito, malaki ang kumpanya natin. Makakaya natin ito ng wala sila! Huwag ka mag-alala, tito. Nag debut na si Lucy noong mga nakaraang buwan at nakakakuha na siya ng kasikatan, diba? Sisiguraduhin ko na mag-aalaga ako ng madami pang A-listers at superstars para sayo!"

avataravatar
Next chapter