550 Masyadong maswerte

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Nag-uusap ang lahat at kabadong inaantay ang kalalabasan habang palihim namang humikab si Ye Wan Wan na para bang naiinip na.

Ang pakiramdam na alam na ang lahat bago pa mangyari ay parang alam na din kung sino ang masamang tao sa isang thriller.

Ay, nakakabagot ang buhay...

Tulad ng inaasahan, gusto magkaroon ng kaunting pananabik ang host, kaya matapos na magsalita ng kung ano-ano, binunyag niya nadin ang pangalan ng nanalo—— "Congratulations, Miss Lin Jia Yin!"

Matapos ang anunsyo ng Best Supporting Actress, nagulat sina Han Xian Yu at Qiao Ke Xin at sabay na lumingon kay Ye Wan Wan.

Umangat ang mga kilay ni Han Xian Yu. "Tatlong sunod-sunod na tama na…"

Matapos ang mahaba at mabagal na mga listahan ng maliliit na award, umabot na din ang seremonya sa pinakaaasam na mga award - Best Actor and Actress.

"Dumating ang pinakaaantay natin! Ang susunod na award na ipapahayag namin ay ang Best Actor!"

Halos makatulog na si Ye Wan Wan nang buong kagalakang nagsalita ang host.

"Inaantok ka ba?" tanong ni Han Xian Yu nang mapansin ang kawalan ng interes ni Ye Wan Wan.

Nagkibit-balikat si Ye Wan Wan. "Nahulaan ko na yung sagot, kaya syempre naiinip ako."

"Ikaw talaga…" tinuring na lang ni Han Xian Yu na biro ito at umiling na lang.

Gayunpaman, nang tumugon na si Ye Wan Wan sa kanya, natapos na din ang host sa kanyang sinasabi at inanunsyo na ang nanalo ng Best Actor award—— "Ngayong gabi, ang Golden Orchid's Best Actor award goes to..."Mountains and Rivers," Li Zhong Yi!"

Napuno ng mga malalakas na palakpakan ang buong silid.

Hindi mapigilang sumigaw si Han Xian Yu, "Masyado kang maswerte - apat sa limang award na ang nakukuha mong tama!"

Tama nga...

Maitatama ko din ang panglima - ang pinaka-aasam na award ng Golden Orchid award ceremony ngayong gabi...

Tumawa si Qiao Ke Xin. "Pati ako medyo nasasabik na - ako nga ba talaga ang magiging Best Actress?"

Nang marinig ni Qi Mei Lin ang usapan ng tatlo sa likod niya, nangungutya siyang bumulog: "Tsk, ang kakapal talaga ng mukha ng ibang tao, huh! Qiao Ke Xin, imbes na makinig ka sa sinungaling na 'yan, bakit hindi mo na lang paniwalaan ang mga sinasabi ng mga netizen - ikaw ang nangungunang artista sa listahan ng mga hindi makakatanggap ng Best Actress award!"

Kandidato din si Qi Mei Lin dito at hindi mababa ang tsansa niyang manalo. Parehas ng landas ng pag-arte sina Qi Mei Lin at Qiao Ke Xin at nasa magkalabang kumpanya din, kaya lagi silang nagtatalo, syempre gustong kunin ni Qi Mei Lin ang tsansang ito para tapak-tapakan si Qiao Ke Xin.

Hindi tulad ng mapusyaw na reputasyon ni Qiao Ke Xi, mas magaling si Qi Mei Lin at kilala din siya sa pagiging malinis sa entertainment industry at magandang halimbawa din ng diyosa.

Sa tuwing maglalabas ng pahayag ang team ni Qi Mei Lin, sisiguraduhin nilang ikukumpara nila ito kay Qiao Ke Xin at tapakan si Qiao Ke Xin.

Gayunpaman, sa realidad, si Qiao Ke Xin, ang dinudumi ng publiko hanggang sa wala ng malinis sa kanya, ang laging masigasig at maiging nag-aaral para mapagpabuti ang pag-arte niya. Sa kabilang banda, ang diyosa nila, na si Qi Mei Lin, ay may pribadong buhay na hindi na lubos maisip pa.

Sumagot si Qiao Ke Xin, "Mind your own business! Ano bang paki mo kung sinong paniniwalaan ko?!"

"Sinungaling siya…"

Nang marinig 'yon ni Ye Wan Wan, bumulong siya sa kanyang sarili at sabing, "Kailangan kang payuhan ng sinungaling na 'to Miss Qi - patuloy ka lang maglakad sa dilim at paniguradong may makakasalubong kang multo balang araw."

"Sayang, ngayong gabi nahulaan ko lang, na pagkatapos nitong Golden Orchid award ceremony, may makikilalang nakakapinsalang kalamidad si Miss Qi. Baka pwede kitang pagbentahan ng pamamaraan para masira ang sumpa sa 5% discount!"

Tumawa si Qi Mei Lin, "Ha, anong biro 'yan. Matagal na akong nasa ganitong industriya at ngayon lang ako nakakilala ng tanga na tulad mo. Desperado na ba talaga ang Worldwide kaya kumukuha sila ng taong tulad mo?"

Matatapos na sana ang pangungutya ni Qi Mei Lin, pero nagsalita na si Ye Yiyi at nagkunwaring mabuting tao: "Tama na 'yan, Mei Lin."

Nang makitang nagsalita na si Ye Yiyi, nanahimik na siya at tinalikuran sila. "Bumababa lang ang estado ko sa pakikipag-usap sa mga taong katulad niyo!"

avataravatar
Next chapter