969 Masyadong malakas ang hangin kaya wala akong narinig

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Walang nagbago sa istura ni Si Ye Han. Ito ay tila inaasahan niya.

Kung si Si Ming Li ay mag-isang nagtatrabaho, wala siyang lakas ng loob ni wala siyang kakayahan magtipon ng pwersa sa ibang bansa.

Patuloy na nag-report ang tao sa kabilang linya, "ang tao na nagligtas kay Wan Wan ay hindi pinaghihinalaan sa aming imbestigasyon. Siya dapat ang backup sa mga mercenaries ni Miss Wan Wan. Master, anong dapat nating gawin kay Si Ming Li?"

Hinihintay ng tao sa kabilang linya ang utos.

Nanahimik si Si Ye Han saka sinabing, "tulungan mo akong sumiyasat ng tao."

Matapos ibaba, tahimik na tumayo sa ilalim ng kalangitan sa gabi, patuloy na nag -iba ang kayang itsura.

Bago sya bumalik sa Tsina, ang loob ng departamento ng mga Si ay magulo na walang katapusang pagtatalo at dahil sa pagitan ng mga branch.

Ngunit kahit na ang komplikadong mga branch ng pamilya Si, naroon pa rin ang old madam at ang ikalawang elder na si Si Ming Rong upang mapanatili ang lahat. Wala pa sila sa punto na kung saan malapit ng masira ang pamilyang Si.

Sa mga anino, tiyak na mayroong tao na nagbabalak at ang taong ito ay napaka pamilyar sa mga Si. kaya kahit hindi nila pinapakita ang kanilang sarili, maaari silang gumamit ng hiram na kapangyarihan para magwelga at magdulot sa mga Si ng panloob na kagawaran upang labanan ang kanilang sarili. Pagkatapos maaari silang umani ng gantimpala ng walang ginagawang kahit ano…

Ang layunin ng taong ito ay tiyak na upang hindi tulungan si Si Ming Li na makamit ang kapangyarihan kundi upang makakuha ng mga benepisyo sa proseso sa kalaunan, mananalo sa kabuuan ng mga Si.

Kapag hindi kaagad bumalik si Si Ye Han upang mangalaga, malamang ang pamilyang Si ay mawawala.

Matapos niyang bumalik sa mga Si, ang kabuuan ng mga Si ay naging isang malakas na kuta na walang sino man ang makakahawak kaya ginamit nila ang "Future Mistress" ng mag Si bilang dahilan upang pukawin ang pagtatalo...

Dapat mayroong malaking koneksyona ang taong ito sa mga Si ay posible din na nagtatago sila sila sa loob ng departamento ng mga Si.

Sumunod na araw.

Ng buksan ni Ye Wan Wan ang kanyang mata, nakita niya si Tang Tang at Si Ye Han sa kanyang tabi, na nasa may dulo ng higaan.

Sa totoo lang nakakatuwang tignan ang tanda at batang ito!

Kung mayroon lang siyang gwapong asawa at anak, siya ay tiyak na magigising sa pagtawa sa kanyang sariling panaginip!

Patuloy na hinahangaan ni Ye Wan Wan ang magandang kaganapan ng tumunog ang kanyang telepono.

[nameless Nie: Famous Ye! Ayos lang ba si Tang Tang diyan? Pahinga ng litrato!]

[Ye Wan Wan: Anong sinabi mo? Masyadong malakas ang hangin… wala… akong... marinig…]

[Nameless Nie: "…"]

Malinaw na siya ay nagpadala ng mensahe. Diba?

Agad-agad na nagpadala si Nameless Nie ng isang pulang pakete.

Masayang binuksan ni Ye Wan Wana ng pulang pakete at napagtanto na maganda ang kanyang mood ngayon, kaya kinuha niya ang kanyang telepono at kaswal na kinuhanan ng litrato si Tang Tang para kay Nameless Nie.

Sa litrato, tumatama ang sinag ng araw sa bintana kay Tang Tang, na masayang natutulog suot ang kanyang mabalahibong cartoon na panjama. Ang kanyang munting ulo ay nakasandal sa braso ni Si Ye Han at sa kabila, kinukuhanan ng selfie ni Ye Wan Wan gamit ang isang kamay habang sinusundot ang dimple ng munting bata.

Mabilis na naipadala ang litrato kay Nameless Nie na tumatawa habang sini-saved ito.

Talagang hinahangaan niya si Ye Wan Wa, sino ang magtatangkang sundutin ang mukha ng munting demonyo.

Ngunit ng matapos tignan ng maigi ang litrato, napansin ni Nameless Nie na tila may kakaiba...

Ang taong natutulog sa tabi ni Tang Tang ay mukhang hindi si Ye Wan Wan?

[Nameless Nie: Tang*na! Sino ang lalaki sa tabi ni Tang Tang?]

Kahit hindi nakuhanan ni Ye Wan Wan ang mukha ni Si Ye Han, makikita ni Nameless Nie na mayroong ibang tao ang natutulog sa tabi ni Tang Tang at mula sa hugis ng katawan, masasabi niyang ito ay isang lalaki.

[Ye Wan Wan: Bullsh*t, sino pa ba maliban sa daddy ni Tang Tang?!]

[Nameless Nie: .... huh? Daddy ni Tang Tang?]

Sandaling tumitig si Nameless Nie sa kanyang telepono bago siya sumagot.

[Nameless Nie: Saan mo siya nahanap? Magkano isang araw?]

[Ye Wan Wan: Magkano mo mukha mo-- boyfriend ko ito! Hindi siya isang aktor!]

avataravatar
Next chapter